Chapter Q

337 8 3
                                    

Chapter Q

Xia's POV

"Sana mag enjoy kayong lahat. Let's party!" masaya kong sabi sa lahat at nag angat ng baso. Madami pa sana akong sasabihin pero minadali ko na ito dahil sa dumating.

Ngayon ay may sari sarili nang mundo ang mga bisita. Nakikita ko ang masasaya nilang ngiti sa mga labi. Naaninag ko kaagad si Jude kasama si Jana at Kia. Iniikot nya ang paningin nya sa paligid at ngumigiti sa mga kakilalang makakasalubong.

Nagtago ako sa gilid. Hindi ko alam pero ayaw kong makita nya ako pero at the same time, gusto ko din. Ewan ko ba. "Ate Xia's here lang pala!" sabi ng isang pamilyar na boses. Napapikit ako at halos magmura ng pabulong.

Nilingunan ko sya at ngumiti. "Happy birthday, ate! Sorry nalate kami." masayang sabi ni Jana. Hindi nya sinabi ang rason. Should I ask her? Wag nalang siguro. I'll let Jude do the talking.

Niyapos ako ni Jana kaya niyapos ko din sya. Ang bango bango nya! 

Nakita ko si Jude na walang ekspresyong nakatingin sakin at si Kia na naka crop top at high waisted shorts. She's so damn pretty. Bakit ganun? Nakakainsecure ng sobra. Siguro kahit basahan ang isuot nya ay agaw atensyon padin.

"Kain na ako ha? I'm so hungry!" ani ni Jana kaya sabay hawak sa tiyan nya. Ngumiti ako at tumango. Pinagmasdan ko syang lumayo sa akin at dumeretso sa table.

Lumapit ako sa dalwa nang nakatungo. "Bu-buti nakarating kayo." naiilang kong sabi sa kanila. Ni hindi ako makatingin ng ayos. Damn!

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Jude at ang hilaw na ngiti ni Kia. "We're invited kasi eh. Who would reject that?" hindi ko alam kung pabiro ba itong sinabi ni Kia pero nginitian ko nalang sya. Sinaway sya ni Jude at tumingin sakin.

"Happy birthday." aniya. Nagpapasalamat ako at madilim ngayon kasi hindi nila mahahalata kung maluluha man ako.

Dapat ba akong matuwa dahil nakarating sya o mainis dahil ngangayon lang sya?

Bago pa ako makapagsalita ay hinila na sya ni Kia para kumain. Nakita ko syang lumingon sakin pero ngumiti lang ako. It's okay. Okay lang. Talaga.

Nagpalit na ako ng damit. Sinuot ko na ang binili kong shirt tsaka cycling shorts. Napangiti ako nang makita ko si Kate. Parehas kasi kami ng suot, iba lang ang design ng shirt.

"Tara swimming na?" pagyaya ko sa kanya. Ngumiti sya sakin at umupo sa side ng pool kaya ganun din ang ginawa ko. Inilubog namin ang paa namin sa malamig na malamig na tubig.

Nakita ko sina Jasmine at Karl, Crystal at Luke na naghaharutan na sa pool. Pagtingin ko sa tabi nila ay si Zha na nakasakay sa balikat ni Drew. Ang cute nila tingnan!

May tumabi sakin na naka 2 piece. Si Chelsea. "Girl, who the hell is that?" mariin nyang tanong sakin. Napatingin ako sa tinitingnan nya. Si Kia at Jude na mukhang tatalon na sa pool.

Napalunok ako. Damn! 

"She's Kia. Jude's uhh.." hindi ko maisip ang tamang sasabihin. 

"Bestfriend ng kapatid nya. You know, ni Jana." nagulat ako sa biglang pagsingit ni Kate. Thank God at sumingit sya! "I'm Kate, by the way." nakangiti nyang sabi. 

Tumango si Chelsea. "Chelsea. Jude's ex." nabigla ako sa sinabi nya! Hindi ba yun awkward? Like hello, girlfriend here? Pati si Kate ay halos hindi makapaniwala.

"That was 4 years ago." pagbabale wala ni Chelsea. "I'm actually happy na sila ni Xia ngayon." nakangiti nyang sabi. Hindi na ako nakaimik sa kahihiyan.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now