Chapter J

382 10 10
                                    

MERRY CHRISTMAS!!!

Chapter J

Xia's POV

Gumising ako at kumain ng umagahan. Sunday na agad ngayon at balak kong magsimba. Walang nangyari masyado ngayong linggo. It's like an ordinary day. Ang pinagkaiba lang, iniiwasan ko na si Gino at hindi naman sya nagpumilit. Siguro kelangan muna talaga naming lumayo sa isa't isa before things get worse.

"Crystal, baka gusto mong bilisan?" naiiritang sabi ni Jasmine kay Crystal na naliligo.

"Malapit na, promise!" sigaw ni Crystal sa loob ng banyo.

Bumaba si Zha mula sa kwarto nya habang pinapatuyo ang buhok at kumunot ang noo nung makita si Jasmine na mukhang inip na inip na sa may labas ng banyo. "Hindi padin sya tapos?" hindi makapaniwalang tanong ni Zha sabay tingin sa relo nya.

"Hindi pa nga eh! Pag talaga nalate tayo, naku!" papadyak padyak na giit ni Jasmine.

Paalis pala din sila. San kaya sila pupunta? Nakakainggit naman. So sisimba nalang ako mag isa tapos itr-treat ang sarili sa mall. Siguro ganun nalang gagawin ko.

"Sama ka?" napatingin ako sa nagsalitang si Zha. Pati si Jasmine napatingin narin at nanliit ang mata.

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?" sabay silang tumango. Lumingon ako sa likod ko at napagtantong ako nga ang kausap dahil wala na namang ibang tao sa bahay na 'to. Okay Xia, that was stupid.

"Oo, ikaw nga." naka poker face na sabi ni Jasmine.

"Gusto mo ba sumama?" tanong naman sakin ni Zha. Sa tingin ko sa buong linggo, ngayon lang uli ako kinausap nila. Para kasi akong mag isa dito eh. Walang pumapansin at kumakausap, ngayon lang. Hindi ko nga alam kung paano ko yun nakaya eh, ang hirap kaya maging mag isa.

"Uhh.. hindi na. Nakakahiya." naiilang kong sagot at umiwas ng tingin. Gusto ko mang sumama, pero hindi ata kaya ng konsensya ko. Masyado na talaga akong nahihiya sa kanila. Feeling ko, hindi na ako belong.

"Para namang others ka eh? Bakit ka mahihiya?" tanong ni Zha. Agad akong napatingin sa kanya. Pati si Jasmine napatingin nalang rin. Totoo ba talaga 'to? Niyayaya na ako ng bestfriend ko ngayon na parang kelan lang, halos anino lang ako sa kanila?

Bago pa ako makapagsalita ay natapos nang maligo si Crystal. "Oh tapos na sya, sumunod ka na. Hihintayin ka namin." nakangiting sabi ni Zha sabay tulak sakin papasok ng banyo.

"Kanina pa akong naghihintay ah?! Bat sya pa nauna?" narinig kong angal ni Jasmine sa labas. Natawa nalang ako at nagsimula nang maligo.

Ang saya ko. Okay na ba kami? Hindi na ba sila galit sakin? Sana nga. Matagal ko na 'tong hinahangad. At sobra ko na silang namimiss. Sana maging ayos na ang lahat.

Pagkatapos ko maligo ay sumunod naman si Jasmine. Nag ayos kami ng mga isusuot dahil kami daw ay magsisimba. Lahat kami nakadress. Nakakatuwa. Feeling ko bumalik na ang dating kami.

Medyo napaaga pala kami sa simbahan kaya kokonti palang ang tao sa loob. Doon kami pumwesto sa gitna kung saan malapit sa electric fan. Mainit init kasi ngayong panahon.

Masaya na ako sa ganito kahit aaminin kong medyo awkward pa ako sa kanila. Saka lang kasi nila ako kinakausap kung may isusuggest ba ako kung san kakain at kung saan pupunta after. Atleast, sa ganoong paraan, nakakausap ko na uli sila.

Magsisimula na ang misa ng mahagilap ng mga mata ko ang isang pamilyar na babae na talaga nga namang agaw pansin. May katangkadan sya at nakapuyod ang mahabang mahaba nyang buhok. Nakadress ito at maraming accessories sa katawan. Hindi ako pwedeng magkamali. "Jana?" pagtawag ko sa babaeng nakita ko.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon