Chapter 39

740 26 25
                                    

Chapter 39

Xia's POV

"Ano? Nakipaghiwalay sya sayo para sakin?" tanong ko kay Jude sabay turo sa sarili ko.

Tumango naman sya na parang bata. "Kalokohan." walang gana kong sabi. Para sakin? Eh anong kinalaman ko sa relasyon nila?

"Tunay ang sinabi ko. Gusto nya daw kasi ako sumaya." kumunot ang noo ko. Okay ang weird nya. Hindi ko sya maintindihan.

"Oh eh anong konek nun sakin?!" tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka ha.

Nakita kong umiling sya. "Wala ka na bang itatanga pa?!" wow! Ang sama nya talaga. Eh kung sa hindi ko sya magets eh. Babatuhin ko na sana sya ng hawak kong unan pero bigla syang umimik. "Sayo kasi ako sumasaya." natigilan ako at natulala.

Speechless. Wala akong masabi.

"Tsk." sabi nya tapos naglakad paalis.

Pinagmasdan ko syang humahakbang paalis sa kwarto ko. "Pasan ka?" tanong ko sa kanya. Iiwan na ba nya ako? Yes, magdiwang!

"Bakit, mamimiss mo ako?" mapanuksong tanong nya. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Alam mo bang mas makapal 'yang mukha mo kesa sa dictionary?" sabi ko sabay smirk.

Lumingon sya sakin. "Alam mo bang mas makapal ang pagmamahal ko sayo kesa sa Bible?" sabi nya sabay smirk at pumasok na sa cr. My jaw dropped. Anong-- ilock ko kaya sya sa cr?!

No, Xia. Masama yan. Pinanganak ako ng mga magulang ko na may mabuting kalooban. Na kahit ako ang saktan, kailanman hindi ako lalaban.

Nang makapasok sya ng cr. Nagmadali akong tawagan si Zha. Mukhang may kelangan syang ipaliwanag sakin.

"Hello Bes--" pinutol ko ang sasabihin nya.

"Zhanaia Evangelista, umamin ka nga. Sinabi mo ba kay Jude kung san ako magbabakasyon?!" galit kong tanong sa kanya.

"Wow, ganda ng bati mo sakin ha?!" natatawa nyang sabi. "Bakasyon? Bakit ko naman sasabihin kay Jude?" dagdag pa nya.

"Wag ka na nang magmaang maangan dyan! Alam kong may kinalaman ka dito." naiinis kong sabi.

"Fine. Oo. Sinabi ko. Para naman may makasama ka!" sabi nya.

"Makasama?! Hindi mo ba nakikitang gusto ko mapag-isa?" diniinan ko ang salitang mapag-isa.

"Hindi. Pano ko makikita? Tangi ka ba?" narinig kong tumatawa sya sa kabilang linya.

"Zhanaia--"

"Yaan mo na. Nandyan na eh. Wala ka nang magagawa." napahilamos nalang ako ng mukha.

"At para may company ka diba!" masaya nyang sabi. Dahil sa inis ko, binaba ko na ang phone. Nakakainis talaga!

Eh kung layasan ko kaya 'to? Tutal nasa banyo naman sya. Tama!

Tumalikod na ako para sana kunin ang mga gamit ko kaso napaupo ako sa gulat. "Ka-kanina ka pa ba nandyan?" nauutal kong sabi.

"Medyo." sabi nya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Inirapan ko nalang sya.

"Look, Jude. Hindi naman sa ayaw kitang makasama pero gusto ko talaga mapag-isa. Marami akong problema. Gusto ko muna mag-isip isip sa lahat ng nangyayare." malumanay kong sabi.

"Ano ba talagang gusto mo? Mapag-isa o may kasama? Ang gulo mo." sabi nya.

Nagpantig naman ang tenga ko. "Hoy! Napaka ayos ng pagkasabi ko ha! Ginagalit mo ba talaga ako?!"

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now