Chapter I

367 11 5
                                    

Chapter I

Xia's POV

Ilang araw ang nagdaan at naging masaya ako. Hindi man sobrang saya kasi alam kong may pagkakamali padin akong kelangang ayusin, alam ko naman sa sarili ko na ginusto ko 'to. Na ginusto namin 'to.

Secret lovers. Yan siguro ang maitatawag samin ngayon. Mga nagmamahalan ng palihim, naglalambingan ng patago. To think, this looks so pathetic. Maaaring mali talaga 'to sa paningin ng iba, pero kapag ang puso talaga ay nagmahal, wala ka ng magagawa.

Walang pansinan sa school, tanging cellphone lang talaga ang nakakapagpatibay ng relasyon namin. This is worse than long distance relationship kasi sa sitwasyon namin, araw araw kaming nagkikita pero hindi nagsasama. Sobrang nakakatempt na lapitan sya at kausapin pero parang mistulang may malaking harang sa pagitan naming dalwa. Mahirap. Mahirap talaga.

Ako ang nagsuggest na wag munang ipaalam sa iba ang kung anumang meron kami dahil ni Kia. Nakakatawa mang isipin pero natatakot ako sa kanya. Natatakot ako na baka agawin nya sakin si Jude sa kadahilanang may gusto rin sya dito. At hindi nga ako nagkakamali. Kinumpirma sakin ni Jude na nung nasa Cali palang sila, matindi na ang pagkagusto ni Kia sa kanya. Kaya nga daw lumipat sya sa Pilipinas dahil nya.

My friends don't treat me the same anymore. They're so cold and it bothers me, bigtime. Pero I understand naman eh. If I were them.. I would hate myself either. Yeah, boto sila samin ni Jude pero hindi ng ganitong paraan. Mukha daw kasi kaming pathetic eh, which I really agree on.

Even my boy bestfriend is mad at me. I remembered when he said..

"Secret lovers? Xia, this isn't a soap opera, goddammit! Sa tingin mo ba tatagal kayo sa ganyan? Well, fck not!"

Maybe if I were a celebrity, I'll seriously call them my haters. But since I'm not.. I'll still call them as one.

Hindi naman sa kinakapalan ko ang mukha ko pero sa tingin ko, isa sa rason kung bakit galit na galit sakin si Gino ay dahil may gusto padin sya sakin. Though sinabi ko na sa kanya na hindi ko maisusukli ang nararamdaman nya. 

No one understands me. Ang unfair kasi pag ako, pinipilit ko silang intindihin pero pagdating sakin, walang may gustong umintindi. Si Jude na nga lang ang nandyan para sakin pero ang daming tutol. Ang daming hadlang.

It's monday. Magsisimula at magtatapos na naman ang week na 'to na sabaw ako. Hindi na ako hinahatid at sinusundo ni Gino. Sabi nya may gagawin pa sya, malalate daw sya, well fck! Pwede naman nyang sabihin na hindi nya ako gusto kasama. I'd rather live with the truth than deal with a thousand lies.

"Jude, it's so cold." maarteng sabi ni Kia at niyapos yapos pa ang sarili. Kung sana kasi hindi sya nag sleeveless, edi sana hindi sya lalamigin. Nagtataka nga ako kung bakit pinapayagan sa school na ito ang magsuot ng kulang kulang na tela.

Walang expresyong tumingin si Jude at tumango. "Oo nga eh."

Nanlaki agad ang mata ni Kia. "I said it's cold!" pag uulit nito.

"Oo nga diba? Hindi lang ikaw ang nilalamigan dyan kaya wag ka mag inarte." is it bad kung tatawa ako? It's so hilarious kase. I know Kia want Jude to take off his jacket and give it to her. Babae din ako, alam kong yun ang pinapahiwatig nya.

"I'm your girlfriend! Do sweet things to me, for fck sake." alam kong hindi totoo yun, pero may part sakin na nasasaktan. Na buti pa sya, pedeng ipagmalaki na sila samantalang ako, hindi.

Medyo dumilim ang aura ni Jude sa sinabi ni Kia. "Ibibigay ko 'to, tumahimik ka lang." tumango naman agad ito na parang bata. Tinanggal ni Jude ang jacket nya at ipinatong agad kay Kia. Napaiwas agad ako ng tingin nung lumingon sya sakin.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon