Chapter 50 -  ̄ω ̄

2K 39 0
                                    

Chapter 50 -  ̄ω

   (3rd Person's POV)

     "Vincent ano to?!" sigaw ni Boss Key kay Vincent.

    Nasa office sila ngayon ni Boss Key, pinatawag sila nito dahil sa problemang nakasangkutan ng leader ng The Time na si Vincent.

   Di sumagot si Vincent sa kanilang handler at humikab pa na parang nabo-bored sa tinatakbo ng usapan.

   Maging ang mga kabanda ay naguguluhan at nangangamba na sa mga ikinikilos ni Vincent, di nila alam kung ano ba ang problema nito at kung bakit kumikilos ito na parang wala lang lahat ang nangyayare.

    "I thought Ariana is your girlfriend then what the hell is the meaning of this? My god Vincent ngayon ka pa gumawa ng issue kung kelan kasagsagan ng pagbenta ng tickets sa concert niyo!" sigaw muli nito ng di sumagot ang kausap niya.

   Tumayo na si Kiel at ito na mismo ang kumausap sa handler nila, "Boss Key, kami na po ang kakausap kay Vincent" paalam nito sa manager.

   Wala namang nagawa ang handler nila dahil sa kanya mismo ay di sumasagot si Vincent kaya naman pinabayaan niya na lang ang mga kabanda at kaibigan rin nito na kumausap sa Leader ng The Time.

  Nang makalabas silang apat at makabalik sa private room ay agad na nagsalita si Kiel.

   "Ano bang problema mo Vincent?" tanong ni Kiel, humiga lang si Vincent sa sofa at ipinatong ang braso sa mata. Di niya pinansin ang sinabi ng nakatatanda sa kanila.

   "Pareng Vincent di ka ba kinakabahan? Paano pag nakita yan ni Aya?! Ano na lang ang iisipin niya?" mahinahong tanong ni Kyle sa kaibigan.

  This time sumagot na si Vincent, "Edi makita niya!" maikli at malamig nitong sagot.

  Pinagtatalunan nila ang mga litratong nag trending sa social media, picture iyon ni Vincent kasama si Selena sa isang Bar, si Selena ay isang aktress, di ito gaanong kasikat ngunit may palabas itong nag-eair sa television ngayon.

   Makikita sa litrato ang nga sweet gestures ng dalawa, walang halikang makikita ngunit mapapansin mo ang kakaibang tinginan, tawanan at yakapan na pinagsaluhan nila.

   "You need to explain this to Ariana, alam mo kung anong pwede niyang isipin dito Pareng Leader" seryosong sambit ni Kieth, kahit naman di sila blood related ni Ariana, para sa kanya ay kapatid niya na ito at kung hindi man ay kaibigan kaya mahalaga sa kanya ang mararamdaman nito sakaling makita ang litrato ng fiance niya kasama ang ibang babae.

   Tahimik pa rin si Vincent na nakahiga, gusto niyang sagutin ang mga kaibigan ngunit pinipigilan niya ang sarili, Wala silang alam dito, kaya hayaan mo sila Vincent bulong ng isang bahagi ng isip niya.

   "Remember this Vincent, ginawa mo ang lahat para makuha at mabalik sayo si Aya, wag mong sayangin ang lahat ng yun dahil sa mga katarantaduhan mo!" advice sa kanya ni Kiel at umalis na sa kwartong iyon. Maging sila Kyle at Kieth ay nilisan na ang kwarto, naiwan naman ang tahimik pa rin na si Vincent.

   Madaming pumapasok sa isip ngayon ni Vincent, nagtatalo ang isip at puso niya, naalala niya ang sinabi sa kanya.

   "She wants a revenge, kaya ka lang niya binalikan muli para makapag-higanti and after that she'll left you the way you did to her, five years ago!"

  "She wants a revenge, kaya ka lang niya binalikan muli para makapag-higanti and after that she'll left you the way you did to her, five years ago!"

  "She wants a revenge, kaya ka lang niya binalikan muli para makapag-higanti and after that she'll left you the way you did to her, five years ago!"

   Tss laro ang gusto niya, pwes ibibigay ko sa kanya ang larong gusto niya - isip ni Vincent.

   Samantala si Ariana naman ay mataman lang nakatingin sa kanyang laptop, paulit-ulit niyang tinignan ang mga larawang nakikita niya. Gusto niyang sabihin sa sarili na hindi totoo ang mga iyon at pawang edited lang, wala namang kakaibang gestures doon bukod sa pagyayakapan ng fiance niya at si Selena.

   Napailing na lang siya at sinarado ang laptop niya, tumunganga lang siya sa sofa at tinignan ang phone niya.

   I know he will going to explain this to me ... wala lang yun, mga walang magawa! nasabi lang ni Ariana sa isip niya.

   Halos kalahating oras na siyang nakatingin sa cellphone niya ngunit di pa rin tumatawag o nagtetext si Vincent, kung tumunog man ito ay galing naman sa mga kaibigan ang mensahe na sinasabing wag siyang magpaapekto sa mga litrato sa social media!

   She's frustrated right now, she want to hear Vincent's side ... Alam niyang mahal siya ng fiance at hindi nito magagawang lokohin siya.

   Dahil di mapakali ay agad na kinuha ni Ariana ang bag niya at bumaba sa parking lot, naisipan niyang puntahan na lamang si Vincent sa unit nito.

   Nang makarating ay agad niyang tinungo ang unit number nito, dahil may duplicate key ay agad siyang nakapasok, nadatnan niya si Vincent sa sofa nito habang binubutingting ang guitara nito. Tinignan lamang siya ni Vincent at bumalik na sa ginagawa.

   Hahakbang pa lamang si Ariana palapit kay Vincent ng mapansin ang isa pang guitara sa sahig, sira na ito putol na ang ulo kung saan naroon ang tonohan, bali na iyon. Muntik ng mapahikbi si Ariana sa sinapit ng guitara na binigay niya kay Vincent 5 years ago.

  Huminga siya ng malalim para mapigilan ang pagluha, ngumiti pa siya ng makalapit dito. "Wala kang ginagawa? D-Date tayo?" pinilit niyang pasiglahin ang boses niya kahit sa bandang huli ay pumiyok yun.

  "Inaantok ako" sabi lang nito at tinabi na ang guitarang hawak, tumayo si Vincent at lumakad papuntang kwarto, sinipa pa nito ang guitarang sira na, na nakakalat sa sahig.

   Bumuntong hininga na lamang si Ariana at tumingala, "He didn't explain" bulong na sabi ng dalaga at agad pinunasan ang nakatakas na luha sa gilid ng mata niya.

   Samantalang si Vincent naman ay tinalukbong na lamang ang unan sa mukha niya, alam niyang masyado ng obvious ang pag-iwas na ginagawa niya kay Ariana, pero naisip niyang mas okay na yun kesa makipaglaro pa siya.

   Tss di siya masasaktan, dahil in the first place she didn't love me ... she's just fooling me around - Vincent.

   Inayos ni Ariana ang sirang guitara na nagkalat sa sahig, maging ang iba pang kalat ni Vincent sa unit nito ay niligpit na rin niya. makalipas ang ilang minuto sa pag-aayos, naisipan ni Ariana na silipin ito sa kwarto.

  Dahil nakabukas ng konti ay agad ng pumasok si Ariana, nakita niyang tahimik ng natutulog si Vincent, Lumapit siya sa natutulog na binata, umupo siya sa gilid ng kama nito at marahang hinaplos ang ulo ni Vincent, napahawak siya sa kanyang bibig ng di niya maiwasang mapahikbi, "A-ano bang nangyayare sa atin? Ba't ka nagkaka-g-ganyan M-mahal ko?" hanggang sa tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ni Ariana ... sinubukan niyang tumahimik sa pag-iyak at ng di na makayanan ng mga hikbing kumawala sa labi niya, mabilis niyang dinampian ng halik sa noo si Vincent, "M-mahal na mahal k-kita, Mahal K-ko!" at mabilis niyang nilisan ang kwarto nito.

   Kinuha niya pa ang guitara na sira at ikinandado na ang unit ni Vincent bago umalis.

   Idinilat ni Vincent ang mga mata ng maramdaman na umalis na si Ariana, napahawak siya sa kanyang noo na dinampian ng dalaga, mas lalong nagulo ang isip niya sa lahat ng narinig ... di niya na alam kung anong gagawin, gusto ng puso niya kanina na yakapin si Ariana ng mahigpit at sabihing mahal na mahal niya rin ito, ngunit iba ang sabi ng isip niya, gusto ng isip niyang matawa sa lahat ng narinig nito kay Ariana at sa ginawa nito ... nagalingan ito sa pag-arte na ginawa ng dalaga.

   Sa inis imbis na matulog, kinuha na lang ni Vincent ang leather jacket at umalis papuntang bar, naisip niya na sa mga oras na iyon ay alak lang ang makakapag-pagaan ng loob niya.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now