Chapter G

386 13 10
                                    

Chapter G

Xia's POV

Nakita ko sya.. nakahiga sa sahig. Duguan ang pisnge. Putok ang labi. Kung kayo ang nasa posisyon ko, hindi nyo kakayaning tingnan ang itsura nya.

Nagsimula nang magbulong bulungan ang mga tao sa mall.

"How dare you! How dare you punch him! You ass!" nagwawalang sinabi nung babae kay Gino saka buong pwersang hinampas sa dibdib.

Ako? Nakatayo lang. Ang buong katawan ko nandito lang sa mall pero ang utak ko lumipad na papuntang outer space at hindi ko alam ang gagawin ko para makabalik.

"Anong nangyayare dito?!" biglang may dumating na guard. Tinuro nung babae si Gino kaya hinila sya ng mga guard palabas ng mall. Sumunod nalang ako sa kanila nang may narinig na naman akong boses na nakakapagpatigil sakin.

"Xia. Wa-wag kang u-umalis."

Napahinto ako at napatakip ng bibig. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Masakit. Yun ang alam ko. Pero pinipigilan kong umiyak sa harap nya. Ayoko. Ayokong nakikita nya akong nasasaktan dahil nya. Pinahid ko agad ang mga luha ko saka sya hinarap ng nakangiti.

Nakatayo na sya ngayon sa harap ko at pinahid ang dugo sa may labi nya. Gusto ko syang alagaan. Gusto ko syang bantayan hanggang sa kanila gaya nung pag aalaga nya sakin 4 na taon na ang nakalilipas. Gusto ko syang yakapin at sabihing nandito lang ako. Pero may kung anumang nakabara sa lalamunan ko. Hindi na pwede. Masyado nang komplikado ang lahat. Masyado na rin akong nahihirapan. At sa tingin ko, hindi na maibabalik sa dati.

"Nagawa mo na sakin yun dati. Siguro it's time na--" napakagat ako ng labi. Nagtatalo ang puso at isip ko sa sasabihin ko. Ano nga ba ang dapat pairalin ko?

Pero sa huli, yung utak ko parin ang nangingibabaw. Handa akong isacrifice ang pagmamahal ko sa kanya, para lang sa ikasasaya nya. Para sa ikabubuti ng lahat.

Wala na. Wala na akong rason para lumaban. Napahinga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. "Ako naman."

**

"Bumalik na sya?! Omg. The great Jude, he's back?" hindi makapaniwalang tanong ni Jasmine. Napatungo nalang ako.

"Malamang. Kakakwento lang ni Xia diba?" mataray na sagot ni Crystal.

Tinaasan lang sya ni Jasmine ng kilay at tumingin uli sakin. "Kelan pa?"

"Baka kanina. Ano bang sabi nya?" again, sinagot na naman sya ni Crystal.

"Tumahimik nga kayong dalwa." saway ni Zha at biglang tumingin sa side ko. "Sino yung kasama ni Jude? Familiar ba sya sayo?"

"Xia, until now.. masakit padin ba?" napatahimik ang lahat at mistulang may dumaan na anghel sa buong kwarto at lahat ng mata ay nakatingin sakin.

Once again, napatungo ako. Tanong na naman. Hindi pa ba sapat yung mga kwinento ko? Hindi ba pwedeng damayan nalang nila ako instead of asking such obvious questions?

"Antok na ako." sabi ko at inayos na ang mga unan sa kama ko. Gusto ko nang matulog. Sobrang pagod na ako. Kelangan ko ng lakas para sa mga susunod na araw.

Tumango lang sila pero mahahalata nyo ang disappointment. Gustohin ko mang sagutin ang mga tanong nila, pero hindi ko muna kaya. Hindi ko pa kakayanin. Wag ngayon.

Tumayo na sila para makabalik sa kani kanilang kwarto. Pinatay na ni Jasmine ang ilaw at bago pa sila makaalis, may pahabol na sinabi si Zha. "Sana maging masaya ka na." and with that, sinara na nila ang pinto.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now