Chapter 25

1.2K 33 29
                                    

Chapter 25



Xia's POV

Now playing: Collide by Howie Day

"Sige. I'll see you later princess. I love you!" sambit ni Vhian sa phone. Since it's Sunday, sisimba ako. And guess who kung sino ang kasama ko? Si Vhian! Instead of shopping daw and gala, sumimba nalang daw ako at makinig sa pari. Such a good influence. 


I'm here at my room, preppin' up. I'm wearing my favorite dress that my mom gave me. Super cute nya at ang elegante tingnan. 


Maya maya ay nagtext si Vhian, nasa baba na raw sya. Kaya tatakbo ako pababa para salubungin sya. 


Oh my gosh.


Ang gwapo nya! Nakakaadik tingnan. Wait.. si Vhian ba talaga 'to?


"Baby, close your mouth." he chuckled. Napanganga kasi ako. Naka shirt lang sya, colored pants at vans pero may dating talaga sya! Tapos nakataas ang buhok nya. 


"Hehe. Sorry." napatingin nalang ako sa ibang direksyon. Awkward..


"Ang ganda mo ngayon." sabi nya. Napatingin naman agad ako sa kanya. Namumula na ba ako? Feel ko namumula na ako eh! Wag nya sanang mahalata!


"Salamat. Ikaw din." bigla namang nanlaki ang mata nya.


"Ako? Maganda?!" he said tapos tinuro ang sarili.


"No! I-i mean.. ang gwapo mo." nahihiya kong sabi. Tama pala sila na mahirap gumalaw pag may katabi kang gwapo!


"Hahaha. Tara?" inilahad nya ang kamay nya sakin. 


Nagsimula na kaming sumimba. Habang nagsesermon ang pari, hindi ko maiwasang tumitig sa kanya. Ang gwapo nya talaga. Ang puti puti nya, ang haba ng pilikmata, ang tangos ng ilong tapos pulang pula ang mga labi nya. Jusko, Lord! Natutukso ako! Pigilan nyo ako baka mahalikan ko 'to ng 'di oras!


Hindi talaga magsink in sa utak ko ang mga nangyayare. Dati halos humagulgol na ako sa pag-iyak dahil iniwan nya ako pero ngayon.. eto sya, kasama ko. Kahit ang dami ng mga challenges na dumadating saming dalwa, kami't kami parin sa huli. Ganun namin kamahal ang isa't isa.


Ngayon.. nakapagdesisyon na ako. Sasagutin ko na talaga 'tong lalakeng 'to. Wala na akong pake sa sasabihin ng iba. Basta't kasama ko sya, feeling ko protektadong protektado na ako. Para syang shield. Hahaha.


Biglang hinawak ni Vhian ang kamay ko. Ang hilig nyang humawak sa kamay ko 'no?! Pagkatingin ko sa kanya, kumakanta sya. Ama Namin na pala! Ay fail. 


Lord.. pede nyo bang tagalan yung kanta? Gusto ko syang mahawakan ng matagal. Gusto ko syang hawakan habangbuhay. Hindi ko na 'to pakakawalan. ^___^v


Natapos na ang Ama Namin pero nakahawak parin ako sa kamay nya, kunwari hindi ko alam na tapos na. Pero unti unti.. bumibitaw sya.


"Wag kang bumitaw!" sabi ko sa kanya tapos hinigpitan ko yung pagkahawak ko sa kanya.


"Ha?" nagtatakang tanong nya.


"Ah.. ehh.. wala. Hehe." tapos tinangal ko na ang pagkahawak ko. Xia, what the hell is that? Isipin naman nya obssesed na obssesed ako sa kanya.. which is true.


Natapos na ang misa at dumeretso kami sa Chowking. I missed this place! Namiss kong pumunta dito kasama sya. Umupo na ako at sya naman, umorder na. 

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon