Chapter U

260 6 4
                                    

Chapter U

Xia's POV

"That's it for today. Goodbye, class." ani ng professor bago umalis ng classroom.

Napatingin ako sa relo ko. 11:00 am pa lang. May 2 hours break pa kami para sa sunod naming klase. Napagdesisyunan namin ni Gino na sa canteen nalang kumain kesa sa labas kasi baka malate kami.

Umupo na ako sa lamesa at nangalumbaba. Hindi ko alam pero wala ako sa mood ngayong araw na 'to. Well, malimit naman pero sobra talaga akong tinatamad ngayon.

"Anong iyo?" tanong ni Gino sakin. Ngumiti lang ako at umiling. I don't feel like eating. I don't feel like doing anything today. Kung pwede lang matulog ng isang buong linggo at pagkagising ay may amnesia ka, siguro nagawa ko na.

"Well, you need to eat something?" aniya. Kung gaano ako kaspoiled sa kanya ay syang ikina-strict nito sakin. Pero umiling padin ako. Hindi ako gutom. Pero hindi rin naman ako busog.

"I'm not hungry." tamad kong sagot. Nagbuntong hininga lang sya at umalis na.

Nakalumbaba ako at may pahikab hikab pa. Nakatulala lang ako sa mga estudyanteng labas masok sa canteen. I even saw Kia and Jude. Kia was holding Jude's arm at nung makita nya ako ay mas hinigpitan pa nya ito na parang ayaw nyang pakawalan. Don't worry, Kia. Hindi ko sya aagawin. Natuto na ako.

Umumob ako sa lamesa at sinubukang umidlip. Nakaramdam ako ng pag ibo ng lamesa pero binabayaan ko na. Siguro nasagi lang ng kung sino.

Matapos ang ilang minuto ay agad namang lumapit si Gino at inilapag ang dalwang plato na puno ng pagkain. "Eat." sabi nya. I stared at him. Pero wala eh, hindi ko matiis. Kumain nalang ako. Ayokong madisappoint na naman sya sakin.

Dere deretso lang ako sa pagkain ng naramdaman kong hinawakan nya ang tabi ng labi ko. "May amos." natatawa nyang sabi. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Natapos kami kumain at naisipan naming tumambay muna sa field kung saan may mga bench sa tabi. Dito talaga kalimitan pumupunta ang mga estudyanteng gusto lang magrelax.

Naka indian sit ako dun sa bench nang sabihin ni Gino na umayos daw ako dahil naka palda ako. Sabi ko may cycling shorts naman akong suot pero hindi padin sya pumayag. I have no choice, umupo nalang ako ng maayos.

Sinaksak ko yung earphones ko sa tenga ko at nagsoundtrip habang si Gino naman, busy sa paglalaro ng Clash of Clans at tuwang tuwa sya dahil ang taas na daw ng level nya. Natawa nalang ako at umiling.

Tumingin tingin ako sa paligid habang nagpapatugtog. Ang lamig ng sumoy ng hangin. Sa sobrang nakakarelax ay nagawa kong ipikit ang mga mata ko at magmuni muni nang may maramdaman akong may gumagapang sa hita ko.

"Sh*t!" malakas kong irit at napatayo sa gulat. Para akong nagkaroon ng mini heart attack sa sandaling iyon. Nabitawan pa ni Gino yung cellphone nya dahil sa pagkagulat nadin sakin.

Kinuha nya yung cellphone nya na ngayon ay nasa lupa at tumingin sakin. "Okay ka lang? Anong nangyare?!" nag aalala nyang tanong at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Nanginginig kong tinuro yung insektong gumagapang na ngayon sa bench. Napatingin si Gino at tumawa. "Ito ba?" aniya at kumuha ng twig para kunin yung insekto.

"Gino.. don't you dare!" pagbabanta ko sa kanya sabay turo sa kanya.

Tumawa lang sya at nung mailapit nya yung insekto sakin ay tinapon na nya ito. Napasigaw pa ako dahil akala ko ay sa akin nya ibabato.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now