Chapter 5

2.1K 62 36
                                    

Chapter 5


Xia's POV




"Xia, hindi ako naghihintay ng pasko dito! Baka gusto mong bilisan?" sigaw ni Jude mula sa labas ng kwarto ko. Ang arte naman nito, hindi makapaghintay! 






"Baka gusto mo maghintay dyan? Napaka impatient mo ha!" sigaw ko rin sa kanya. Bigla naman syang natahimik. Buti naman at naisipan nyang istapler ang bibig! Binilisan ko na ang pagbibihis nang biglang tumunog ang doorknob. Yung para bang gustong buksan.







"Walanghiya ka Jude! Wag mo 'yang bubuksan, sinasabi ko sayo! Nasa tabi ko lang ang pepper spray ko!" natataranta kong sabi. Naka bra at panty lang ako ngayon 'no! Hindi pa ako tapos magbihis!







Narinig kong tumatawa sya kaya nagsimula na akong magtaka. "Anong tinatawa tawa mo dyan ha?!" sigaw ko uli sa kanya. Sinasabi ko na nga ba't baliw 'to eh. Walang duda.







"Feeling mo naman sisilipan kita?!" nagsimula na naman syang tumawa. Nagpantig na naman ang tenga ko. Gusto nya bang masapak ha? Nagbihis na ako at binuksan ang pinto na ikinagulat nya. Effort pa yun para sakin ha! Nadapa na ako't lahat pinilit ko parin tumayo para ako mismo ang bubukas ng pinto.







"Oh Xia--" bago pa nya matuloy ang sasabihin nya, nasapak ko na sya. Nag init ang ulo ko eh! 







"Para san yun?!" galit nyang sabi. "Para yan sa pagiging bastos!" sabi ko at sinapak uli sya. 







"Para san naman yun?!" 







"Para yan sa pag-aasar sakin!" sabi ko at humiga na sa kama ko. Sabi nang wag akong gagalitin eh. Pasalamat sya at hindi ko ginamit ang pepper spray kung hindi, bye bye precious eyes ka na!







Binuksan ko na ang tv at nanuod. 7 pm na, gutom na uli ako. Umupo si Jude sa upuan malapit sa kama ko habang hawak hawak ang pisnge nya. Bahala sya. Kasalanan nya yan.







Naramdaman kong may nakatitig sakin kaya tumingin ako sa dereksyon ni Jude at tama nga ang aking hinala, nakatingin sya sakin. Yung masamang tingin kaya tinaasan ko sya ng kilay.







"Napaka sadista mo, Xia." nanghihinang sabi ni Jude. "Yan ang napapala ng mga bastos na kagaya mo!" sigaw ko sa kanya. Kung ikaw kaya ang bastusin ng isang lalake? Aba hanga na ako sayo kung hindi ka mainis!







Umiling iling sya at tinanggal ang kamay sa pagkakahawak sa pisnge nya at biglang nanlaki ang mata ko. Ang pula ng pisnge nya. Pero hindi naman sobrang pula. Pero kahit na! Bigla naman akong naguilty. 








"Jude! Ayos ka lang? Naku, sorry. Eh kasalanan mo naman eh!" sabi ko. Kumunot naman noo nya. "Ako na nga ang nasapak, ako pa may kasalanan? Wow. Ayos ka rin 'no?" naiinis nyang sabi. Galit ata sya. Naku Xia, sa sunod itali mo muna 'yang kamay mo para hindi makapanakit ng tao.







"Aba eh bastos ka eh!" tunay naman na kasalanan nya! Kung sana hindi nya ako binastos, edi sana hindi ganyan ang itsura nya ngayon.







"Nagsosorry ka ba talaga o ano?" wow. Nakakatakot pala 'to magalit. Parang sasabog na eh! Napa tungo nalang ako. Okay, siguro partly kasalanan ko rin. 







Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon