Chapter 49

777 23 23
                                    

Chapter 49

Zha's POV

Xia's acting weird lately. May time na sobrang taray at bitter nya at isinusumpa daw nya ang lahat ng magsyota, lalong lalo na si Jude pero maya maya iiyak rin naman sabay sigaw ng "Mahal kita Jude!".

Napaka bipolar rin. Gusto nya lagi akong nasa tabi nya tapos maya maya ipapagtabuyan nya ako. 

Hindi rin sya nagkakakain. Siguro isang tinapay lang sa isang araw kaya mahahalata mong pumapayat sya. Para syang may sakit kasi halos buto't balat nalang ang katawan nya. Tapos ang mata? Sobrang pugto. Ikaw ba naman ang umiyak gabi gabi.

Hindi narin sya nag aayos ng buhok. Ang gulo gulo ng mukha nya lagi. Hindi rin naliligo. Siguro isang beses nalang sa isang araw pero mabango parin naman. 

Hindi narin sya gumagala, lagi lang syang nakakulong sa kwarto nya.

For short, parang hindi na sya yung Xia na nakilala ko dati.

Ganun ba talaga pag broken hearted? Ganun ba talaga ang apekto ng paghihiwalay ng dalwang tao?

Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya at kung gaano ba kasakit ang nasa sitwasyon nya kasi hindi pa naman yun nangyayare sakin. 

"Baby, anong iniisip mo dyan?" tanong ni Drew sakin sabay subo ng pasta. 

Lagi kaming gumagala ng lalakeng yan eh. Pero ngayong araw na 'to, may special occassion. 5th monthsary kasi namin ngayon. "Si Xia na naman ba?"

Napabuntong hininga nalang ako. "Oo. Sorry, hindi ko maiwasan eh. Awang awa lang talaga ako sa kanya ngayon. Ang dami na talaga nyang pinagdaanan." malungkot kong sabi. Sobrang naaawa ako para sa bestfriend ko.

Hinawakan naman nya ang kamay ko na ikinabilis ng tibok ng puso ko. "Ako nga rin eh. Bakit ganun? Para bang sinalo na nya lahat ng problema sa mundo." 

Kahit seryoso ang usapan namin, hindi ko talaga mapigilang matawa pag kausap ko ang lalakeng 'to. "Sira!" natatawa kong sabi sabay hampas sa braso nya. Ngumiti naman sya at kumain ulit nang biglang magring ang phone ko.

Sinenyasan ko syang sagutin ito kasi busy ako kakakain. "Sino 'to?" halos iluwa ko ang pagkaing nasa bunganga ko dahil sa sinabi nya. Wala talaga syang respeto sa tao.

Kumunot naman ang noo nya. "Ha? Sorry, wrong number ka ata- Ano?! Sige. Sige, pupunta na kami dyan." bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi nya.

"Sino yun?" kinakabahan kong tanong.

Tiningnan nya lang ako ng deretso sa mata. "Kelangan nating puntahin si Xia."

**

Nandito na kami sa tapat ng bahay ni Xia at mula sa kinatatayuan ko, naririnig ko na ang mga sigaw at iyak ni Xia sa loob. 

Sinabi ni Drew na driver daw ni Xia ang tumawag kasi kelangan daw nya ang tulong namin. Hindi nya daw mapatahan ang bestfriend ko.

Ano bang nangyare?

Agad kong binuksan ang pinto at nagulat sa nakita. Nakaupo si Xia sa sahig at parang batang umiiyak. Habang si manong driver naman ay busy sa pagtawag sa hospital.

Nilapitan ko sya at hinawakan sa mukha. "Xia, what the hell happended?!"

Pero bago pa sya makapagsalita, agad syang nawalawan ng malay.

"Xia!"

**

"Room 254. Oo, sige." sabi ko at agad kong ibinaba ang phone. Tinawagan ko sina Crystal upang balitaan sya sa nangyare at ngayon ay paalis na daw sila.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now