Chapter 19

1.4K 38 20
                                    

Chapter 19



Zha's POV





Kakauwi ko lang galing school with Crystal syempre. Asa pang sumabay ako kay Xia. Kung nagtataka kayo kung bakit ganun ang trato ko sa kanya, yun ay dahil...



*kring kring*





"Hello?" 








"Zhanaia!" si Crystal lang pala.








"Oh?"








"Huy. Naisip ko lang, bakit ayaw mo pa makipagbati kay Xia? Alam ko namang hindi mo sya matiis eh! Zha, walang magandang idudulot yang ginagawa mo. Makipagbati ka na. Nahihirapan narin akong magbalance sa inyong dalawa eh. Hindi ko alam kung kanino ako kakampe." dere deretso nyang sabi. Wth?








"Crystal, akala ko ba naiintindihan mo na ako? Eh bakit ganto?!" naiinis kong sabi.








"Kasi it's time para magbati na kayo. Zha! Hindi mo ba nakikitang umiiyak si Xia sa school dahil pilit mong iniiwasan sya ng hindi man lang nya alam ang dahilan? Maawa ka naman Zha! She's your bestfriend for God's sake!" sumisigaw na sya. 








"EDI DUN KA NA KUMAMPE SA XIA NA YON! PARE-PAREHAS LANG KAYO. HINDI MO KASI ALAM ANG FEELING NA MASAKTAN EH. NA ANG LALAKENG MAHAL MO, MAY MAHAL NG IBA. AT ANG MAS MASAKIT DUN, BESTFRIEND KO PA!" sinigawan ko rin sya. Hindi ko na inintay ang sagot nya kasi binabaan ko na sya.








Dahil sa pagka-inis ko tinawagan ko si Vhian. Kelangan na nya malaman..








Ilang secundo lang ay sinagot na nya.








"Hello?" 



Xia's POV





It's thursday. Bumangon na ako at gumayak. It's weird, wala man lang akong natatanggap na texts or calls from Vhian. 








Binalewala ko lang yun at nagpatuloy sa pag-gagayak. Inisip ko nalang na wala syang load.








Nang ready na ako, sumakay na ako sa kotse ko.



*school*





Dumeretso na ako sa room namin. Nakakapanibago, wala si Vhian sa tapat ng room namin. Pag maaga kasi ang dating naming dalwa sa school, nagkikita muna kami sa tapat ng room. Pero ngayon wala. 








Nagpunta ako sa room nila para hanapin si Vhian, baka kasi nakalimutan lang nya. Nang makarating ako sa pinto ng room nila, kokonti palang ang tao. Nag tingin tingin ako at yun, nakita ko sya. Pero iniwasan nya ako ng tingin.








"Vhian!" pagtawag ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin ng mga 3 seconds pero lumapit naman sya. Nakatingin lang sakin, emotionless.








"Hu-huy. Musta? Are you okay?" tumango lang sya. Tumango nalang rin ako.







"Bakit hindi mo ako tinext ng madaling araw?" tinitigan lang nya ako. 








"Ahm.. nasanay lang kasi ako na nagtetext ka. Hehe." napakamot ako ng ulo.








"Xia, may assignment pa akong gagawin. Talk to you later." sabi nya sabay alis. Ni hindi man lang ako hinalkan sa noo. At.. anong 'talk to you later' eh hindi naman nya ako kinausap? Tumungo lang sya ng tumungo! Ano na naman bang problema?








Bumalik ako sa room ko ng naiinis. May nakapansin naman sakin.








"Bakit naman ang isang are ay malungkot ay agang aga?" lumingon ako at nakita ko si Drew, papalapit sakin.








"Ahh wala." sabi ko nalang.








"Maaari ba namang wala? Kung ano man yan, smile na! Maaga kang tatanda sige ka. Gusto ko pa namang ikaw ang makasama sa pagtanda ko." sabi nya nang nakangiti. Nginitian ko nalang rin sya. Pekeng ngiti syempre.








Nagpaalam muna si Drew na magc-cr kasama si Drake. Tumango nalang ako. 








So eto ako ngayon, malungkot at mag-isa dito sa likod. Wala pa kasi si Jude. Si Crystal wala pa rin. Si Zhanaia nadun sa unahan, may kausap. Nakatingin lang ako sa kanya nang mapatingin rin sya. Ang sama nya makatingin. Inaano ko ba sya, ha?








Dahil ayaw ko ng gulo, binalewala ko nalang yung pagsiring nya.



*dismissal*





Hindi ko na ikekwento sa inyo ang nangyari kaninang umaga. Sa totoo nga, ang boring boring eh. 








Dahil bukas na ang performance, niyaya ko si Jude na magpractice sa bahay namin kaya obviously, sabay kami uuwi. Hinintay ko si Vhian sa may main gate ng 10 minuto para magpaalam kasi nakalimutan kong sabihin sa kanya kanina at sabi nya kakausapin nya ako. Pero hindi ko sya nakita. Walang Vhian na sumulpot. Kaya niyaya na ako ni Jude na umalis.



*bahay*





Sa bahay, kumain muna kami. Tinanong ako ni Jude kung bakit ako malungkot. Syempre hindi ko sinabi na dahil ni Vhian, baka kasi kung ano pang masabi nito tungkol dun. Magkakagulo pa. 








Nagpractice lang kami ng practice. Nang matapos, nagpaalam na sya kasi marami pa syang aasikasuhin.



*kinabukasan*





Friday na. Mamaya na ang performance. Kinakabahan ako na may halong saya. Kasi alam namin sa sarili namin na nag-effort talaga kami.








"Excited ka ba?" tanong sakin ni Jude. Math time ngayon at kasalukuyang nagdidiscuss si Mam.








"Oo naman. Ikaw?" tanong ko rin.








"Oo din. Kaso, kinakabahan ako. Paano kung magkamali ako? Tayo?"







"Sus, ang nega mo talaga! Hindi yan!" sabi ko at nginitian lang nya ako.



*lunch*





Karamihan samin ay hindi na kumain ng tanghalian dahil panay ang magprapractice nila para mamaya. Pero dahil master na namin ni Jude ang sayaw, hindi nalang kami magprapractice. Kaya inintay ko si Vhian sa may canteen para yayaing kumain. Kaso hindi ko sya makita. Hindi rin kami nagkita kaninang umaga. 








Kaya kumain ako sa canteen ng mag-isa. Grabe, ang loner ko naman. Kung dati ang daming naka-surround sakin, ngayon.. ni isa wala. Hay.








Sa kabilang table nakita ko si Crystal, mag-isa. 








"Crystal!" napatingin naman sya sakin. Nung una nagdadalawang isip pa sya kung lalapitan nya ako, pero lumapit rin naman. Dala dala nya ang pagkain nya.








"Musta? Bakit ka mag-isa?" agad kong tanong.








"Magkagalit kasi kami ni Zha eh." 








"Ha? Bakit?!" 








"Tinawagan ko sya nung isang araw, sabi ko makipagbati na sayo kasi ayokong nakikita kayong nag-aaway. Pero.."








"Pero?"








"Pero mas nagalit sya. Hindi ko daw sya naiintindihan. Yun, binabaan ako. Hindi kami nagpapansinan simula kahapon." sabi nya. 








"Sorry Xia ha. Mas gumulo pa dahil ko." tapos niyapos nya ako at umiyak.








"Shh. Wala kang kasalanan. Hindi mo naman ginusto eh. Shh, tama na." i feel bad for Crystal. Pati sya nadamay. Ang gusto lang naman nya magbati kami ni Zhanaia.



*Gym*





Eto na, moment of truth. Lahat kami kinakabahan. Yung iba nagawa pang magpractice. Yung iba chinecheck kung dala nga ba nila ang cd nila. Yung iba naman nakatulala lang na halata namang kinakabahan.








Dumating na si Sir at ang una daw na sasayaw ay si Chloe at Brook.








Grabe, ang galing nila. Nadodown tuloy ako sa sarili ko. Iniisip ko tuloy na ang pangit pangit ng samin. 








Lumapit si Jude sa tabi ko.








"Kaya natin yan ok? Goodluck." sabi nya sabay pinch sa cheeks ko. Nginitian ko lang sya. Wow, parang hindi sya kinakabahan kanina ha?








"Next ay si.. Jude at Xia."


Jude's POV





Oh sht. Kami na. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Waaah. Tumayo na kaming dalwa at nagpunta sa unahan. Si Xia stinart na ang kanta. Kaya hinawakan ko na sya sa kamay na nakangiti na may halong kaba.








"Goodluck." sabi nya ng mahina.



Crystal's POV





Nagstart na sina Jude at Xia. Ang dami saming laglag panga dahil sa sobrang galing nila. Yung ibang mga tao sa gym napatingin narin. 








Nakita ko si Vhian sa may likod, ang sama sama ng tingin. Nung makita nya akong nakatingin sa kanya, nagwalk out na sya. Patay.








Patuloy lang sila sa pagsasayaw na para bang sila lang ang tao sa gym. Parehas silang nakangiti sa isa't isa. Si Sir tuwang tuwa sa nakikita nya.








Nang matapos na ang kanta, unang pumalakpak si Sir sunod ako tapos ang buong klase expect kay Zha na nakatingin lang. Pati yung mga nakitingin kanina sa likod pumalakpak narin.








"Very good, very good Jude at Xia!" masayang sabi ni Sir.








"Thank you Sir." sabi ni Xia.








"Sabi ko naman sa inyo magagawa nyo yan eh! Very good! Excellent!" tuwang tuwa na sabi ni Sir. Si Jude at Xia tumawa nalang at bumalik na sa tayo nila.








"Congrats." sabi ko kay Xia.








"Salamat!" ngiti ngiti nyang sabi.



Xia's POV





"Pano ba yan? Perfect tayo!" sabi ni Jude.







"Hahaha. Oo nga eh. Mabuti naman kung ganun."








"Pasalamat ka at ako ang kapartner mo, kung hindi. Siguro pasang awa lang score mo. Hahahahaha!" pabiro nyang sabi.








"Sira!" sabi ko at nagtawanan lang kami dun habang pinapanuod ang iba.



*kinabukasan*





It's Saturday, walang pasok. Siguro buong araw lang akong nasa bahay. Bumaba na ako at kumain. Habang kumakain biglang nagring ang phone ko. Nang makita kong si Vhian ang tumatawag, dali dali ko namang sinagot.








"Vhian?" 








"Magkita tayo sa park ng village nyo. 9 am." sabi nya sabay baba ng phone. 







Bakit kaya? Anong meron? Kinakabahan tuloy ako!

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon