Chapter 18

1.4K 46 16
                                    

Chapter 18

Xia's POV

Siguro yun yung pinaka awkward na nangyare sa buhay ko! I always wanted to experience that. Yung matatapilok pag sumasayaw ng slow dance tapos sasambutin ka ng kasayawan mo. At yun ay gusto ko maranasan kay Vhian, sa boyfriend ko. Pero hindi.. kay Jude.


Nagulat ako sa mga nangyare. Natulak ko pa si Jude ng wala sa oras. Kawawa naman. 


Anyway, nalulungkot parin ako sa mga nangyare kanina. Miss na miss ko na bestfriend ko. Crystal told me na kaya sya ganun ay dahil BH sya. Ano namang kinalaman ko dun at pati ako ay nadadamay?


Tinetext at tinatawagan ko naman si Zha, kaso hindi nya ako pinapansin. May nagawa ba akong masama? Wala talaga akong maisip na kasalanan sa kanya.

*kinabukasan*

Wednesday na, wholeday na naman. As usual, nakakatamad. Bumaba na ako at kumain. I checked my phone, puro text galing kay Vhian. Kinamusta nya ako kahapon sa practice, sabi ko ayos lang. I told him na nagkakalabuan kami ni Zha na agad namang ikinagulat nya. Try daw nyang kausapin, sabi ko wag nalang kasi baka mas gumulo.


"Ok class, turn your book to page 267." sabi ni Mam. Ugh, exercises again. Nakakatamad.


"Psst." sabi ni Jude. Hindi ko sya pinansin. Nahihiya parin ako sa mga nangyare kahapon.


"Hoy." dagdag pa nya. Still, hindi ko pinapansin. 


"Xia!" nagulat ako kasi napalakas ang boses nya. Nagtinginan ang mga kaklase ko.


"Ano ba?" mataray kong sabi.


"Wow. Galit ka na nyan?"


"May sinabi ba ako?" tinaasan ko sya ng kilay.


"Eh bakit ka ganyan?" tinitigan ko lang sya.


"Yaan mo na si Zha. Lilipas rin yan. At diba sabi ko tutulungan kita?" dagdag nya pa.


"Sa-salamat ha. Ang laki ng utang na loob ko sayo."


"Buti't alam mo. Lalo na nung natapilok ka. Kung hindi kita nasambot siguro absent ka ngayon. Hahahahahahahaha!" natatawa nyang sabi. Siniringan ko lang sya. Ayun, tumigil naman. HAHA.


At dahil ang bilis ng oras, English na agad ngayon. Pinapili kami ni Mam ng kapartner para sa gagawin naming seatwork. Nilapitan ko si Zha kasi sya ang gusto kong maging kapartner kaso hindi nya ako pinansin at biglang lumapit kay Crystal. Nagsorry naman si Crystal. 


So, halos lahat sila may kapartner na, ako wala pa. Pauli uli lang ako sa room para humanap ng kapartner ng may biglang kumulbit sakin.


SI JUDE.


"Ma-may kapartner ka na?" nahihiya nyang sabi sabay kamot ng ulo.


"Wala pa nga eh. Hehe." hindi ako makatingin ng deretso.


"Pedeng.. tayo nalang?" natulala ako sa sinabi nya.


"I-i mean.. pedeng tayo nalang ang magkapartner?" grabe, hiyang hiya na sya.


"Su-sure." pareho kaming nauutal.


"Okay class, mukhang may kapartner na kayong lahat. So ang gagawin nyo is simple. Since pinanuod nyo ang Romeo and Juliet nung isang araw.. ngayon, gagawa kayo ng simple essay about Love. 5-10 sentences lang. Kelangan nyong sagutin ang tanong na "What is Love?" okay? Sa one whole sheet of paper nyo ilalagay. It can be tagalog or english. Ngayon ko lang kayo pagbibigyan kahit na English ang subject ko. Dapat matapos nyo yan bago ang sunod nyong class. Time starts now." sabi ni Mam. Pucha, awkward na naman 'to. Palagi nalang!!

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon