Chapter 13

1.6K 48 25
                                    

Chapter 13

Xia's POV

Well.. I have to face the reality. Cool-off kami. Alam kong dapat pa ako magpasalamat kasi cool-off lang, yung iba deretsuhang maghihiwalay. Pero kasi.. hindi ako sanay na magkagalit kami. Ito ang kauna unahang cool-off namin. 


Natulala ako sa tapat ng Quantum. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Nakakahiya. Mag-isa akong nakatayo dine, umiiyak. Para akong bata na nawala sa mall. Ang saya saya ng lugar nito tapos iiyak lang ako sa harap nito.  Baka masabihan pa ako na baliw.


Pinunas ko ang mga luha ko dumeretso sa machine ng stuff toys at natuwa agad ako sa nakita ko. After 2 years.. may nakita na naman akong panda na stuff toy. Oo, 2 years. Ngayon lang uli ako nakapunta dito eh. Pero girl panda sya, may red ribbon sa may ulo. Yung nasa akin ay boy panda.


Triny ko syang kunin pero hindi ko talaga magawa. May daya talaga ata 'to!


"Gusto mo kunin ko para sayo?" lumingon ako para tingnan kung sino yung nagsalita at nakita ko si..


VHIAN.


Vhian's POV

Nandito ako ngayon sa mall. Pinagday off uli ako ng mga magulang ko. Alam kasi nila na nahihirapan na ako. To think na mag-4th year palang ako pero business agad namin ang trina-train ko. Only child kasi ako. Ang daddy ko, maraming sakit. Matanda na sya. Kaya sabi ng mama ko na ako ang magmamana ng negosyo namin para kung sakali mawala ang daddy (sana hindi) ay ako ang magmamanage. Hindi naman maalam ang mommy ko sa mga ganitong bagay so ako nalang. Tinanggap ko naman agad ang offer nila para sa kinabukasan namin ni Xia.

Speaking of Xia.. nakipag-cool off ako sa kanya. Ayoko ng break. Mahal ko yung tao eh.


Naiinis lang ako kasi ginagawan ko naman talaga ng paraan ang pagiging busy ko tapos sasabihin nya na wala akong time para sa kanya. Alam kong mababaw, eh kung nasaktan ako eh.


Kagabi, nung sinabi kong magcool off kami, umiyak ako. Gaysht. Pero kung alam nyo lang.. hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi ko. Parang mali. Mali na sabihin ko yun kay Xia. Ang tanga ko. Pag-ibig nga naman oh.


Ayoko ng ganito. Ayaw kong nag-aaway kami. Kaya makikipagbati na ako sa kanya. Wala nang cool-off cool-off.


Habang naglalakad ako sa mall.. tamang tama at nakita ko sya. Wow. Naka tadhana nga ata kami para sa isa't isa. Hahahaha. Nasa Quantum sya... i knew it. Dito ang punta nya.

Lumapit ako ng konti at nakita ko syang nasa may machine ng mga laruan. Trinatry nyang kunin yung panda pero hindi nya makuha. Natatawa ako. Ang cute cute nya. Nadadampot na kasi ng kamay yung panda kaso nabibitawan kaya nagdadabog. Ang cute!! Nagpopout sya. I like her when she pouts. 

I mean.. I love her when she pouts. Xia, I still love you and forever will.


Cheesy!! SHET.


Lumapit ako at..


"Gusto mo kunin ko para sayo?" sabi ko. Alam kong ang kapal ng mukha ko pero nilakasan ko na loob ko. Makikipagbati na nga eh.


Lumingon sya and again, natatawa ako sa expression nya. Naka nganga!! Hahahaha. Gulat na gulat siguro at nakita ako. 


Ang ganda nya, sht. Nagpakulot at nagpadye sya ng hair. Bagay sa kanya. Well.. kahit ano naman ay bagay sa kanya. At may mga bitbit na naman syang shopping bags. Haynako. Nagshopping na naman ang aking baby.


"V-vhian.. a-anong ginagawa mo dito?" nangangatal nyang sagot. Malaming ba? 


"Bakit? Bawal ba ako magpunta sa lugar kung san mo ako sinagot?" sabi ko. Halatang nagulat sya.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now