Chapter 44

756 21 20
                                    

Chapter 44

Xia's POV

Hindi ako makapaniwala. Bakit sya may yapos yapos na lalake? Ang huling pagkakaalam ko, wala syang boyfriend. Never pa syang nagkaboyfriend.

Mukhang nagulat sya nung nakita kami pero ngumiti parin sya at lumapit. "Gu-guys. Hello." nauutal nyang sabi.

Napatingin si Zha sa likod ni Crystal. "Sino 'yang kasama mo?" cold na tanong ni Zha at pinagtaasan ng kilay.

Napakagat sya ng labi. "Ahh. Si-si ano yan. Si-" naputol ang sasabihin nya dahil humarap samin yung lalake at ngumiti. Nanlaki ang mata naming lahat.

"Hi." nakangisi nyang sabi.

This can't be.

"Luke?!" gulat na gulat kong sabi sabay turo sa kanya. Naguguluhan ako. Bakit nya kasama si Crystal?

"Hi Xia. Kamusta na?" nakangiting tanong nya. Pero hindi ko sya pinansin at hinatak si Crystal palayo para kausapin.

"Okay. Papangunahan na kita. I'm sorry." mahina nyang sabi at tumungo. 

Napahawak ako sa noo ko. "Ka anu-ano mo sya?" seryoso kong tanong kay Crystal.

Napa buntong hininga naman sya. "Wag mong sabihing-"

"Boyfriend. Boyfriend ko sya." deretso nyang sabi. Napa nganga ako sa sinabi nya.

Tumingin muna ako sa direksyon nina Luke bago magsalita. "Crystal, alam mong playboy sya. Anytime pede ka nyang saktan." pag aalala kong sabi.

Ang huling pagkakaalam ko, may girlfriend na si Luke. Tapos ngayon, si Crystal naman? Ibang klase.

"I know." mahina nyang sabi pero sapat na para marinig ko. "Pero mahal ko sya. At ganun rin sya sakin."

Napasabunot ako ng buhok dahil sa sinabi nya. "Naniwala ka naman agad?" 

Napatingin sya sakin ng deretso sa mata at kumunot ng noo. "Why would I not believe him?" tanong nya.

"Kasi nga playboy sya. Don't you understand?" naiirita kong nang sabi.

Concern lang naman ako sa kaibigan ko. Luke is her first boyfriend at hindi ako papayag na masaktan sya dahil sa kanya. Kung sinu sino ang girlfriend nya. Hindi naman sa pinagbabawal ko sya kay Luke dahil lang sa kaibigan sya ni Vhian. Nag-aalala lang talaga ako para kay Crystal. She's my friend. I don't want her to get hurt.

"No. Ikaw, ikaw ang hindi nakakaintindi. Akala ko ba kaibigan kita? Pero bakit ayaw mo ako sumaya?" iritado nyang sabi at umalis na kasama si Luke. Naiwan akong gulat at tulala sa mga nangyare.

May naramdaman akong humawak ng balikat ko. "Bes, bakit ganun?" malungkot kong sabi. "Bakit sa dinami daming pede nyang maging boyfriend, bakit si Luke pa?" dagdag ko pa.

"Hindi ko rin alam. Ganun ba talaga ang mga babae? Natatanga dahil sa pag-ibig? Pati playboy pinapatulan?" naguguluhan nyang tanong.

"Buti ka pa baby, hindi tanga. Sa totoo lang, sobrang talino mo dahil ako ang pinili mo." singit ni Drew. Agad naman syang nakatanggap ng batok mula kay Zha.

"Sana lang, hindi nya pagsisihan yun. At sana, hindi sya masaktan." sabi ni Zha sabay tapik sa balikat ko at umalis na.

**

"Sinong Luke?" tanong ni Jude mula sa sala namin. Saturday ngayon at naisipan nyang dumalaw sakin. Boring daw sa bahay nila eh. Atska nakakasawa na daw ang pagmumukha ni Jana at Chelsea. If I know, miss nya lang ako. 

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon