Chapter T

268 6 6
                                    

Chapter T

Xia's POV

Nag ayos na ako ng gamit at sumakay na sa sasakyan ni Gino. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung ipinakilala ako ni Gino sa mga magulang nya.

Ang buong akala talaga nila, kami na. Halos araw araw ay pinapapunta ako ng mga magulang nya sa kanila. Ang pangit naman tingnan kung hindi ako papayag kaya pumupunta ako pero minsan, nag iisip talaga ako ng dahilan para hindi pumunta.

Unti unti, nakakalimot na ako. Pero hindi ko masasabing naka move on na talaga ako. Hanggang ngayon, nandito padin ang sakit. Hanggang ngayon may galit padin sa puso ko. Tuwing nakikita ko sya.. bumabalik lahat. I can't wait to have my revenge.

Sinusubukan kong hindi mag paapekto sa harapan nila. Halos ituring ko nalang silang hangin sa panangin ko. Pinipilit ko. Pinipilit ko talaga. But it's not that easy.

"Babe." ani ni Gino at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

Mabilis akong tumingin at ngumiti sa kanya kahit na medyo kinalibutan ako sa ginawa nya. I'm not used to this.

"You okay?" he asked.

I smiled slowly and nodded. "Okay lang." sabi ko.

Si Gino.. sya lang ang laging nandyan nung walang wala na ako. Sya ang nagpatibay sakin. Hinding hindi nya ako iniwan kahit may pagkabitch padin ako. Tinanggap nya kung sino man ako. Na kahit spoiled ako ay tanggap nya padin. Hindi ko lubos maisip na may tatanggap padin ng flaws ko.

Gusto ko sya. Gustong gusto. Kumbaga, crush ko sya. Paghanga. Pero yun lang talaga ang maibibigay ko at aaminin kong naiinis ako sa sarili ko dahil yun lang talaga ang nararamdaman ko at hindi na iyon lalalim pa.

Sana sya nalang ang minahal ko. Kung pwede lang kumbinsihin ang puso na mahalin sya at hindi ang maling tao ay siguro nagawa ko na.

"I could hold you everyday." sabi nya at dahan dahan na inilapat ang labi sa kamay ko. I just watched him do that.

He's deeply inlove with me. Alam ko iyon dahil nararamdaman ko. Natatakot ako kasi hindi ko maisusukli ang nararamdaman nya. Natatakot ako na masasaktan ko sya at iiwan nya ako. Ayokong maiwan na naman ako. Hindi ko kakayanin.

"We have classes! Baka malate tayo." sabi ko nalang sa kanya at bumaba na ng sasakyan ng taas noo. As usual, ang dami na namang nakatingin samin pero pinabayaan ko na. I have no time for them.

These past few days, lalong kumakalat ang chismis na may bago na agad ako. Na kahit wala pang ilang linggo ng break up, nakahanap na daw agad ako. Na kaya daw ako nakipaghiwalay ay dahil may iba nang nagpapatibok ng puso ko. Ang kinalabasan? Ako pa ang mali. Ako padin.

Pero alam ko sa sarili ko ang totoo kaya hinayaan ko nalang sila. I'm not born to please them.

Nakangisi akong naglalakad habang bitbit ni Gino ang mga libro ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng classroom. Agad kong itinaas ang kilay ko nang makita kong may naka upo sa pwesto ko. Umalis naman agad ang nakaupo at humingi ng tawad.

Umupo agad ako at uminom ng dala dala kong mogu mogu na bigay ni Gino sakin kanina bago nya ako ihatid.

Agad kong itinali ang sintas ng sapatos ko nang makitang kong hindi ito nakatali ng maayos.

"Xia, bago?" tanong ng seatmate ko nang tumingin sya sa sapatos ko. Napatingin nadin ang isa nyang katabi. What's there name again? Ugh, who cares.

"Yup." matamlay kong sagot sa kanya. Alam nyo naman, hindi ko na talaga ugaling kausapin ang kung sinu sino. Pasalamat nga sya at hindi ako masyadong mataray ngayon.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon