Chapter 10

1.8K 52 28
                                    

Chapter 10



Xia's POV





*bogsh*








"JUDE!!!!!" sigaw ko ng napakalakas. Nakahiga sya ngayon sa lupa, pumutok ang labi nya. Pagkatingin ko kung sino yung sumuntok...








Oh. My. Gosh.








"VHIAN?!" tuluyan na akong umiyak.. lalapitan ko na sana sya ng biglang..








*bogsh*







Sinuntok rin ni Jude si Vhian!!! 








"TAMA NA!!! TAMA NA!!" sigaw ko uli ng napakalakas. Ang mga tao nagsitinginan at lumapit sa dalwang nagsusuntukan. Hinawakan nung isang lalake si Jude. Ako naman ang humawak kay Vhian.








"G*go ka pre ah! Anong karapatan mong lumapit sa girlfriend ko?" sigaw ni Vhian kay Jude. Pinipilit nyang tanggalin ang pagkahawak ko sa kanya at akmang susuntukin uli si Jude kaya tinulungan ako nung isa pang lalaki na hawakan ang kamay ni Vhian.








"Nagsosorry lang naman ako sa kanya ah!" pangangatwiran ni Jude.








"Nagsosorry? Nagsosorry ba ang lagay na yon?! Eh nakikipagtawanan ka eh! Hindi mo ba alam na boyfriend nya ako? Ha?!" galit na galit na sabi ni Vhian.








"Ano pre? Boyfriend ka nya? Eh mas nagkikita pa nga kami kesa sa inyo eh! Nung hirap syang maglakad, sino ang nandun para alagaan sya?!" sabi ni Jude.







"Aba p*ta--








*bogsh*" sabi ni Vhian at sinuntok na naman si Jude! Nakawala sya sa pagkahawak namin nung lalake sa sobrang galit. Umiiyak na talaga ako dun. Sa television lang ako nakakakita ng gantong suntukan. Wala naman akong sinabing gusto kong makita harah harapan!








Nakawala rin si Jude. Kaya nagsuntukan uli sila don. Yung mga lalake, inaawat sila pero tuloy parin si Jude at Vhian sa pagsusuntukan. Ako? Nakatayo lang, umiiyak. Hanggang sa hindi na ako nakapagpigil..








"TAMA NA!! TUMIGIL NA KAYO! PLEASE!" sobrang lakas kong sabi. Lahat napatigil sa kinatatayuan nila. Si Vhian at Jude, tumigil sa pagsusuntukan. Yung mga taong nakapaligid, nakatingin lang sakin. 








"PLEASE." dagdag ko pa at biglang---



Vhian's POV




"PLEASE." sabi ni Xia at biglang nahimatay.

 





"XIA!!!!" sinalo ko sya. Kinalog ko sya kaso wala syang malay. Nahimatay nga siguro. Binuhat ko sya at idadala sa bahay nya ng may sumigaw..

 





"Wait!" lumingon ako para makita kung sino nagsalita. Nakita ko si Jude.








"SASAMA AKO." dagdag pa nya.







"Lintek ka. Hindi ka sasama! Kasalanan mo 'to eh!!!" sigaw ko.








"Kaya nga sasama ako." lumapit sya at hinihingi ang susi ng bahay ni Xia.








Nagdadalwang isip pa ako ng una pero ibinigay ko narin. Wala akong magawa. Kelangan ko ng tulong. Gustohin ko mang ako lang pero hindi ko kaya. At saka.. ngayon lang ako may day off. Bukas hindi na. Wala akong kasiguraduhan na okay na si Xia bukas. Nakakahiya namang ipabantay ko sya kay Zha kasi may sarili syang inaasikaso. 








Dumaretso na kami sa bahay. Binaba ko si Xia sa kama nya at pinaypayan. Inutusan ko si Jude na kumuha ng baso ng tubig. Habang walang malay si Xia.. tinitigan ko sya, at napangiti.








Mahal ko talaga 'tong babaeng 'to. 








Naguiguilty tuloy ako at hindi ko sya nababantayan. Alam kong naiintindihan nya ako pero kahit hindi nya aminin, alam kong nagtatampo sya. Kaya ako nag day off para sa kanya pero ganto naman ang nangyari. I was expecting that this day would be special for me.. for us. Dapat hindi nalang ako nag-eexpect eh. Kasi expectations lead to disappointments. 









"Ehem." sabi ni Jude na may hawak na baso ng tubig sa may pinto ng kwarto.








Si Jude.. may gusto kaya 'to kay Xia? Bakit ganto na sya ka-concern? Sana mali 'tong iniisip ko. Magkaibigan lang naman sila diba? At hanggang dun lang yon. 








"Pasok." sabi ko.








Iniabot nya sakin yung baso ng tubig. 







"Xia? Xia baby, gising na." sabi ko habang hinahaplos ang buhok nya. Unti unti syang gumalaw. 








"kwueopbvtksf." ano daw?







"Ha?" pagtatakang tanong ko.








"Sabi.. ko.. pa-pahinging tubig." sabi nya at tinuro ang baso na hawak ko.

 





"Ah. Ito oh." pinainom ko sya. 








Nang matapos sya uminom, nagitla sya.








"JUDE? BAKIT KA NANDITO?" tiningnan nya ako tapos si Jude, ako tapos si Jude, ako tapos si Jude uli. Nagtataka siguro 'to kung bakit kami magkasama. 

 




"A-ahm.. babantayan ka nya uli. Pero hanggang bukas lang." sabi ko. Alam ko kasi pag nahihimatay si Xia, pagkagising.. hinang hina yan. Tumango nalang si Xia. Pagtingin ko sa relo ko.. mag-gagabi na. Papakainin ko muna si Xia at aalis na ako.

 





Nang matapos sya kumain, tumayo na ako at magpapaalam. Nalaman kong magkatapat lang ang bahay ni Xia at Jude kaya okay lang na magstay muna sya dito ng konti. Pero sinabi kong umalis na sya pag tulog na si Xia. As much as possible ayokong nakikitang magkasama sila.. lalo na't sa ganitong paraan. Parang lumalabas na wala akong kwentang boyfriend...








"Baby, aalis na ako. Text mo ako pag matutulog ka na ha? Pagaling ka. I love you." sabi ko sabay halik sa noo nya. Ngumiti muna sya at sinabing..

 




"Ok. Mag-iingat ka ha? I love you too. Sorry if I ruin our day." 

 




"It's not your fault." yun nalang ang sinabi ko. Lumapit ako kay Jude at may ibinulong..






"KNOW YOUR LIMITS." sabi ko sabay alis sa bahay ni Xia.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now