Chapter 45

699 22 27
                                    

Chapter 45

Xia's POV

Ang sagwa ng nakita ko. Pero kahit nasasaktan na ako sa nadatnan ko, hindi ko magawang pumikit. Hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Para bang gusto kong makita nya ako at magpaliwanag.

But fuck, Xia! Wala na kayo. Magsyota sila, natural ang makitang nakikipaghalikan sila. Natural ang makitang magkasama sila. Natural ang makitang nagmamahalan sila kasi wala na kayo. Wala na. Bat ba ang hirap hirap tanggapin ang katotohanan?

"Xia.." mahina pero puno ng hinanakit nyang sabi nang makita ako. 

Ngumiti ako ng sobrang pilit saka pinahid ang natitirang luha sa pisnge ko at nagtatakbo paalis.

Ang sakit. Parang unti unting binibiyak ang puso ko.

Kahit paulit ulit na, hindi padin ako sanay na masaktan.

Sana panaginip lang 'to. Sana hindi totoo ang nakita ko. Sana pag gising ko, wala na ang lahat ng sakit.

Pagkadating ko sa main gate, naaaninag ko na ang kotse namin sa tapat nito. Pero bago man ako pumasok, inayos ko muna ang sarili ko.

Lumapit sakin si Kuya Erwin at pinagbuksan ng pinto. "Hija pasensya na kung nalate ako. Traffic kanina eh." pagpapaliwanag nya.

Ngumiti nalang ako at pumasok sa loob at dumungaw sa bintana.

"Hija, umiiyak ka ba?" pag aalalang tanong nito. Kanina pa pala nya akong tinitingnan.

Pinunas ko muna ang basang basa kong pisnge saka hinarap si Kuya. "Hi-hindi po. Nag prapractice lang po ako para sa play." pagsisinungaling ko.

Tiningnan muna nya ako saglit saka humarap sa unahan. "Paniguradong ikaw ang best actress hija. Ang galing mo umiyak eh. Parang totoo." hangang hanga na sabi ni Kuya.

Natawa nalang ako. Kung alam mo lang Kuya, totoo talaga ang mga luhang 'to.

**

Pagkarating ko samin ay humiga agad ako sa kama ko. Gustuhin ko mang matulog pero hindi ko magawa dahil hindi matanggal tanggal sa isipin ko ang mga nakita ko.

Napasigaw nalang ako sa inis at sinampal sampal ang sarili.

Naiinis ako kasi may part parin talaga sya sa puso ko. Hindi ko alam kung tama o mali pa ba 'to. Alam kong sobrang unfair ko kay Jude pero masisisisi nyo ba ako? Hindi biro ang two years na pagsasama namin tapos mawawala nalang ito sa isang iglap. Masakit sya. Sobra.

Tumayo ako at nagpunta sa park ng village namin at umupo sa swing. Gusto kong magpahangin. Parang anytime mahihimatay ako dahil sa sakit.

Umupo lang ako at tumingin sa mga ulap. Sa bandang kanan ay may mga batang naglalaro at sa bandang kaliwa naman ay nakarinig ako ng babaeng umiiyak.

Nung una akala ko imahinasyon ko lang yun pero nung tiningnan ko ng mabuti, may naaninag akong babae na nakataklob ang mukha habang umiiyak. At hindi ako pwedeng magkamali. Iyak palang nya, kilalang kilala ko na.

Hindi ako nagdalwang isip na lapitan sya at tinabihan. Naramdaman nya yata yun kasi medyo nagulat sya nung tumabi ako pero nakahawak parin ang magkabilang kamay sa mukha nya.

"Tama ka." hindi pa man ako nakakapagsalita ay niyapos ko na sya.

"You were right. Ang tanga ko." sabi pa nya. Mas lalo ko pang hinigpit ang pagkakayakap ko gamit ang isang kamay, tapos yung isa naman hinahaplos ang buhok nya.

"Dapat hindi agad ako nagtitiwala kasi ang sakit pala pag nagkamali ka ng pinaniwalaan. Sobrang sakit." hinayaan ko lang syang magkwento habang patuloy parin ako sa pagyakap sa kanya.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now