Chapter E

426 9 6
                                    

Chapter E

Xia's POV

Paano?

Totoo ba 'tong sinabi nya na kapatid ko sya? Ang pagkakaalam ko only child lang ako at kahit kelan walang ipinakilala sakin ang mga magulang ko.

Bumibilis ng bumibilis ang heartbeat ko.

Nabuhay lang ba ako sa isang kasinungalingan?

"Ano?" pakinig ko sya pero gusto kong ulitin nya ang sinabi nya. Gusto ko linawin nya kasi ang labo. Sobrang labo.

Pero imbes na sagutin nya ang tanong ko.. tumawa lang sya ng tumawa. Ako naman, nagulat sa nangyare. Anong nakakatawa sa itinanong ko?

"Sorry. Masyado ka palang seryoso." natatawa nyang sabi sabay peace sign.

Huh? Napakunot ako ng noo. Slow ba talaga ako o malabo lang sya?

"Hindi kita kapatid. Asa 'no!" sabi nya sakin. "Joke lang yun." dagdag pa nya.

Nung magsink in na yung sinabi nya sa utak ko, tinaasan ko sya ng kilay saka hinampas ng sobrang lakas sa balikat.

"Walanghiya ka! Pinakaba mo ako ng sobra!" galit na galit kong sabi sa kanya. Hindi ba nya alam na halos magalit ako sa mga magulang ko dahil sa katotohanang pinagkait nila sakin tapos malalaman ko na joke lang pala yun? Niloloko lang pala nya ako.

"Aray. Sorry.. hindi na mauulit promise. Aray!" sabi nya habang todo iwas sa mga hampas ko. Naiinis talaga ako ngayon!

"Sorry na kasi! Aray! Tumigil ka nga!" dagdag pa nya pero hindi padin talaga ako tumitigil. Napaka walanghiya nya. Sino sya para lokohin ako ng ganun? Eh halos hindi na nga ako magkaintindihan nung sinabi nya yun tapos magagawa pa nyang gawin yun?

"Asa pang maging kapatid kita. Edi wala na akong chance sayo?" wait.. parang biglang tumigil ang ikot ng mundo ko.

Ano daw? Napatigil ako sa paghahampas at muling bumilis ang tibok ng puso ko.

Dug. Dug. Dug. Yan ang naririnig ko.

What the hell.

**

"Hindi pede. Hindi 'to pede. Hindi talaga pede." paulit ulit kong sinasabi sa sarili habang binubuksan lahat ng mga regalo na bigay ni unknown.

Paano nangyare yun? Bakit hindi ko naisip yun? Masyado na bang occupied ang utak ko kaya wala na ako sa sarili para mag isip ng mga ganun?

Muli kong tiningnan ang mga tambak na regalo dito sa may basement only to find out na may letter pala ang bawat gift.

"I'll be waiting for you.. whatever it takes."

"Sana akin ka nalang."

"Hindi ako susuko. At lalong hindi ako mawawalan ng pag asa."

Napatakip ako ng bibig.

Si Gino at si unknown ay iisa.

Jude's POV

Lungkot. Inis. Pagod. Yan ang mga nararamdaman ko ngayon.

Bakit kelangan 'to mangyare sakin? Samin?

Bakit feeling ko lahat ng tao ay hadlang sa kasiyahan ko? Kung kelan narealize kong masaya na ako at kuntento na ako sa buhay saka darating ang gantong kabigat na problema.

"Tahimik mo ata." mula sa napakatahimik na paligid, may narinig akong boses dahilan para harapin ko sya.

Si Kia.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now