Chapter 3

2.4K 68 32
                                    

Chapter 3

Xia's POV

Tuluyan na ngang umalis si Zhanaia. Akala ko joke lang pero umalis na talaga sya. She left me with this stranger. Humiga ako sa kama ko at tinalikuran si Jude na kanina pang nakatayo lang sa mga pinto ng kwarto ko.

"Tss." aniya at lumabas at pakiramdam ko ay lumabas na sya ng kwarto ko. Buti naman at naisipan na nyang umalis? Hindi ko naman sya kelangan.

Pero kung minamalas ka nga naman, bigla akong nauhaw. Wrong timing! Tumayo ako para kumuha ng tubig. Grabe! Para akong pilay. Ang sakit ng paa ko. Para bang may nabaling buto. Dahan dahan lang ako naglakad pababa. Kainis, bakit pa kasi kami may 2nd floor? Hirap tuloy ako bumaba. 

Bababa na sana uli ako ng isang hakbang ng biglang nagsala yung tinapakan ko kaya nalaglag ako sa hagdan. "Ahhhh!" sigaw ko. Ang sakit. OA man pero feeling ko bugbog sarado na ako. 

Humawak ako sa maliit na table katabi ng hagdan para makatayo ako pero bagsak parin ako ng bagsak. Halos maiyak na ako.

Sa hindi inaasahang pangyayari, bumukas yung pinto at nakita kong lumapit si Jude sa akin. Pano sya nakapasok sa bahay ko? Hindi nya ba nilock ang pinto kanina?! Pano kung may kung sinu-sinong pumasok dito? Gusto nya ba akong mapahamak?

"Tss. Ang lampa mo naman." wow, yun agad ang sinabi sakin ha? Hawak nya ang isa kong kamay at bewang. Nakakailang man pero hindi na ako tumanggi.

"Sorry naman ha! Ikaw kaya ang madapa at mahulog sa hagdan!" sigaw ko sa kanya. Nakita kong medyo nagulat sya kasi tumulo na ang luha ko. Hindi nalang sya umimik at inalalayan akong umupo sa sofa. Tumabi naman sya sakin.

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo ha?" hindi ko alam kung matotouch ba ako o masusura sa kanya. Hindi ko kasi alam kung nag-aalala ba sya sakin o ano eh. Ang hirap nyang intindihin.

Tumalikod ako sa kanya at nilagay ang dalwang kamay sa mukha ko. Umiiyak na ako. Sorry pero iyakin talaga ako eh. Ikaw kaya ang mahulog sa hagdan?

"Xia?" hindi ko sya pinansin. Manigas ka dyan. Kasalanan mo 'to eh. 

"Sorry na." natigilan ako. Tama ba ang narinig ko? 

"Tss. Dyan ka na nga." sabi nya at tumayo na. So ganun? Matapos nyang magsorry aalis nalang sya bigla?

"Wait." natigilan sya at tumingin sakin. "Thank you." sabi ko sabay ngiti. Napangiti nalang rin sya at dumeretso na sa paglalakad. Nasa may pinto na sya nang mapansin nyang pinipilit kong tumayo.

"Pasan ka na naman ba?" may pagkabipolar pa 'to? Ang sungit na naman!

"Kukuha ako ng tubig." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

Napailing nalang sya, "Ako na kukuha." tumango nalang ako. Dumeretso naman sya sa kusina.

"Oh." sabi nya sabay abot nung tubig.

Kinuha ko naman ito agad, "Salamat uli." ininom ko naman agad yung tubig at pinatong sa lamesa katabi ng sofa at tumingin sa kanya. 

Mga 5 seconds rin kami nagtititigan. Ano bang problema nito? Ang weird naman.

"Hindi na kita kelangan. Pede ka nang umalis." sabi ko.

"Ganyan ka ba talaga?"

Huh? Anong ganyan? "What do you mean?" pagtataka ko.

"Ayos na kanina eh. Akala ko mabait ka pero ngayon, pinapaalis mo na ako." 

Sinamaan ko sya ng tingin. "Eh hindi na naman talaga kita kelangan! At nakapagthank you na naman ako sayo." sabi ko.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now