Chapter 12

1.7K 44 27
                                    

Chapter 12

Xia's POV

Nandito parin ako sa salas, iniisip ang mga nangyare.. I'm so confused right now. Hindi ko na maintindihan.

Habang nag-iisip isip ako, tinawagan ako ni Vhian.

"Baby, kamusta ka? Nakakain ka na? Si Jude nakaalis na ba?" dere deretso nyang tanong.

Hindi ako umiimik.

"Hello. Xia? Nandyan ka ba?" tanong pa nya.

"Pinapalayo mo ba si Jude sakin?" I said coldly.

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo--"

"--Sagutin mo nalang! Please Vhian.. sagutin mo nalang."

"Oo! Oo pinapalayo ko sya! Sabi ko iwasan ka nya." napalakas ang boses nya.

"Bakit? Wala ka bang tiwala sakin? We're just frie--"

"--Nagseselos ako."

"Selos?! Vhian, bakit? He's just my friend. You're my boyfriend." naiiyak na ako. Ang pinakaaway ko sa lahat ay yung nag-aaway kami. Minsan lang kasi kami nag-aaway.

"Nagseselos ako kasi mas close pa kayo kesa satin. Mas nagkikita pa kayo kesa satin. Nagtatawanan lagi kayo pag magkasama, satin hindi."

"Kasi busy ka! You have no time for me!" pasigaw kong sabi. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang yun lumabas sa bibig ko. Oh no...

Natahimik ang kabilang linya. Magsasalita na sana uli ako nang--

"Ano Xia? Walang time? Alam mo, hirap na hirap na akong magbalance sa inyo! Sa iyo at sa mga ginagawa ko. Oo busy ako pero naghahanap parin ako ng oras makasama ka. Oo, wala ako nung time na napilayan ka kaya ako nagday off para sayo! Pero anong nangyare? Anong nakita ko? Kayo ni Jude.. nagtatawanan. Now tell me Xia? Sinong hindi magseselos dun?" galit nyang sabi. Naguguilty ako. Ako ang mali.. hindi sya. Ako.

I started crying.. it's like my heart is going to explode. I hate this feeling.

"Alam mo Xia wala akong oras sa mga gantong bagay. Kelangan ko muna mapagisa tutal wala naman akong time para sayo diba?" 

"What? Wait Vhian. Sorry.. I-i dont know. I didn't mean to say that. Sorry talaga."

"Anong you didn't mean? You know what? Magcool off muna tayo."

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa narinig ko. Tears are falling down my cheeks.. no, please..

"Wait Vhia--"

"Bye." and then he ended our call.

Umiyak lang ako magdamag. I feel so alone. Ang sakit.

Hindi na ako kumain ng hapunan at dumeretso na sa kwarto ko. 

Ang dami kong iniisip. At sa lahat ng iniisip kong yun, iniyakan ko nalang.

"You know what? Magcool-off muna tayo."

'Yang linyang yan..

Kung titingnan nyo ang ikli ikli lang.. pero yan ang rason kung bakit ako umiiyak at hindi makatulog ngayon. Naguguilty ako. It's all my fault. Ako nalang lagi ang mali. Ang tanga mo Xia.

Kinaumagahan. Ilang araw nalang, pasukan na. Ang bilis bilis ng panahon.

Bumaba na ako ng kwarto ko at nagsimula ng magluto. Naninibago ako.. walang text galing kay Vhian. Well.. what do I expect? Cool-off nga pala kami. 

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now