Chapter 2

2.7K 74 32
                                    

Chapter 2

Xia's POV

"Kotse mo?" tanong ni Zhanaia nung nakarating kami sa parking lot. Sinabi nya sa driver nya na mag isa nalang umuwi kasi sasabay sya samin nung lalakeng masungit. Oh diba, may nickname na ako para sa kanya.

"Obviously, yes." sagot nung lalake. Aalalayan pa sana nya ako papuntang passenger's seat pero hindi ako pumayag. Ayoko ngang tumabi sa kanya! 

Eto namang si Zhanaia, dito pa dumayo ng pagkaharot at tumabi pa sa lalakeng yun. Iwan ba naman daw ako dito sa likod?

"San nga ulit ang inyo?" tanong ni sungit. Napafacepalm nalang ako. May amnesia ba sya? Kakasabi ko lang kanina eh.

"Sa RK Village nga." naiirita kong sabi.

Agad naman syang napalingon sakin, "Sa RK?!" gulat na gulat nyang tanong. 

"Oo, bakit?" tinaasan ko sya ng kilay.

Napailing nalang sya, "Ah wala, wala." weird. Ano naman ngayon kung dun ako nakatira? Bawal na ba tumira dun?

Binalewala ko nalang yun at dumungaw sa bintana. Hindi ko nalang muna sasabihin kay Vhian ang nangyare sakin. Hindi naman kasi malala eh, nagkapasa lang naman ako. Ayoko pati mag alala sya para sakin. Tsaka, may awa ako sa lalakeng 'to, baka mabingot ng wala sa oras.

Nakakapanibago, ang tahimik. Lalo na si Zhanaia, hindi ako sanay na hindi sya nagsasalita kaya sumilip ako sa unahan at aba ang lintek na 'to! Tingin ng tingin kay sungit. Wag nya lang sasabihin sakin na may gusto sya sa lalakeng 'to kasi hindi talaga ako boto sa kanya.

"Para." sabi ko nung makita kong malapit na kami sa amin.

Narinig ko ang pagtawa ni Zhanaia sa unahan. Ngumisi ako.

"Grabe bes, ginawa mo namang jeepney driver 'tong si pogi." hindi padin mapigilan ni Zha ang pagtawa.

"Ay, hindi ba?" tumawa ako. Nakita ko ang pagsulyap nya sa salamin ng kotse.

Nanlaki ang mata ko nung makita kong dere deretso padin ang kotse.

"Hoy, para nga." medyo nilaksan ko ang boses ko.

"Ay, dito ka pala nakatira?!" tanong na naman ni sungit. Ano bang meron? Kanina pa syang weird ha.

"Obviously, yes." ginaya ko ang sinabi nya kanina. Nakita ko namang tumawa si Zha. Eto namang lalakeng 'to mukhang nainis. 

Inalalayan ako ni Zha papasok ng bahay ko. Si sungit naman, pinagbuksan kami ng pinto. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan nya!

Habang inaalalayan ako ni Zha pataas sa kwarto ko sa taas, nakita kong sumusunod pa pala yung lalake samin. 

"Pst. Zhanaia." bulong ko kay Zha. 

"Oh bakit?" 

"Bakit ba sumusunod pa yung lalakeng yun? Paalisin mo na nga." naiirita kong sabi. Ano ba naman kasing ginagawa nya dito diba?

"Ayaw mo nun bes? May nag-aalala sayong gwapo!" napanganga ako literally sa babaeng 'to. 

"Zhanaia, umayos ka ha." sabi ko sabay irap sa kanya. "At asa pa mag-alala sakin 'yang lalakeng yan! Kahit ngangayon lang kami nagkakilala, alam kong hindi kami magkakasundo nyan." dagdag ko pa. Kumibit balikat nalang sya.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto, pinagbuksan na naman kami ni sungit ng pinto.

"Ehem." sabi nya.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now