Chapter 22

1.3K 32 22
                                    

Chapter 22

Xia's POV

Monday morning. Gumising na ako at gumayak. Pagkapasok na pagkapasok ko sa main gate ng school namin, ang daming nagbubulungan. Nung una binalewala ko lang yun kasi hindi naman siguro ako yun. Kaso nung narinig ko ang pangalan ko sa isa sa mga babaeng nagbubulungan. Nagtaka na ako.


Hanggang sa makarating ako ng room namin, hindi parin natatapos ang bulungan. Ano ba kasi yun? Hindi ko naman naitanong sa kanila kasi hindi ko naman sila kilala. 


"Xia!" agad namang bati ni Crystal sakin pagkarating na pagkarating ko sa room. Mukhang nag-aalala sya ah. Bakit kaya? 


"Crystal, bakit?" lumapit ako sa kanya na may halong pagtataka.


"Si Zhanaia." si Zha? Oh, ano namang meron sa kanya?


"Pinagkalat nya sa buong campus na malandi ka at nakikipagharutan kung kani kanino." what?!


"ANO?!" sumigaw na ako dun. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, kung maiiyak ba ako o magagalit.


"Xia, basta't kahit anong gawin nya, wag na wag kang lalaban--" naputol ang sasabihin ni Crystal kasi dumating si Zha sa room na may ngiti sa mukha. Tumingin sya sakin.


"Oh, it's the flirt queen. Ang aga mo pumasok ngayon ah, sino na bang target mo?" sabi ni Zha sabay tawa. An evil laugh. Hindi na ako makapagpigil pa. 


Lord, forgive me but--


*slap*

Crystal's POV

"Oh, it's the flirt queen. Ang aga mo pumasok ngayon ah, sino na bang target mo?" sabi ni Zhanaia. Tiningnan ko ang reaction ni Xia, mukhang galit sya. Ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganito.


"Wag kang lalaban. Xia, wag kang lalaban." sabi ko sa sarili ko. Pero shoot, lumapit si Xia kay Zha sabay sampal sa mukha. Nagulat ako. Si Xia, nanampal? At sa bestfriend pa nya? That's insane!


Halatang gulat na gulat si Zha. Napahawak pa sya sa mukha nya.


"How dare you! *slap*" sinampal rin ni Zha si Xia. Lalapit na sana ako kaso sinabunutan ni Xia si Zha. Yung mga kaklase ko inaawat na sila. Hawak hawak ko si Xia habang si Jasmine naman, hawak si Zha. Parang sine lang ang pinapanuod ko eh! 


WALANG SAYO NICOLE, AKIN LANG ANG ASAWA KO. Hahahaha joke, ok seryoso na. 


"ZHANAIA, ANG KAPAL NG MUKHA MO! WALA KANG PUSO! NAGKAKALAT KA NG BAGAY NA HINDI NAMAN TOTOO!" sigaw ni Xia na pilit tinatanggal ang pagkahawak ko sa kanya.


"HINDI TOTOO? MY GOSH XIA, HINDI MO PARIN BA TANGGAP SA SARILI MO NA MALANDI KA?" nagsasagutan sila habang hawak hawak parin namin sila.


"WALANGHIYA KA ZHANAIA! WALANGHIYA KA. TINURING KITANG BESTFRIEND." nagsimula nang umiyak si Xia. Umiiyak na naman sya. Well.. hindi naman nakakapagtaka. Actually, everyday sya umiiyak. Sanay na ako. I understand her naman eh.


"BESTFRIEND?! WOW 'TEH, SAANG BANDA? PURO KALANDIAN LANG ANG INIISIP MO! MAY SYOTA KA NA'T LAHAT NAKIKIPAGLANDIAN KA PA KAY JUDE! PATI SI DREW, NILALANDI MO! HINDI PA MAKUNTENTO SA ISA. KAYA KA SIGURO INIWAN NI VHIAN!" hindi ko alam kung pano nya nakakayang sabihin yon sa harap ng bestfriend nya. Ang pagkakaalam ko mahal na mahal nya si Xia na halos magkapatid na ang turingan nila. Hindi ko akalain na dahil lang sa isang lalaki, magiging ganito sya.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now