Chapter M

355 9 7
                                    

Chapter M

Xia's POV

"Salamat, kuya!" masaya kong sabi sa driver namin bago lumabas ng kotse kasama sina Zha.

"Una na kami ha, ingat ka!" aniya. Tumango naman yung dalawa at nagpaalam narin. Kumaway na ako at dumeretso sa room namin.

Doon ay nakita ko agad si Kate na mukhang hiyang hiya sa kinauupuan nya. Ang dami kasing pumapansin sa kanya at tuwang tuwa sa transformation nito. Lumapit ako sa kanya at binati sya. Agad syang napatingin sakin ng seryoso pero ngumiti narin.

"Dami nang pumapansin sayo oh." tuwa kong sabi sa kanya.

"A-ayoko ng atensyon." aniya at tumungo nalang.

"Masasanay ka rin. Lalo na't maganda ka na." sabi ko sabay kindat sa kanya. Gusto ko tumaas ang self confidence nya. Gusto ko hindi na sya maging mahiyain.

Nagpaalam na ako sa kanya at umupo na sa pwesto ko. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Gino na ikinagulat ng lahat. Lumapit ang matatalik nyang kaibigan at niyapos ito. "Tama na bro, ang gay tingnan." natatawang sabi ni Gino at sinuyod ang buong classroom at nakita kong napako ang mata nya kay Kate. Bigla akong kinilig sa pwesto ko at hindi ko alam kung bakit.

"Kate! Asan si Xia?" tanong nito sa kaibigan ko. Napawi ang ngiti ko. Nung makita kong tumingin sa pwesto ko si Gino ay umiwas agad ako ng tingin.

"Iwas ka pa dyan ha!" sabi nya at lumapit sakin. Ngumiti naman ako. Uupo na sana sya sa tabi ko nang bigla uling bumukas ang pinto. At doon, naghiyawan ang lahat. It was Jude and Kia. Unti unting nabibiyak ang puso ko. Bakit hindi padin magsink in sa utak ko ang mga nangyayare? Bakit parang ang hirap tanggapin ang katotohanan?

Uupo palang sana si Jude nang makita nya kami ni Gino at sinamaan ito ng tingin.

"Dun nalang pala ako." sabi ni Gino sabay turo sa upuan nya. Tumango naman ako.

Napatingin naman si Kia samin ni Gino at ngumisi. "Gino, bagay kayo ni Xia!" sigaw nya na ikinatuwa naman ng lahat. Nagulat ako sa sinabi nya. I bet sinabi nya lang yun para solohin nya si Jude.

Ang daming sumang ayon at kinikilig. Ngumiti si Gino kay Kia. "Salamat. Alam ko na yun dati pa." mas lumakas ang hiyawan. Tiningnan ni Gino si Jude at nagsmirk. Oh no, I'm dead. I mean.. Gino's dead.

Nagpatuloy lang sa pag iirit ang mga kaklase ko. Damn, hindi ba sila marunong makiramdam?

"Can you all shut the fck up!" utas na sabi ni Jude. Sabi na. Sabi na nga ba at ganito ang mangyayare! Sht!

Natahimik ang lahat. Ultimo ang promotor na si Kia, natahimik din. "Jude, what's the problem?" tanong ni Kia. Napayukom ako ng palad. Pakunwari ka pang walang alam. Pati ako nababadtrip nadin. Ugh!

Sinamaan lang nya si Kia ng tingin at lumabas ng room. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. May dapat ba akong gawin?

Tumayo si Kia sa kinauupuan nya at sinundan si Jude. Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko at tinitingnan ako. Nagtatanong, nakikichismis. Ayoko ng ganito. Nakakarindi.

"Xia, san ka pupunta?" tanong ni Gino nung makita akong tumayo.

"Banyo lang ako." walang gana kong sabi. Tatayo na sana si Gino pero pinigilan ko sya. "Wag na, Gino." sabi ko. Tumango nalang sya at sinundan ako ng tingin.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon