Chapter 1

4K 105 79
                                    

Chapter 1

Xia's POV

It was a perfect Sunday morning. A hot cup of coffee, a good book, a blanket and still wearing my pj's. The sun is shining, birds are chirping, a light breeze.. Aaahh, this is the life.

I was suddenly disturbed ng biglang nagring ng phone ko. I thought it was him.

At dahil sa naexcite ako, hindi ko na tiningnan ang caller ID.

"Hello?" nakangiti kong sabi kahit hindi naman makikita ng tumawag. Weird.

"Mall?" aniya sa kabilang linya.

Biglang nag iba ang expresyon ko at medyo nadisappoint ako. Akala ko kasi sya eh.

It was Zhanaia, my bestfriend since 6 years old.

"Xia? Tara ha? Daanan na kita dyan ngayon. See you!"

Oh hell no.

**

"Zhanaia Evangelista! Sinabi nang ayoko gumala ngayon eh!" kumapit ka, Xia. Kahit anong gawin mo, wag kang bibitaw sa pinto.

"Pero sabi mo sasamahan mo ako magshopping! Dali na kasi!" pagpipilit nitong si Zhanaia sabay hila sakin ng sobrang lakas. 

"I changed my mind." pano ba naman? Daig pa ako mamili ng damit. It takes hours for her to buy an effin' dress tapos pagsasawaan rin naman nya agad! Bakit hindi sya gumaya sakin?

"Pag hindi mo ako sinamahan sasabihin ko kay Vhian na ginamit mo yung toothbrush nya dati—" pinutol ko yung sasabihin nya. Dumali na naman sa pagblablackmail. I hate her when she does that.

Namula ang magkabila kong pisngi. "Oo na, oo na!" naiinis kong sabi. No choice. Kung hindi ako pumayag, ipagkakalat nya ang matagal ko nang tinatagong sikreto.

"Yes! Tara!" masayang sabi ni Zhanaia. May pagtalon talon pa at umakbay sakin. Agad ko namang tinagtag ito.

"Hindi ko naman sinasadyang gamitin yung toothbrush nya ah! Nagkataon lang na nung nag bakasyon kami ay magkatabi yung toothbrush namin!" pangangatwiran ko. May hand gestures pa.

"Kahit na ba! Kahit baliktarin mo man ang mundo—"

"Bilog parin." walang gana kong sabi. Agad naman nya akong binatukan. Napaka sadista talaga ng babaeng 'to. Minsan nagtataka ako kung paAno ba kami naging magbestfriends eh magkaibang magkaiba kami ng ugali.

"Kahit kelan talaga napaka pilosopo mo 'no?" naiinis nyang sabi. Nginitian ko nalang sya ng nakakaloko.

Napabuntong hininga sya. "Tara na nga!" sigaw nya sakin sabay hila ulit papunta sa kotse nila. Hindi naman sya mahilig manghila 'no? Hindi talaga.

Umupo ako ng ayos sa back seat at kinuha ang earphones sa aking bulsa.

"Bes! Grabe, ang gwapo nun oh!" sabi ni Zha sabay turo nya sa bintana ng kotse nya. Napatanggal tuloy ako ng eaephones.

Pagkatingin ko, may isang lalakeng nakashades. Pfft. Porket nakashades, gwapo na? Iba na talaga ngayon 'no?

"Ang hot!" kagat labi nyang sabi. Napafacepalm nalang ako. Zhanaia will be Zhanaia.

Ibabalik ko na sana ang earphones sa aking tenga nang makita kong tinanggal nung lalake yung shades nya. "Ay jusko po! Susmaryosep, nakakadiri! Oh my gosh. Yuck!" maarteng sabi ni Zhanaia. May pagpaypay pa ng kamay! 

Tinawanan ko naman sya ng sobra. Nautas talaga ako. Yan na nga bang sinasabi ko eh. "Gwapo ba kamo?" pang-aasar ko at tumawa na naman na parang walang bukas! Kung nakita nyo lang itsura nung lalakeng yun, ewan ko lang kung hindi kayo masuka! "Kung sana palagi syang nakashades, sasang ayon ako sayo!"

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now