Chapter H

324 10 5
                                    

Chapter H

Xia's POV

"Ano ba yan, Xia. Kanina pang ring ng ring ang phone mo." naiiyamot na giit ni Zha.

Napabuntong hininga akong nakatingin sa phone ko nang bigla nalang hinigit ni Zha ito at namilog ang mga mata sa nakita.

"Kelan pa?" tanong nya na parang hindi makapaniwala sa nangyayare.

Nagkabit balikat ako. "Nung isang araw pa."

Sabado ngayon at wala nang ginawa si Jude kundi tatadin ako ng mga text at tawag. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit sya ganyan. Ang alam ko, wala na kami diba? Hindi man official pero halata na naman. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako kasi nagpaparamdam sya or otherwise.

Ibinato nya ang phone ko sa sofa at seryosong tumingin sakin. "You need to talk to him." utos nito.

Bumilis ang tibok ng puso ko. What for? Kung mag uusap kami, it will only get worse. Wala na akong dahilan para kausapin sya kasi what's done is done. Kahit nahihirapan akong tanggapin, anong magagawa ko? It's better to be this way.

"Confront him or something. Xia, walang mangyayari kung wala kang gagawin." aniya. "Ask him what bothers you. Kasi ako, naguguluhan narin sa kanya." sabi nya at tumaas na ng kwarto.

Naiwan akong naguguluhan. Natatakot ako. Paano kung sa pag uusap namin, hindi ko kayanin at umiyak na naman? Ayoko ng ganun. Ayoko na. Pero tama si Zha, hindi ko dapat basta basta palipasin 'to. This is all about me and Jude. About our relationship. I want to make things clear. And hopefully, kung ano mang mangyare sa pag uusap namin, sana matanggap ko ng buong buo.

**

Nandito ako ngayon sa jeep para sana magpuntang mall. Wala lang, feel ko lang magcommute ngayon. Tagal ko na kasing hindi nagagawa 'to eh. Puro na lang ako asa sa driver namin. And besides, day off sya ngayon and I still don't know how to drive so dito ang bagsak ko.

"Pakiabot po ng bayad." sabi ko dun sa babaeng katabi ko at ibinaling ang tingin sa kalsada.

"Xia?" napatingin ako dun sa babaeng tinawag ako at ganun nalang ang paglaki ng mata ko nung makita sya.

"Emerald?"

Ngumiti sya at tumungo. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, gosh! Ang daming nagbago sa kanya. Ang ikli na ng buhok nya at ang ganda ganda na nya. She looks so matured. Naalala ko pa dati nung nag aaway kami dahil ni Vhian.

"Kamusta? It's been a long time." nakangiti nyang sabi sakin at parang pinagmamasdan ako bawal anggulo.

Ilang taon ko na syang hindi nakikita simula nung babaan ni Vhian. Madaming nakapagsabing, nagmigrate sya. Yung iba, sinabing lumipat ng matitirhan. Who knows.

"Okay naman--" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa biglang ring ng phone ko. Sinagot ko naman ito agad.

"Hello?" paninimula ko.

"Fck, Xia! Pinakaba mo ako!" natatarantang sabi ni Gino sa kabilang linya.

"Sorry. Bakit ka ba tumawag?"

"I kept on texting you but you didn't reply. Pinasahan pa naman kita ng load pero hindi mo ginamit. Nasan ka ba?" nag aalala nyang tanong. Hindi ko maiwasang tumawa tuwing ganito sya sakin. Dinaig pa kasi ang mga magulang ko.

"Talaga? Sorry. Sorry, hindi ko alam. I know that my phone was kept on ringing but I tought.. nevermind." napatigil ako. I didn't bother looking at my phone kanina pa kasi akala ko si Jude lang yung text ng text. Pero si Gino din pala. "Nasa mall lang ako. Magpapasyal pasyal. Talk to you later nalang, ha? Bye!" pagpapaalam ko at biglang inend ang call.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now