Chapter 37 - The Models

2.3K 45 0
                                    

Chapter 37 - The Models

(Vincent's POV)

Kanina lang ay sobrang tahimik at seryoso ng mga tao dito sa event hall, pero bigla na lang narindi ang tenga ko sa kabilaang hiyawan at sigawan dito. Dahil lang sa lapastangang lalaki na rumarampa sa stage -_____-

Tss kala mo kung sinong gwapo, may abs din naman ako ... kung ako ang rumampa dyan panigurado mas malakas pa ang hiyawan na matatanggap ko. Ge mayabang ako, at least aminado >______<

Bored lang ang nararamdaman ko kanina, pero ngayon inis na! Bakit ba kasi kailangan nandito pa ang lalaking yan?! Hintay ako ng hintay ng turn ni Aya kanina pa, tapos makikita ko lang ang lalaking to.!.

"Woah Ang Yummmy!"

"Gray we love you!"

"Ang hot!"

"Ang saraapp mo waah!"

Tss kung maka-yummy sila kala mo naman ay natikman na, panigurado peke yung abs ng gagong yan! Pinaretoke niya yan .. tss pwede bang iparetoke ang abs?! Si Aya kaya ganyan din ang reaksyon pag nakikita ang katawan ng lalaking to? Naghihi-hiyaw din kaya siya? Nagtata-talon sa kilig at tuwa? O baka naman nahahawakan niya ang katawan ng gagong to?! Tss mas lalo lang akong naaasar sa naiisip ko eh! Pwede ko naman i-offer ang sa akin, kaya di na niya kailangan pang pagnasahan kung sakali ang katawan ng Gray na ito! Yung akin sa kanya lang :D

"WAAAAHHH SHOCKS ANG YUMMMY!" - Ryza

"OH MY GOD ANG HOT MO!" - Brenda.

Pati ang dalawang to nakisali pa, kala mo wala sa tabi ang mga boyfriends nila .... napansin ko na halos lahat ng naunang modelo ay puro nakulangan, undergarments o di kaya'y punit-punit ang damit ... wag nilang sabihin na ganyan din ang ipasusuot nila kay Aya? Putek nalintikan na!! >_____<

Huminto ang Gray na ito sa harapan namin mismo, mas lalong lumakas ang hiyawan ng tanggalin na nga talaga niya ang pang-itaas niya. Kung makapag-hubad ay akala mo sobrang ganda ng katawan! Nakaka-suka kaya, Pweh!

Napataas ako ng kilay ng tumingin siya sa pwesto ko at ngumisi, Aba't siraulong to. Pasalamat siya nasa stage siya kung hindi nasapak ko na siya, ewan ko lang kung maka-ngisi pa ang gagaong to -_______-

"Nakita mo yun Pareng Vincent? Niyayabangan ka ng gagong yun, gusto mo upakan natin?" Narinig kong sabi ni Kyle, di lang pala ako ang naka-pansin.

"Hoy Kyle tumahimik ka nga dyan" saway ni Kiel sa kanya.

"Tss kahit naman anong gawin niya nasa akin na si Aya" pagya-yabang ko, alam ko naman kung bakit ganun sa akin ang Gray Yamsuan na yun, dahil ako ang pinili ni Aya at di siya .. kaya laki ng galit. Sorry na lang siya ' di niya na makukuha pa sa akin si Aya! Wahaha ... lol lakas maka-kontrabida -.-

Sinamaan ko lang din ng tingin ang Gray na yun, hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Pero di pa nagtatagal ng lumakas na naman ang hiyawan sa lugar na ito. Sinilip ko kung sino na nga ang rarampa sa runaway, at sadyang nanlaki ang mata at napanga-nga ako sa nakita ko!

O_______________O

"Woah there, ang swerte mo Pareng Leader!" Di ko na pinansin ang patutyada na naman ni Kieth sa girlfriend ko, Oo GIRLFRIEND ko yan! tang-ina bakit iba ang dating niya sa runway stage?!

Di katulad ng mga nauna ay balot na balot naman si Aya, naka-suot siya ng skinny and shinny pants na color black at long sleeves din na white. Ngayon din ay sobrang kapal ng make-up niya, kinulot din ng malalaki ang buhok sa dulo ... di naman sa panget tignan, mas nagmukha lang siyang mataray at yeah sexy ... ang sexy niyang tignan kahit balot na balo---

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя