Chapter 38

839 27 38
                                    

Chapter 38

Xia's POV

Now playing: Never say never by the Fray

Parang biglang tumigil ang pagikot ng mundo sa narinig ko. "Ano yun?" tanong ko sa kanya. Ang pagkakatanda ko, nilinis ko naman ng maigi ang tenga ko. Kaya impossibleng mali ang narinig ko.

"Xia, sorry. Pero nakikipaghiwalay na ako sayo." natigilan ako sa kinauupuan ko. Umaagos ang mga luha sa mata ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Tumawa ako ng malakas. "Infairness, nakakatawa 'yang joke mo." sabi ko tapos tumawa na naman ng tumawa kahit may luhang tumutulo sa mga mata ko.

"Tunay ang sinasabi ko, Xia." kita ko sa mukha nya na seryoso sya sa sinasabi nya. Pero hindi.. hindi ako naniniwala.

Nginitian ko sya para hindi ako kabahan. "Vhian, hindi ka nakakatuwa ha." sabi ko.

"Xia--" pinutol ko ang sasabihin nya at nilagyan ng chicken ang plato nya.

"Gutom lang yan, Vhian. Oh eto, chicken. Masarap yan." sabi ko. Nakita kong pinipigilan na nyang umiyak.

"Oh bat umiiyak ka dyan?" tanong ko sa kanya. "Eto try mo rin 'to." sabi ko at nilagyan ng spaghetti ang plato nya. "Mmm. Sarap diba?" sabi ko sa kanya. And again, tumulo na naman ang luha ko pero pinunas ko rin agad at nginitian sya.

"Xia, patawad." hahawakan na nya sana ang kamay kong nakapatong sa lamesa pero inilayo ko agad ito. "Vhian, ano ba? Isa pa, matatamaan ka na sakin." naiinis na ako. Hindi na sya nakakatuwa ha. Sa lahat ng ayaw ko ay yung nagbibiro ng ganun.

"Xia, ayoko na. Let's just end this." aniya. Kinagat ko ang labi ko. Panaginip.. sana masamang panaginip lang ito.

"Ano bang pinagsasasabi mo?!" napalakas na ang boses ko. Yung mga tao sa restaurant nakatingin na sakin. Hinawakan lang nya ang noo nya at umiyak.

Tinitigan ko sya. "Vhian umimik ka!" sigaw ko sa kanya.

"Xia, sorry. Pero pagod na ako. Ayoko na." napatakip ako ng bibig. "Vhian naman. Wag ka namang ganyan."

"Sabi mo, magpapakasal pa tayo diba? Sabi mo magkakaroon pa tayo ng kambal. Sabi mo pa, pupunta tayong Paris!" sabi ko sa kanya.

"Sorry pero hindi ko na yun matutupad." hindi ko na napigilan, sinampal ko sya. 

Napahawak sya sa mukha nya. "Xia, makinig ka. Ayaw ko na. Hi-hindi na kita mahal." natigilan ako sa sinabi nya. May mas sasakit pa ba sa narinig ko?

"Hindi pede! Sabi mo hindi mo ako iiwan. Nangako ka diba? Nangako ka!" please, wag mo namang sirain yun.

"Sana mapatawad mo ako." sabi nya.

"So ganun nalang yun, ha?" ang sakit. Sobrang sakit.

"Sorry." sorry? Yun lang ang sasabihin nya?!

"Ano, may bago ka na ba? May bago ka na ba kaya ka nagkakaganyan? Napalitan mo na ba ako?" hindi ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko.

Nakita kong medyo nainis sya sa sinabi ko. "Gusto mo malaman? Oo! Oo may bago na ako. Nagsawa na ako sayo. Hindi na kita mahal, Xia!" sigaw nya sa mukha ko.

"Hi-hindi yan totoo-"

"Totoo ang sinasabi ko, Xia!" sigaw nya uli. Umiling iling ako. "Hindi totoo yan! Hindi ako papayag!" patuloy parin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.

Infinitely Yours (Completed)Where stories live. Discover now