Chapter F

393 9 6
                                    

Chapter F

Xia's POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung makita ko sya. Bakit sya nandito? Sinunod nya ba ako dito? Paano nya nalamang nandito ako?

"Tara na." nakangiti nyang sabi sabay lahad ng kamay sakin.

Tinitigan ko sya. Tinitigan ko sya habang tumatakas ang mga luha ko sa mata. 

At sa hindi inaasahang pangyayare, kinuha ko ang kamay nya at bigla syang hinalkan. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong ginawa ko. Para bang may nagsabi sakin na halkan sya. Ewan ko. Basta ang alam ko, may part sakin na ginusto yun.

Na gustuhing halkan si Gino.

**

"Bilisan nyo malalate na tayo!" napakalakas na sigaw ng bestfriend kong si Zha mula sa 1st floor.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at binatukan sya ng mainam. "OA ka! 7:00 palang. 7:30 pa ang start ng klase nyo." sabi ko sa kanya.

Napaka excited naman kasi nito para sa 1st day of school nila. Parang gradeschool lang.

"Pabayaan mo na yan, Xia. Minsan lang yan maexcite." singit naman ni Jasmine. Natawa nalang ako at kinawayan sila. Kung natatandaan nyo pa, tourism ang course ng 3 yun kaya sabay sabay palagi sila pumasok. As for me, 8:00 pa ang start kaya dito muna ako sa bahay.

Nang makaalis na sila ay nagpunta muna ako sa kwarto ko at humiga. Ang bilis ng panahon. 1st day of school na namin at hanggang ngayon hindi ko pa sya nakikita. Hindi ko na alam kung anong nangyare sa kanya. Kung nakauwi ba sya o hindi. Basta ako, masaya na ako sa buhay ko. Well.. I think I am.

Napabanggon ako nung makita kong may text si boy bestfriend sakin. And when I say boy bestfriend, kilala nyo na kung sino yun.

From: Gino

May surprise ako sayo.

Automatic na napangiti ako sa tinext nya. Sobrang hilig nya talaga sa mga surprises kaya proud na proud akong bestfriend ko sya.

To: Gino

Ano yun?

Napakagat ako ng labi habang tinatype yan. Ewan ko ba, mukhang sobra na talaga akong excited sa surprise nya.

From: Gino

Surprise nga diba? Haha. Sunduin kita dyan ng 7:30.

At dahil dun, naligo na ako at nag ayos. Nakakahiya naman kasing maghintay sya sakin ng matagal. Baka bawiin ang surpresa. Kaya after ko mag ayos ay tinext ko na syang pumunta dito. Hindi katagalan ay dumating na ang pogi kong bestfriend na naka school uniform. And wait! Kaschool ko na sya this sem. Nakakatuwa nga eh. Malimit ko na syang makikita at makakasama.

"Pogi ah?" nakangiti kong sabi sa kanya. Pogi naman talaga kasi 'tong bestfriend ko. Swerte ang makakatuluyan nito promise!

"Ngayon mo lang nalaman?" natatawa nyang tanong sakin. Inirapan ko nalang sya at sumakay na sa kotse nya. Isa talaga 'to sa pinaka gusto kong sasakyan. Sobrang bango kasi at ang neat tingnan. Meron pa nga akong picture sa may likod ng upuan nya eh. Ang sweet diba?

Nagkwentuhan lang kami ng konti at nang makapasok na kami sa school ay humiwalay na ako sa kanya.

"Iiwan mo ako?" narinig kong sabi nya kaya nilingon ko sya at kumunot ang noo.

"Ha? Eh dun ang room ko eh. San ka ba?" nagtataka kong tanong.

Ngumiti sya sakin at inilapit ang bibig sa tenga ko. "Kung san ka."

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon