Chapter C

499 7 5
                                    

Chapter C

Xia's POV

"Bes, aalis lang kami ni Drew ha? Lock mo pinto." sabi ni Zha pagkabukas ng pinto ko sa kwarto. Napaka bastos talaga nito. Hindi man lang kumatok.

"Oo na. Nandyan naman sina Crystal at Jasmine sa baba." walang gana kong sabi.

"Actually, kakaalis lang nila. Si Crystal ay kasama si Luke at si Jasmine naman, as usual nagboboy hunting." paliwanag nya. Ang hilig talaga nilang gumala. So, loner na naman pala ako dito? 

Kung naaalala nyo pa si Luke, sya yung kaibigan ni Vhian nung HS pa kami na naging boyfriend ni Crystal na nagbreak after a week. Sino bang mag aakalang magiging sila uli ngayon? Nung una hindi kami pumayag, pero mukha namang seryoso na si Luke kay Crystal kaya okay na samin. Forgive and forget nga diba?

Napabuntong hininga ako. "Ano pa nga ba? Sige. Ako na bahala dito." matamlay kong sagot. Tumango naman si Zha saka sinara ang pinto.

Time check, 10:00 am. Ibigsabihin, 7:00 pm sa California ngayon. Hay. Ang hirap pala talaga pag magkaiba ng oras. 

It's been a week nung umalis si Jude. Hindi ko alam kung paano ko nakaya at tiniis yun. Yung feeling na kakagising ko palang, matutulog na sya. At kung kelan gising sya, saka naman ako tutulog. 

53 more days. 53 na araw nalang at masisilayan ko na sya. Hindi sa screen, kundi sa personal na. Pwede bang i fast forward ang buhay papunta sa araw na babalik na sya? Na babalik na sya sakin? Kung pwede nga lang.

Halos buong linggo na wala sya, hindi ako nag aaalis sa bahay, nasa kwarto lang ako palagi kaharap ang laptop. Hindi naman kami nakakapag skype araw araw pero alam mo yung feeling na pag hindi ka nag online, parang mababawasan ang araw na makakausap mo sya kahit sa net man lang? Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nafifeel ko kaya hindi mo talaga ako makikita na hindi nakatutok sa laptop. Actually, eto lang ang inaatupag ko ngayong summer.

Napatingin ako sa relo ko, 10:05 na. Tawagan ko kaya sya sa skype? Kaso baka naghahapunan palang sila. Or baka nag get together sila ngayon ng mga relatives nila.

Bababa na sana ako para kumain ng almusal nang makita kong nagrerequest pala si Jude na magvideo call. Syempre hindi ako nagdalwang isip na sagutin yun kahit bagong gising palang ako at gulo gulo ang buhok ko.

Napangiti ako nung makita kong si Jana ang nasa screen. "Hi Ate Xia!" sabi nya with matching kaway kaway pa.

"Hi Jana. Kamusta kayo dyan? Nasan ang kuya mo?" tanong ko sa kanya. I can't hide the fact na na-disappoint akong hindi si Jude ang nakita ko. Miss na miss ko na kasi sya and all I want is to see him. Pero don't get me wrong, miss ko na rin si Jana 'no. Nakakamiss ang pagiging conyo at kikay nya.

"Kuya is eating dinner pa. Ang bagal nya kumain eh. You know ate, ang sasarap ng mga pagkain dito! Minsan ka nalang makakakita ng rice kasi kalimitan ay salad, bacon and stuffs na hindi ko alam ang tawag pero super yummy!" tuwang tuwa nyang sabi saka inayos ang sarili sa webcam. Napaka kikay talaga ng babaeng 'to. Daig pa ako!

"Wow. Sa pagsabi mo palang, mukhang masarap nga!" nakangiti kong sabi. Bigla tuloy akong nagutom. "So kamusta naman kayo dyan? Nakakatulog ba kayo ng maayos? Sina Tita, ayos lang ba dyan?"

"We're okay naman ate kahit sobrang lamig pag gabi! Si Tita? Hmm.. I really don't know. Mukha kasing hindi sya nag eenjoy eh. Para syang problemado or something. Lagi syang nasa company pero sabi naman nya we're here dahil mag vavacation." nakapout na sabi ni Jana. 

I knew it. Something's wrong with Tita. Ano kaya yun? Why not tell us? Or kahit sa mga anak man lang nya? 

"Jana tabi dyan!" biglang bumilis ang heartbeat ko. His voice and the way he talks, kilalang kilala ko na.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now