Chapter 43

725 17 21
                                    

Chapter 43

Xia's POV

"Isang titig mo pa, hahalikan na kita."

"Isang titig mo pa, hahalikan na kita."

"Isang titig mo pa, hahalikan na kita."

Ang sarap iumpog nitong ulo ko sa desk. Hindi kasi matanggal sa isipan ko ang sinabi nya. Seriously, para syang naka stuck sa utak ko. 

"Xia?" 

Kita pala nya na nakatitig ako? Nakakahiya. Sabihin naman nya adik na adik ako sa kanya. Ang pangit kayang tingnan na parang obsess ang babae sa lalake. 

"Ms. Mercado, are you going to pass your paper or not?"

Paano kaya nya ako nakita eh nakapikit sya? May super powers kaya yung lokong yun? Buti nalang at nakaiwas agad ako ng tingin kundi baka nahalika-

"Ms. Kryxia Mercado, are you listening to me?!"

"Ay pwet ng kalabaw!" gulat na gulat kong sabi. Napatingin ako sa mga kaklase ko at nakita kong tinatawanan nila ako. Napahawak nalang ako sa ulo ko.

"What's happening to you? Masakit ba ulo mo? You want to go to the clinic?" nag aalalang tanong ni Mam. Yung mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.

"Hindi po. Thank you nalang po." sabi ko with hand gestures pa. Tumalikod na ako para sana bumalik sa upuan ko pero bigla na namang tinawag ni Mam ang pangalan ko.

"Xia, hindi mo ba ipapasa ang papel mo?" tanong ni Mam. Pinalo ko ang noo ko, oo nga pala. Kaya nga pala ako nagpunta sa unahan para ipasa ang papel. Wala na naman ako sa sarili ko. Napunta ata sa outer space ang utak ko.

Nilingon ko ulit si Mam at ibinigay ang answer sheet sabay ngiti. Bumalik na ako pwesto ko at umubob para sana umidlip. Matagal tagal pa naman ang break kaya magpapahinga muna ako.

Sa gitna ng pag iidlip ko ay may humaplos ng buhok ko. Ano ako, hayop? Hindi ko nagawang tumunghay kasi tutulog nga ako diba? At tsaka baka sakaling makatulog ako sa ginagawa nya kaya pinabayaan ko nalang.

Pero hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at pina upo ng ayos.

"Jude, ano ba? Natutulog ako eh!" I lied. 

Pero hindi nya pinansin ang sinabi ko at patuloy na hinahaplos ang buhok ko. "I-brabraid kita, gusto mo?" 

Kahit hindi nya kita, nanlaki ang mata ko. Ano bang trip ng lalakeng 'to? "Ayoko nga!" sagot ko sa kanya. Tama ba naman ang istorbohin ako sa pag iidlip para lang gawin ang gusto nya?

Narinig ko syang tumawa at sinimulang ibraid ang buhok ko. Bingi ba 'to? Sabi ko ayoko eh. Napatingin naman ang mga kaklase ko at inasar kami. Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa hiya. 

"Ayoko nga sabi eh- aray!" lalayo na sana ako sa kanya pero nakahawak nga pala sya sa buhok ko kaya napa 'aray' ako.

"Yan kasi eh." natatawa nyang sabi at nagpatuloy sa pagbrabraid. Napairaip nalang ako at nangalumbaba. Ano pa bang magagawa ko?

"You may take your recess." narinig kong sabi ni Mam. Nagsimulang magtayuan ang mga kaklase ko para kumain.

"Jude, matagal pa ba yan? Baka gusto mo akong pakainin?" naiirita kong sabi.

"Yan." sabi nya at iniharap ako sa kanya sabay pisil ng cheeks. "Bagay sayo." 

Napahawak ako sa pisnge ko. Bagay daw sakin? Napangiti naman ako ng sobrang lawak.

Infinitely Yours (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang