Epilogue part 1

832 27 28
  • Dédié à To all my readers
                                    

Epilogue

Sa buhay ng tao, hindi mawawalan ng problema, ng mga pagsubok at paghihirap.

Hindi mo maiiwasan umiyak, magdalamhati at malungkot.

Lahat ng yan, naranasan ko na.


Sino ba namang mag-aakala na sa mura kong edad ay naranasan ko nang maiwanan, masaktan at maloko?

I was once a victim of forever.

Pinaglaban ko ang relasyon namin ngunit may mga bagay talaga na hindi para sayo. 


Gusto ko lang naman ng forever. Ng happy ending.


Minsan nga naiisip ko, ganito lang ba talaga ang pagtatapos ng buhay ko? Ang maging mag isa lamang? 


Akala ko sya na. Nagtagal kami. Akala ko magiging dere deretso lang yun. Oo, minsan na rin kaming nag away pero nalalampasan namin yun. 

Naging faithful at loyal ako sa kanya. Bago ako matulog sa gabi at pag gising ng umaga, sya lang ang nasa isip ko. Yung para bang idinedicate ko na ang buhay ko sa kanya. 

Pero lahat ng yun ay akala lamang.

May mga tao talaga na dadaan lang sa buhay mo at mangiiwan ng malaking sugat sa puso mo. Para lang marealize mo na may taong mas deserving ng pagmamahal mo. 

Mahirap, pero kelangan tanggapin.

Napakahirap ngumiti kung alam mong malungkot ang pinagdadaanan mo.

Napakahirap ipaglaban kung sa simula palang, wala ka nang pinanghahawakan.

At napakahirap umasa kung alam mong wala nang kapag apag asa.

Pero naniniwala akong every bit of sadness comes happiness.

Sa simula ng istorya, tinanong ko sa inyo kung ano ba ang forever.

Madaming nandiri, nasusuka at naiinis.

Kasi para sa inyo, wala naman talagang forever diba?

Sa gitna ng istorya, gaya nyo.. ang hirap narin maniwala sa salitang yan.

Sa mga libro, teleserye at pelikula lang nangyayari ang mga yan at hindi sa totoong buhay. 

Sino ba naman kasing patuloy na maniniwala dyan kung hindi mo naman nararanasan?

Hanggang sa dumating sya.


Dumating si Jude Suarez. 


At doon, parang nagiba ang ikot ng mundo ko.


Maraming salamat sa pagtangkilik sa makabuluhang istorya ko. Alam kong maraming natawa, kinilig, nainis, at umiyak pero nandyan parin kayo para suportahan ito.


Ipinapangako kong kami na ni Jude forever at kailanman ay hinding hindi na maghihiwalay.


Hanggang sa muli!


Love,

Kryxia Vielka Mercado.

Infinitely Yours (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant