Chapter 37

887 24 36
                                    

Chapter 38

Xia's POV

"Vhian please, sagutin mo yung tawag." sabi ko sa sarili ko habang nag iiikot sa kwarto ko kasama sina Zha, Crystal at Jasmine. Hindi talaga ako mapakali.

"Xia, umayos ka nga. Naliliyo ako sayo eh." reklamo ni Zha kaya tumabi nalang ako sa kanya at hinintay na sagutin ni Vhian yung tawag ko.

"Yun! He-hello?" kinakabahan kong sabi. Sa wakas, sinagot na nya yung tawag. 

"Xia, asan ka?" tanong nya. Hindi ba dapat ako ang magtanong sa kanya nun? Hindi kaya sya umuwi sa kanila. Kung alam lang nya halos mabaliw na si Tita Percy kakahanap sa kanya. 

"Nasa amin. Ikaw, nasan ka? Bakit hindi ka umuwi ha?" nag aalala kong sabi.

"Sorry. Puntahan nalang kita dyan. Sorry talaga. Sorry sa lahat." sabi nya.

Napatungo nalang ako. "Sorry din. Hindi ko dapat sinabi yun edi sana hindi ka umalis-"

"Shh. Wag mo sisihin sarili mo ha?" biglang may narinig akong pumatak na bagay sa kabilang linya. Nagsimula na akong kabahan.

"Vhian, ano yun? Nasan ka ba?" kung hindi sya sa bahay nila natulog, edi saan?

"Wa-wala yun. Nasa bahay ako ng kaibigan ko. Sige, punta na ako dyan." aniya.

Bakit parang may mali? Parang may hindi sya sinasabi sakin. Umoo nalang ako at nagpaalam na.

"Oh, ano na?" tanong naman ni Crystal.

Napatungo nalang ako. "Pupuntahan nya ako dito." matamlay kong sabi.

"Eh bakit ganyan ang itsura mo?" tanong naman ni Jasmine. 

"Ewan ko rin eh. Para bang kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan? Parang.. may hindi magandang mangyayari?" sabi ko sa kanya.

Nagkatinginan naman yung dalwa at lumapit sakin. "Ano bang sinasabi mo, Xia? You're being paranoid again. Sinabi naman nyang nasa bahay lang sya ng kaibigan nya diba?" sabi ni Zha. Narinig kasi nya ang usapan namin kasi katabi ko sya at inilapit ang tenga sa phone ko.

"Yun na nga eh. Bakit hindi man lang nya sinabi sakin kung sinong kaibigan? As a girlfriend, kinakabahan ako para sa kanya. Ni hindi ko man lang alam kung anong nangyare sa kanya nung umalis sya." hindi ko na napigilan ang luha ko. Ano na bang nangyayare kay Vhian?

Niyapos ako nung tatlo at nagpuntang sala parang hintayin si Vhian. 

Kami kami lang ang tao dito kasi umalis sina mama at papa, may aasikasuhin daw. Hindi ko alam kung bakit madalas umalis sina mama at papa dito. Pag tinatanong ko naman, ang sasabihin lang nila, may importanteng gagawin.

Maya maya, nagring ang doorbell kaya tumayo na ako para buksan ang pinto. Nakita ko si Vhian na parang hindi mapakali at madumi ang damit. Nilapitan ko sya. "Anong nangyare sayo?!" nag aalala kong tanong. Nung lumapit naman ako, naaamoy ko yung alak sa katawan nya. Umiinom parin ba sya? 

"Ahh Xia? Alis na kami nina Crystal ha?" sabi ni Zha. Tumango naman ako at tiningnan silang umalis ng bahay tapos binaling ulit yung atensyon kay Vhian na kanina pa palang nakatingin sakin.

"Vhian, sabihin mo nga sakin. Saan ka ba talaga nagpunta? Bakit ang dungis mo tingnan?" alam ko sa ibang magsyota, kung ganito ang nangyare sa boyfriend nila, magagalit sila at sesermonan. Pero bakit hindi ko magawa yun kay Vhian? Kahit anung gawin nya, isang sorry nya lang, okay na ang lahat. Masyado na ba akong nagpapaka martyr?

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon