Chapter 7

2K 50 19
                                    

Chapter 7


Xia's POV

Halos mapanis na ang laway ko dito. Wala akong makausap. Busy si Vhian, magmamall si Zha, wala si Jude. Eh anong gagawin ko dito? Kausapin ang pader?

Parang namimiss ko yung lalakeng yun. Hindi ako makapaniwala! Pano ba naman? Halos isang linggo ko syang kasama tapos bigla nalang sya mawawala? Miss ko na makipag-asaran sa kanya. Hindi naman talaga ako naiinis. Well.. minsan. Pero kalimitan natutuwa pa ako kasi ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na lalake in my entire life. Puro si Vhian nalang lagi ang nakakasama ko. 

Pero ang weird ko. Pag nandito sya, halos ipagtabuyan ko sya. Pero nung umalis sya, parang gusto ko syang ibalik dito. Alam nyo yun? Siguro tama sila na ngayon mo lang marerealize na espesyal ang isang bagay kung wala na sya sayo.

**

First.. upo sa kama. Check!

Second.. hawak sa table. Check!

Third.. tatayo. Che- aw!! Nadapa ako. Okay lang. Never give up Xia! Tumayo uli ako at humakbang ng isa. Wooh success! I did it! Hooray!

Nakakalakad na ako! Sa wakas. After a week ng pagdudusa ko dito, nakakalakad na ako. Dumeretso ako sa banyo at naligo. Bakit? Susundan ko si Zha! Gusto ko sumama 'no! 

After ko maligo dumeretso na ako sa bahay ni Zha sa kabilang village. 101% sure ako na nandito pa sya. Matagal kaya sya gumayak.

Nagdoorbell na ako at hinintay syang pagbuksan ako ng pinto. "Sino yan?" tanong ni Zha mula sa loob ng bahay nya. Hindi ako umimik at nagpipigil ng tawa.

"Bingi? Ganun? Sino nga yan?!" naiirita na nyang tanong kaya binuksan na nya ang pinto at umirit nung nakita ako.

"May planong basagin ang eardrums ko?! Bwisit." sabi ko saka tinakpan ang tenga ko. Ang OA nya umirit ha! Parang nakakita ng multo.


"May planong madapa uli?" sabi naman nya. Kumunot naman noo ko. "Xia, hindi ka na nadala sa nangyare sayo nung isang araw eh!" galit nyang sabi. 

"Wala kasi akong kasama sa amin eh." sabi ko. Nanlaki naman mata nya, "Eh nasan na yung magaling mong boyfriend?" naiiritang tanong nya. Ayaw na ayaw nya talaga si Vhian 'no?

"Nasa kanila. Busy kasi yung tao 'no." pagtatanggol ko kay Vhian. Madami kasi syang ginagawa. Sya kasi ang soon to be the owner of their company kaya habang maaga pa, trine-train na sya. Tutal bakasyon pa naman namin.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now