Chapter 35

565 34 1
                                    

Samantha Escanillas

"ANO'NG kailangan niyo sa 'kin?" tanong ni Samantha kina Niel at Abby matapos pagbuksan ang mga ito ng pinto ng kanyang opisina sa law firm nila. Bumalik siya sa pagkakaupo sa swivel chair.

Lumapit sa desk niya si Niel. "Nagpunta lang ako rito para balaan ka, Sam. Henry Salazar is our main suspect. Kilala niya si Lozano. Posibleng may koneksiyon pa rin silang dalawa."

"Ano na naman ba ito, Niel?" Tiningnan niya ang binata. "Paano sila magkakaroon ng koneksiyon kung walang ibang bumibisita kay Xebastian sa kulungan?"

"I just—" Naiinis na napabuntong-hininga si Niel. "Hindi ba puwedeng huwag mo nang ipagtanggol ang lalaking 'yon? Nakita ko na nagtatago siya ng mga magazines kung saan may mga articles tungkol sa 'yo. Hindi mo siya kilala. Hindi mo alam kung ano ang puwede niyang gawin sa'yo."

Tumayo si Samantha. "Ano naman ang gagawin niya sa 'kin? Hindi ko puwedeng pakawalan ang isang kaso dahil lang sa mga haka-haka niyo, Niel."

Naningkit ang mga mata ni Niel. "He might kill you, Sam."

"Hindi siya makikinig sa'yo, Niel," singit naman ni Abby na kanina pang tahimik na nakaupo. "If she wants to be stubborn, let her."

Tiningnan ni Samantha ng masama ang babae. "I'm not being stubborn, Abby. Gusto ko lang din malaman ang totoo. There's a killer out there. At alam niyong hindi si Xebastian iyon. Sinasabi niyo na si Henry Salazar iyon pero bakit idinadamay niyo pa si Xebastian?"

"Hindi natin alam kung ano ang totoo, Sam," sabi ni Niel, pilit kinakalma ang sarili.

Bumuntong-hininga si Samantha. "Why are you so against Xebastian, Niel?" tanong niya na. "Simula pa noon, parang gusto mo nang ipagdiinan na hindi dapat makalaya si Xebastian Lozano?"

"We are not against it." Si Abby ang sumagot niyon, tumayo na sa kinauupuan. "Pero alam mong ang trabaho namin ay i-solve ang isang kaso nang walang pinapanigan. Secrets are not allowed here, Samantha. At may mga hindi sinasabi si Lozano."

"Secrets?" Seryoso niyang tiningnan sa mga mata si Abby. "Kung ganoon, gusto mo bang sabihin kung bakit binisita mo ng palihim noon si Xebastian?"

Natigilan si Abby pero agad din nitong ibinalik ang walang emosyong mukha. "I'm a police officer. Hawak ko ang kasong ito kaya puwede kong kausapin ang isang suspect kahit kailan ko gustuhin."

Bumaling si Samantha kay Niel na nakatingin na din kay Abby, makikita ang kaguluhan sa mukha ng lalaki. Siguradong hindi nito alam na kumikilos din ng mag-isa si Abby.

Tiningnan ni Abby si Niel. "Nagtanong lang ako ng ilang katanungan kay Lozano noong binisita ko siya sa Bilibid. Isang beses lang 'yon. Napansin ko lang na parang takot sa kanya sina Senator Juntilla."

Tinalikuran na ni Samantha ang mga ito, tinitigan ang malaking painting na nasa dingding ng opisina niya. "Puwede na kayong umalis kung wala na kayong sasabihin. Gusto kong mag-isip." Napahawak siya sa ulo. Naguguluhan na siya. Sobra. Ayaw niya na munang makinig sa mga ito.

"I don't trust you, Samantha," narinig pa niyang sabi ni Abby. "Papatunayan ko na may itinatago ang Lozano na 'yan."

"Do it," sagot ni Samantha. "Trabaho niyo naman 'yan. Ngayon malapit na ang huling trial ni Xebastian kaya gusto kong doon ituon ang lahat ng atensyon ko."

"I wish you're not making the wrong decision, Sam," sabi pa ni Niel. "I really care for you."

Tiningnan ni Samantha ang lalaki at nakikita ang sinseridad sa mukha nito. "Salamat." Iyon lang ang masasabi niya. Desisyon niya ito. Siya rin ang haharap sa anumang konsekuwensya niyon.

Tatalikod na sana si Niel nang biglang tumunog ang cell phone nito. Sinagot iyon ng lalaki. Shock registered in his face. "Yes, Sir. We'll be there as soon as possible."

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Abby nang matapos si Niel sa pakikipag-usap.

"Nasusunog ang isang resthouse na pag-aari ng anak ni Dino Flores," sagot ni Niel. "Sa Laguna." Bumaling sa kanya ang lalaki. "I'll see you again, Sam. Be careful."

Sinundan na lang ni Samantha ng tingin ang mga ito na nagmamadaling lumabas. Bumalik siya sa pagkakaupo at muling ibinalik ang lahat ng atensyon sa inaayos na closing argument para sa huling trial ni Xebastian.

The Silent Duology 1: The Silent AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon