Chapter 54

456 25 0
                                    

MALUNGKOT na pinagmasdan ni Princess ang ruins ng Hidden Box Factory sa Antique. Halos apat na taon na rin mula nang makatakas siya sa lugar na ito. Bumaling siya kay Henry nang lumabas ito ng sasakyan, may dalang dalawang pala at bag.

"Bilisan na natin," sabi ng lalaki. "Mukhang uulan. At hindi rin tayo puwedeng makita ng ibang tao dito."

Tumango si Princess. "Kay Elmer Juntilla na nakapangalan ang lupang ito. Hindi ko alam kung ano ang plano niya dito." Inalala niya ang structure ng factory noon at lumakad sa pagkakatandang likuran niyon.

"Tanda kong sinabi noon ni Peter na ilibing ang katawan ni Ate Sam sa likod ng factory kung saan nakalibing ang iba," dugtong niya. Tinapak-tapakan ni Princess ang lupa. "Nandito lang 'yon. Give me a shovel, magsimula na tayong maghukay."

Inabot sa kanya ni Henry ang isang pala. Ilang oras din ang lumipas na naghuhukay lamang sila doon hanggang sa makita ang mga kalansay na nakabaon sa lupa.

Tinawag niya si Henry. Kitang-kita ang galit sa mga mata ng lalaki nang malantad sa paningin nila ang apat na human remains.

"That's Hana Diaz, Gus Soriano, Irene Norbe and Samantha Escanillas," sabi ni Princess. "Sigurado ako."

"Gus," usal ni Henry, nag-igtingan ang mga panga. Matalik din nitong kaibigan si Gus Soriano. "Mga demonyo sila."

Maingat na bumaba si Princess sa hukay, isinuot ang gloves sa mga kamay bago kinuha ang ilang bala ng baril doon. Ipinasok niya iyon sa loob ng isang plastic.

Binuksan naman ni Henry ang bag na dala nito, saka inabot sa kanya ang isang baril. Pinunasan muna ni Princess ang baril. That gun was Elmer Juntilla's.

Ipinanakaw niya iyon kay Henry sa tirahan ni Elmer noon. She hacked and shut off all security cameras in Juntilla's place back then para walang problema sa pagpasok si Henry. Sinigurado rin nila na walang ibang tao sa bahay maliban kay Elmer Juntilla.

Nilagyan ni Princess ng silencer ang baril bago itinapat sa isang bungo. "I'm sorry," paghingi niya ng tawad bago pinaputok ang baril. Ganoon din ang ginawa niya sa tatlo pang bungo. Kailangang gawin 'yon, kasama ito sa plano niya.

Pagkatapos ay hinila na siya ni Henry palabas sa hukay. Itinapon ni Princess sa hukay ang hawak na baril.

"Ihahanda ko na ang pang-semento sa parteng 'yan," sabi ni Henry bago lumakad pabalik sa sasakyan.

Nilanghap ni Princess ang sariwang hangin ng kagubatang iyon. Magsisimula na ang lahat. Matatapos na ang maliligayang araw ng mga demonyong iyon...

"YAEL Donato," wika ni Princess kay Henry, ibinigay dito ang isang picture. "He'll be at that restaurant tonight. Kidnap him for me. Ako na ang bahala sa CCTV footage ng mga dadaanan mo."

"Nasaan ang pamilya nito?" tanong ni Henry.

"Iniwan siya ng asawa niya few months ago," sagot niya. "Babaero ang lalaking 'yan. Nasa ibang bansa na ang asawa niya at mga anak. As far as I know, they don't contact him anymore."

Tumango-tango si Henry. "Dadalhin ko si Donato dito sa bahay mo?"

"Yes." Ngumiti si Princess. "Nakahanda na ang kuwartong ito para sa kanya." Sinulyapan niya ang isang kama sa gilid ng kuwarto kung saan naroroon ang mga plano. Sa kama ay may mga kadena.

Inabot ni Princess kay Henry ang isang syringe. "May pampatulog 'yan. Iturok mo lang sa kanya para hindi na makalaban."

Tumango ang lalaki at nagpaalam na. Bumuntong-hininga si Princess, iginala ang paningin sa loob ng kuwarto. The plan would start tonight. Ang kailangan niya na lang paghandaan ay ang mga taong mag-iimbestiga sa kanya. Siguradong SCIU ang hahawak niyon dahil ang ahensyang iyon ang nagsara sa Hidden Box Factory Massacre Case.

The Silent Duology 1: The Silent AttackWhere stories live. Discover now