Chapter 21

420 29 0
                                    

Niel Pascua

UMILING-ILING si Niel habang nakatingin sa bangkay ni Bruce De Leon sa loob ng penthouse nito. Pareho ang pagpatay dito katulad ng sa mga biktimang sina Mariano Gomez at Charles Paborito. Ang pinagkaiba lang ay ang marka ng injection sa kaliwang gilid ng leeg ni Bruce. Iyon marahil ang ginawa ng killer para maparalisa ang katawan ng biktima.

Inabot sa kanya ng isang pulis ang sampling bag na may lamang piraso ng papel. Again the case number of Hidden Box Factory Massacre Case was written there.

Lumakad si Niel patungo sa living area kung saan doon nakaupo si Abby. Ito ang nag-report sa krimen kanina. Magulo ang buhok ng dalaga, may nakapulupot na blanket sa katawan nito.

Naupo siya sa katapat na couch, pinakatitigan si Abby. "Ano'ng nangyari, Abby?" Kagabi ay tumawag ang dalaga na pupunta ito sa lugar na ito ni De Leon. Hinintay niya itong bumalik sa headquarters pero hindi nangyari. Niel tried calling her but her number just kept on ringing.

"Ka-katulad ng sinabi ko sa mga pulis kanina, hindi ko alam kung... kung ano'ng nangyari." Nakahawak na sa noo ang babae. "Ang naaalala ko lang ay pumunta ako rito kagabi para... para kumustahin si De Leon at magtanong uli ng... ng tungkol sa kasong hawak natin.

"Inalok ako ni Mr. De Leon ng maiinom, pumunta siya sa kusina, naiwan ako dito." Tumingin sa kanya si Abby. "And then there was a doorbell. Binuksan ko ang pinto tapos bigla na lang akong... si-sinunggaban ng isang taong nakasuot ng itim. Si-sinubukan kong lumaban pero may naiturok na siya sa leeg ko." Hinaplos ng dalaga ang kaliwang parte ng leeg. "Nawalan na ako ng malay. Nagising na lang ako na umaga na at... at patay na... patay na si Mr. De Leon."

Nakikita ni Niel ang pagpipigil ni Abby na mapaiyak. Sinulyapan niya ang kaliwang parte ng leeg ng dalaga. There was indeed an injection mark.

"Tinurukan siya ng pampatulog," sabi ng medics na naroroon. "It has a huge dosage pero hindi naman noon maaapektuhan ang katawan niya kaya huwag kayong mag-alala."

Nakahinga ng maluwag si Niel. Tumayo siya, ikinuyom ang mga kamao. Pati ang ka-team niya ay idinadamay na rin ng killer na ito. "Nakita mo ba ang itsura niya, Abby? Lalaki?"

"Hi-hindi ko maalala," mahinang sagot ni Abby. "Ang tanda ko lang ay... may itim na face mask siya sa mukha. Iyon lang. Pinipilit kong alalahanin pero... pero wala talaga."

"Malakas ba siya?" Muli niyang tiningnan ang dalaga.

Umiling si Abby. "I don't know. Nagulat ako sa pagsugod niya kaya hindi ako nakalaban ng maayos. It was... it was too sudden."

Ipinikit ni Niel ang mga mata, sandaling kinalma ang sarili. Nagmulat siya at nilapitan ang isa sa mga pulis na naroroon. "Na-check niyo ba ang logbook sa lobby, pati ang mga CCTV footages?"

Inabot ng pulis ang isang blue logbook. "Nandito raw po ang mga guests na pumasok sa loob ng isang buwan. Tiningnan na rin namin kanina ang CCTV footages sa building na ito pero lahat ay tumigil sa paggana noong alas-nueve ng gabi kagabi hanggang alas-onse."

"Tama 'yon sa time of death ng biktima," sabi ng medical examiner.

"Damn it." Binalaan niya na ang management ng building na ito na bantayan ang mga security cameras. Pero na-hack pa rin ng killer.

Binuklat ni Niel ang logbook na hawak, tiningnan ang mga nakalistang pangalan ng bisita kagabi. His finger stopped at one name who logged at 9:30 P.M. – Alex Esguerra.

Naisahan na naman siya ng killer na ito. Naupo si Niel sa tabi ni Abby, inabot ang isang kamay nito. Nararamdaman niya ang panginginig ng katawan ng dalaga. "I'm sorry, Abby," sabi niya. "Pero sa ngayon, itinuturing kang suspect sa krimen na ito."

Tumingin sa kanya si Abby, nangingilid na ang mga luha. "Hi-hindi ako... ang pumatay sa kanya, Niel," pumiyok pa ito.

Tumango-tango siya, naaawa dito. "I know. But you should rest for a while, okay? Aayusin ko ang lahat. Ipapakita natin na may alibi ka sa dalawang murders na nauna dito. Tatawagan kita kapag puwede ka nang bumalik sa trabaho. Huwag kang mag-alala at magpahinga ka muna, hmm?"

Wala na namang nagawa ang dalaga kundi ang tumango. Alam ni Niel na mahirap ito para kay Abby pero kailangang gawin. Tumayo siya, muling nagtungo sa kinaroroonan ng bangkay ni Bruce De Leon. Kung naki-cooperate lang ang lalaking ito sa kanila, hindi ito mangyayari. What were these men hiding? Na kahit mataya pa ang sariling buhay ay hindi pa rin magsasalita.

"Investigator," tawag sa kanya ng isang pulis, may hawak-hawak itong sampling bag na may lamang isang ballpen. "Nakita po namin ito sa kitchen counter. Pareho po ang tinta ng ballpen sa nakasulat sa piraso ng papel."

"Did you swipe for fingerprints?"

"Opo. Nasa forensics na."

Tumango si Niel, nakatitig sa ballpen. Hahanapin niya ang killer na ito. Hindi siya titigil hangga't hindi nalalaman ang katotohanan.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now