Chapter 42 - Unexpected Guests

2.4K 45 0
                                    

Chapter 42 - Unexpected Guests

(3rd Person's POV)

Nagpatuloy ang maliit na salu-salo nila Ariana at ng mga kaibigan sa unit niya, halos lasing na ang ilan sa mga kasama, pwera sa kanila ni Vincent, naisip kasi nila na walang maglilinis sa mga kinalat nila kung lahat sila ay nalagyan ng alak ang katawan. They drink but not too much!

Nang matapos sila sa pagvi-videoke sa flat screen t.v ni Ariana ay nakaisip naman si Kieth ng isang laro kung saan ay ang consequence ay pag-shot ng liquior ... magbibigay ng bugtong ang isa't-isa, dipende kung sino ang gustong sumagot, pag may naglakas ng loob sumagot at mali ang answer nun ay siya ang iinom ng alak, pero pag nasagot naman ang bugtong ay double ang iinumin ng taong nagpa-bugtong. Gets niyo?! Slow -____- lol djk :)

"Umpisahan mo na Kieth tutal ikaw nakaisip niyan!" - Sky

Naka-indian seat sila sa bawat gilid ng center table, kumbaga pinalilibutan nila ang lamesa.

Nagsalin muna ng alak si Kieth sa dalawang shot glass, bago nagsalita, "Sige Game! Ito ha ... Bakit mo ko binibitin kung kelan kainitan at basang-basa na ko?!" Natatawang tanong ni Kieth.

"Ayos yan ha .. galing mo talaga sa ganyan!" Puri sa kanya ni Kyle at nag-apir pa silang dalawa.

Nasamid si Kiel sa kinakain ng marinig ang sinabi ni Kieth, samantalang binigyan naman siya ng death glare ng mga kasama sa bugtong na binigay niya.

"Hoy ang bastos mo talaga!" Asik sa kanya ni Ryza.

Iba kasi ang intindi ng lahat sa tanong ni Kieth, napailing na lang si Vincent, alam niyang sa mga ganitong bagay magaling sila Kyle at Kieth.

"Tss bastos agad .. sabihin mo green ka lang talaga ... ano na? Wala bang sasagot?!" - Kieth

"Kieth Castulo" walang ganang sagot ni Ariana, napatingin ang lahat sa kanya.

"Hahaha nice one Aya!" - Yassi, ang sagot kasi ni Ariana ay mismong pangalan ni Kieth.

"Panigurado tama yan!" - Ryza.

"Ang sa-sama niyo ... mali ka Ariana ... Oh shot mo na to!" Abot ni Kieth sa hawak na shot glass.

Aabutin na sana ni Ariana yun ng biglang kunin ni Vincent at diniretso tungga.

"Ang duga dapat kay Ariana yun!" Reklamo ni Kieth.

"Nainom ko na!" Simpleng sagot lang ni Vincent at inihilig ang ulo sa balikat ni Ariana.

"Tss dapat walang saluhan!" Patuloy na reklamo ni Kieth.

Binatukan naman siya ni Brenda, "hoy lalasingin mo si Aya noh?"

Napatingin naman si Kieth sa mga kasama, si Vincent naman nakatingin na sa kanya ng masama, "S-syempre hindi ... maduga lang lahat kayo partner, edi ibig sabihin sasaluhin niyo lagi ... samantalang ako walang sasalo"

Nakatanggap naman siya ng batok kay Kyle, "Ang drama mo ... sagutin mo na lang sarili mong bugtong gago!"

Humalukipkip si Kieth at siya mismo ang uminom ng dalawang laman ng shot glass, "Tss .. sinampay! SINAMPAY ang sagot ... bastos kasi ng utak niyo!"

"Ulul!" - Kiel

"Gaya mo pa kami sayo" Vincent

"Hahaha kawawang Kieth .. uwi ka na sa inyo" asar sa kanya ni Ryza.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon