Chapter 43 - Grocery

2.2K 42 0
                                    

Chapter 43 - Grocery

   (Ariana's POV)

    "What do you think?"

   "Maganda ka pa din naman kahit anong suot mo"

  Natawa ako sa reaksyon niya, "But do I look like Ariana the international model De Veyra?" umiling lang siya kaya naman ngumiti ako, "Ikaw din di ka na mukhang si Vincent The Leader and Vocalist ng The Time Buenavista" inayos ko pa ang suot niyang cap bago kami bumaba sa parking lot.

   Pupunta kaming mall ngayon, naisipan kasi namin ni Vincent na mag date naman sa mall like the old times, di na kasi namin nagagawa yung mga ginagawa namin noon, masyado na kasing malabo ... so I decided na mag disguised na lang kami so that they can't acknowledge us. Kaya lang tingin ko ay mapapansin pa din kami ng nga tao, ito naman kasing si Vincent ay bumili pala last-last day ng isang couple shirt and couple shoes, Yep couple kung couple. Nakita niya daw ito sa isang online shop sa instagram at ang mokong ayun, natuwa kaya binili -___-

  

   Yung shirt ay color white na pina-customize pa niya, parehas silang may naka-sulat sa likod ng MAHAL KO sa likod at sa harap naman ng sa kanya may lalaking nagi-guitar yung design while sa akin ay babaeng naka-project sa taas ng runway stage. Yung propesyon naming dalawa. About naman sa rubber shoes ay same style and color na white, magkaiba lang kami ng size malamang.

  Cap and shades lang ang laban namin, disguised na naman siguro to diba? Pero ako kasi ay naka-wig na color black, it was a bubbly cut.

   Nang makarating kami sa mall ay pinagtitinginan na agad kami, kaya naman todo kapit ako kay Vincent, na trauma na kasi ako sa mga fans at media ilang beses na nila akong nasugatan at nasasaktan ... nakakatakot!

    "Ang cute nila oh"

   "Di naman sila masyadong proud niyan?"

  "Bagay sila parehong maganda at gwapo"

  "Tss mukha silang tanga!"

  Sinamaan ko ng tingin ang nagsabi ng huli kong narinig at ginantihan niya lang ako ng irap, Aba't mahadera!!! naka-nerdy glass kasi ako at si Vincent naman ay rayban shades, "Di kaya mukha tayong tanga dito sa suot naten?" bulong ko sa kanya. Cute ang suot namin para sa mga ordinaryong tao, pero para saken hindi, feeling ko nagmu-mukha lang kaming tanga. Katulad nga nung sinabi ng bwiset na babaeng yun!

   "Tss who said that? Bagay sayo at sa akin, proud lang tayo sa relasyon natin Mahal ko, kaya okay lang yan" sagot lang niya at hinatak na ko sa groceries. Yun kasi ang una naming gagawin, wala na kasing stock sa unit ko na pagkain, lalo pa't di naman ako marunong magluto.

  Nagpahatak na lang ako  kumuha kami ng cart at naglibot-libot na, si Vincent ay panay kuha ng mga pagkain na pwedeng lutuin, samantalang ako naman ay puro diet foods, napansin ko na halos lahat ng kinukuha ko ay nawawala din sa cart namin, "Nasan na yung nilagay ko?" asar na sabi ko.

   Busy siya sa pagtulak at pagtingin ng pwede pang kunin, "Binalik ko, di yun nakaka-busog mahal ko" sabay lagay naman ng hotdog, bacon, ham at ilang pang para sa breakfast.

  "Di naman ako marunong magluto, ibalik mo na yan, kukuha na lang akong de lata" sambit ko at binalik sa lagayan yung ilang sa mga kinuha niya.

   "Ipagluluto kita" simple sagot lang niya at kinuha yung mga binalik ko.

  Tss pagluluto, di naman siya laging nasa unit ko eh, paano kung wala siya edi namatay na ko sa gutom -_____-

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon