Chapter 39 - Kieth's Hidden Identity

2.9K 64 7
                                    

Chapter 39 - Kieth's Hidden Identity

   (Ryza's POV)

     Dumiretso kami dito sa studio pagka-galing sa Fashion Show Event nila Aya, bukod kasi sa nangyare kanina na problemang ginawa ni Fafa Gray ... Yep Fafa kahit kasi balakid siya sa love story nila Aya at Vincent, e di pa rin maaalis ang pagiging attracted ko sa kanya! Kaya I'm sorry Vincent, pero syempre boto ako sa kaibigan ko for Aya ... pwede namang akin na lang si Gray eh ... hehehe ... pero alam kong imposible kaya sige na nga okay na sa akin si Hon ko! Hihihi kapal lang e noh?!

   So back to the main topic, may isa pa kasi kaming problem! Ito yun!

  "Ano ba kasing sasabihin niyo? Hoy Kyle don't tell me problema na naman yan, kila Aya pa lang quotang-quota na tayo!" sabi ni Hon ko, nasabi kasi namin kanina na dumiretso dito, kasi nga may pag-uusapan kami.

  Makinig na lang kayo para malaman niyo -___^

   "Ano ba kasi yun?" Sila Sky at Hon na lang kasi ang di pa nakaka-alam sa natuklasan namin, well except kila Aya and Vincent.

  Nagkatinginan kami nila Kyle, Brenda, Yassi at higit sa lahat ang nagdala ng problema si Kieth!!!

   "Hoy Kieth ikaw ang magpaliwanag sa kanila tutal ilaw ang nagdala ng problema!" Baling ko dito sa human problem, literal hahaha ;)

  

   Naaalala niyo ba yung time na balak namin kumain sa isang japanese resto na nakita namin si Kieth? With the controversial father on earth?! Ganito kasi yun!

   *FLASHBACK*

"TITO ARNEL?!" Sabay-sabay na sigaw namin nila Yassi at Brenda.

  Dahil nga nakita na namin ang tinatago ni Kieth ay umusog na siya, nang sa ganon ay mas makita pa namin si Tito Arnel!

  "Kilala niyo siya?" Tanong sa amin ni Kyle na walang kaalam-alam sa nangyayare.

  Sa pagkaka-alam ko kasi di nila nakilala ang father ni Aya ... Oo tatay ni Aya si Tito Arnel ... ang kaisa-isang taong kinsusuklaman ni Aya noon hanggang ngayon!!!

   Palipat-lipat ang tingin namin kay Kieth at Tito Arnel.

   Hanggang sa sumama na lang kami sa table nila, nagpadagdag lang ng isa pang table at chairs.

  "So sino ba talaga siya Kieth?" Tanong ulit ni Kyle, kasi di namin sinagot ang tanong niya kanina.

  Sinamaan namin ng tingin si Kieth ng tumingin siya sa amin, isang apologetic looked! Tss siraulong to! Kilala pala niya ang tatay ni Aya, pero di manlang sinasabi sa amin. Sabagay ito ang malaking tanong dyan eh! Paano nakilala nitong kupal na si Kieth ang tatay ni Aya!? Diba! paano? Sa pagkaka-alam namin ay nakilala namin si Kieth e wala na sila Aya at pamilya nito sa eksena! So how?!

  "Siya si Tito Arnel Santos, Salvador ... Ang papa ni A-Aya!" Paliwanag ni Brenda sa boyfriend niya.

  Katulad namin kanina ay nanlaki din ang mata ni Kyle sa gulat, "W-What? Te-teka kung papa po kayo ni Aya ... Hoy Kieth paano mo siya nakilala?!" Baling nito kay Kieth.

  Well that's my question too!?

  "Mga nag-matured na talaga kayo mga bata" napatingin kami sa nagsalitang si Tito Arnel.

  Kung titignan mo ang papa ni Aya, ganun pa din naman siya mas tumanda lang ang mukha nito at may ilang puting buhok na ito sa ulo ... mukha pa rin itong mabait, kaya nagtataka ako kung bakit niya nagawa iyon kila Aya!

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon