Chapter 24

1.3K 36 37
                                    

Chapter 24

Xia's POV

Waaaahhh! Ang sarap iumpog nareng ulo ko sa pader. Naguguluhan na ako. Yung para bang sasabog na ang utak ko kakaisip. Tama ba yung ginawa ko? Tama ba yung sinabi ko? Tama ba na "Give me time to think." ang sinabi ko sa kanya? Hindi kasi ako makapagdecide ng ganun ganun lang. Biglaan kaya! 


And I'm a girl! Syempre may pakipot at pa-hard-to-get effect muna. 


Mahal ko pa sya, oo. Aminado naman ako eh. Kaso.. ano nalang ang sasabihin ng iba? Ano nalang ang sasabihin ni Crystal pag nalaman nyang nakipagbalikan ako? For sure magagalit yun! Sarili ko lang naman kasi ang iniisip nya eh. Kung anong mas ikabubuti ko.


Pero ano nga ba? Mas ikabubuti ko ba ang maging kami uli or yung ganito nalang? Stuck sa pagiging magkaibigan?


I don't know! Litong lito na ang puso ko. Ugh. 


Inayos ko na ang mga gamit ko kasi may pasok na naman kami bukas. Hindi ko muna sasabihin kay Crystal ang nangyare ngayon kasi for sure magtatatanong yun ng kung anu-ano sakin. 


Humiga na ako sa kama at natulog.

**


*kring kriiiing*

O_______-


It's 5:45. The class starts at 6:40. Kaya nagmadali na akong lumabas ng kwarto ko para gumayak. 


Nakarating ako sa school ng 6:20. Buti nalang hindi ako late. Habang naglalakad ako nagsimula nang magbulungan ang mga tao sa paligid. Wow, ang ganda naman ng simula ng araw ko. 


Pero pinabayaan ko nalang sila kahit gustong gusto kong ipamukha sa kanila at isigaw na hindi totoo ang mga nasasagap nilang chismis na malandi ako kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako ganun. Agang aga nababadtrip ako. Leche.


Patay malisya lang ako at dumeretso na sa room namin. 6:25 na. Magsisimula na ang class maya maya.


Ibinaba ko ang bag ko sa armchair ko at lumabas ng room kasi ihing ihi na ako. Habang naglalakad sa hallway nakita ko si Vhian. Lumapit sya sakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.


"Bab-- Xia. Pasan ka?" he was supposed to say Baby.


"Cr. I need to pee." tapos naglakad na uli ako pero hinawakan nya ang kamay ko.


"Iniiwasan mo ba ako?" iniiwasan ko ba? Parang hindi naman eh. Kelangan ko lang talagang umihi kasi sasabog na 'tong pantog ko!


"Hindi ah. Bakit mo naman natanong?"


"Ahh. Wala naman. Ahm.. pede bang ano.. pede bang.. ahmm." bumitaw na sya at kinamot ang ulo. 


"Spit it out, Vhian." hurry up, I fckin' need to pee.


"Pede bang sunduin kita mamaya?" ..magpapasundo ba ako? Wala namang masama diba? I mean, sundo lang naman yun eh.  


"Si-sige." tapos ngumiti ako, ngumiti rin sya. Nagpaalam na kami sa isa't isa at ako naman, dumeretso sa cr. Ihing ihi na talaga ako!


Naglalakad na ako pabalik sa room ng makita ko si Mam Perez sa may corridor kaya nagtatakbo na ako papasok. Pagkapasok ni Mam, nagsimula na ang klase. Kakastart lang ng klase pero uwian na ang nasa isip ko. Pano ba naman? Susunduin ako ni Vhian! At wala akong balak sabihin kay Crystal. Sesermonan lang ako nun!

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now