Chapter O

294 4 6
                                    

Chapter O

Xia's POV

Naglalakad ako ngayon patungong room nang lutang ang isip. May muntikan na nga akong mabanggaan dahil tunay na absent minded talaga ako ngayon. Ayaw sabihin ni Jude kung saan at kanino nya nakuha yung mga litrato kaya lalo lang akong nacucurious kung sino ito. Wala akong maisip na iba kundi si Kia. Sya lang ang kilala kong may galit sakin at kayang kaya akong siraan kahit kanino.

Lalo akong napaisip sa mga nangyari. Sa pagkakaalam ko, hindi alam ni Kia ang namamagitan samin ni Jude. Oo alam nyang medyo napapalapit ito sa akin pero hindi sya aware na kami pa. Ang tangi ko lang naiisip kung bakit nya ginawa yun kung sakaling sya nga ay para mapalayo ako kay Jude para wala na syang kaagaw at para ituon ng mga kaklase ko ang atensyon samin ni Gino.

Napailing ako sa aking naisip. Wala akong kasiguraduhan kaya hindi muna ako manghuhusga kaagad. Basta ang alam ko, may gusto talaga sumira sakin. That's for sure.

Pagkapasok ko sa room ay nakita ko kaagad ang malungkot na si Kate. Naguguilty na naman ako. Pakiramdam ko ako ang may dahilan kung bakit sya nagkakaganito. Ako ang dahilan kung bakit bumalik sya sa dati. Kahit sabihin nyang ayos lang sa kanya ay alam ko pading bumabagabag 'to sa isipan nya.

Pinilit ko munang wag kausapin si Kate dahil alam kong wala din naman akong magagawa para sa kanya at baka mas sumama pa ang loob nito sakin. Ngumingiti nalang ako tuwing napapatingin sya sakin at ganun din ang ginagawa nya pabalik.

Nung recess ay naisipan kong wag nalang bumaba. Naiwan ako dito kasama ang iba kong mga kaklaseng ayaw kumain at yung ibang nag gagawa ng assignments. Sinuri ko ang buong classroom. Napagtanto kong wala akong nakakausap ni isa sa mga tao dito sa loob. Masyado na ba talaga akong anti social? Naalala ko noon nung highschool, sobrang dami kong kaibigan. Ang dami ding humahanga sa relasyon namin ni Vhian. Hindi ko inakalang ang daming magbabago sakin sa loob ng 4 na taon.

Biglang sumagi sa isip ko si Tita Percy, ang nanay ni Vhian. Kamusta na kaya sya? Ang tagal na nung huli kong dalaw sa kanya. Sana nakarecover na sya sa mga pangyayare.

Nagbukas ang pinto dahilan kung bakit ako napatingin. Si Jude at Kia ito na may dalang pagkain. Umiwas agad ako ng tingin at dumungaw nalang ako sa bintana. Hindi dito ang pwesto ko pero napagpasyahan kong dumito muna.

"Baby, say ah." malakas na sabi ni Kia na parang nagpaparinig sakin. Hindi sya nabigo kasi naagaw talaga nito ang atensyon ko.

Pinapakagat ni Kia ang burger nya kay Jude kahit meron naman itong kanya. Umiling si Jude. "Hindi ko pa ubos 'tong akin eh." pagtanggi nito sabay tingin sakin kaya umiwas na naman ako.

"Please? Mas masarap 'to oh." pagpilit ni Kia at mas lalong inilapit ang burger sa bibig ni Jude.

Ang dami nang nakatingin na mga kaklase namin kaya talaga namang kahiya hiya kung hindi ito isusubo ni Jude. Pero kahit ganun, umaasa ako na hindi nya ito gagawin.

"Parehas lang tayo ng kinakain, Alex." ani ni Jude na mukhang irita na.

Nakahinga ako ng malalim. Palihim akong ngumiti at dumungaw ulit sa bintana.

Padabog na ipinatong ni Kia ang burger sa upuan nya. "Fine." sabi nya at lumabas ng room na ikinagulat ng lahat.

"Alex! Tss." sabi ni Jude pero hindi nya ito hinabol. Umiling lang sya at nagfacepalm. Tinitigan ko syang mabuti at nung nahuli nya akong nakatingin ay umiwas na naman ako. Why am I staring anyway?

Napagtanto kong mababaw lang pala si Kia. Maliit na bagay ay pinapalaki nya. Ang dali din nya magselos. Makita lang na may ibang kasama si Jude ay handa syang makipag sabunutan.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon