Chapter 32

1.1K 26 22
                                    

Chapter 32

Xia's POV

"Xia, is everything alright?" napatingin ako sa nagtanong na si Vhian.


"Ahh.. yeah. Sorry." sabi ko nalang. Kanina pa pala akong tulala dito.


"Okay. As I was saying, baka dalhin si Papa sa hospital." kita kong nalungkot sya. Ako naman, nagulat. Ganun na ba kalala sitwasyon ni Tito? Parang hindi kapani paniwala. I swear, okay pa sya noon.


"Bakit daw? Malakas pa naman sya diba?" sinabi ko lang yun para makampante ako pero sa totoo lang, sobrang kinakabahan ako.


"Actually, lumala sya. Kaya sa hospital muna sya magstastay bukas." sinabi nya yun habang hindi nakatingin sakin. Hinawak ko nalang ang balikat nya at ngumiti. Don't worry, Vhian. Hindi kita iiwan.


Nandito kami ngayon sa kotse nya papunta sa bahay nila. Hapon na ngayon at dadalawin ko si Tito. Pero pagkarating namin, natutulog sya kaya sa sala muna kami naghintay. 


Wala ulit si Tita Percy sa bahay kasi sya muna ang nag-aasikaso sa companya nina Vhian. Naaawa nga ako kay Tita, prinoproblema na nga si Tito, pati ang companya kelangan rin problemahin. Ang hirap pala talaga pag wala o may sakit yung sadyang nag-aasikaso ng companya.


"Xia, di ko na alam ang gagawin ko." he's crying again. Ang hilig na nyang umiyak. I know I have to be strong pero hindi ko maiwasang malungkot pag nakikita kong nasasaktan si Vhian. 


"Vhian, be strong. Si Tito Roland yan. Alam kong kakayanin nya para sayo." niyapos ko sya ng sobrang higpit. Alam ko ang feeling na may sakit ang isa sa pamilya mo. Kasi dati, nung buhay pa si Lolo, yung asawa ni Lola sa US, may cancer din sya. Araw araw ko syang dinadalaw kasi ayokong mawala sya sa paningin ko. 


Pero one time, 13th birthday ko, after nung party ko, dumeretso ako sa hospital but it was too late.. kinuha na si Lolo samin. To think na sya ang kauna unahang kamag-anak ko na namatay at ang masaklap, birthday ko pa. Wala na akong ginawa kundi umiyak. Pero I stayed strong para kina Mama at Lola. Yun naman palagi ginagawa ko eh, ang maging strong.


"Xia, you don't understand." aniya. Huh? Anong hindi ko maintindihan? May sakit sya at ngayon ay sobrang lala na.


"Vhian, naiintindihan kita. Alam kong masakit pero-"


"Stage 4 na si papa." a-ano?! Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.  


Hindi nya sinagot ang tanong ko, instead, umiyak lang sya ng umiyak. Pati ako umiiyak narin. Pero hindi ito ang tamang oras para maging mahina. Kelangan kong maging malakas para kay Vhian. Kung walang magiging malakas samin, sino pa?


Kinabukasan ay nandito kami sa school.


"Xia, kamusta si Tito?" tanong ni Zha habang nakikipagkulitan kay Drew. She's pertaining to Tito Roland.


Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon