Chapter 18 - The Proposal

3K 47 0
                                    

Chapter 18 - The Proposal

(Brenda's POV)

    "Hahaha laughtrip talaga si Ryza kahit kailan" Kieth.

   "Sshhh wag kang maingay baka marinig niya tayo ... mabulilyaso pa yung plano ko!" Isa pa to, bagay nga sila ni Ryza pareho silang nakakatawa.

   Nandito kami sa likod ng mini-stage sa side ng beach, pinahiram mismo nung resort itong mini-stage bukod sa nakiusap si Kiel ay sinabi rin niya na libreng concert na ang gagawin nila. Pumayag agad ang Peacock Garden. Nang malaman nga ito ni Boss Key ay agad itong tumutol pero napapayag din bandang huli sa tulong ng mga good words ni Vincent.

   Nakikita namin si Ryza dito, dahil may binayaran si Kiel na kumuha ng video sa nagger naming kaibigan, parang coverage na rin. Oo nakikita namin ang mga kabaliwang pinag-gagawa ni Ryza.

  Ang ganda pa naman niya ngayon, pero makikita mo sa mukha niya na highblood na siya dahil sinisigawan niya na si Peter Pan at Red Riding Hood sa tabi niya, isa kasi ito sa plano ni Kiel ... gagawin niyang mala fairy tale ang proposal niya kay Ryza.

  Kung si Princess Jasmine si Ryza of course ang Aladdin niya ay si Kiel. Kung nagtataka kayo kung san namin nakuha yung mga costumes, ito ay nirentahan, at yung mga tao na naka-costume din dito sa beach ..  sila naman ay pinakiusapan lang. Kaninang tanghali kasi nag-announce ang resort na magkakaroon ng costume party which is proposal act talaga ni Kiel. Hassel kasi kung magbabayad pa ng mga tao at magrerenta rin ng costumes nila. Sobrang mahal na ng pwedeng gastusin ni Kiel at pag nalaman yun ni Ryza panigurado papagalitan niya si Kiel.

  Bale yung mga sumasayaw sa paligid ni Ryza sila ay mga napakiusapan lang, libre at walang bayad, may bayad pala libreng pa picture sa The Time at kay Aya, syempre libreng gig na rin sa The Time ... sagot lang ata ni Kiel ay yung non-stop na drinks!

   Gusto niyo bang malaman ang costumes namin? Ako ay si Belle ng Beauty and the Beast syempre ang Beast ko ay si Salvador.

  Si Yassi naman pa twitums so Snow White ang peg, tas si Prince Charming or Charles ay si Sky.

   Yung dalawa naman which is Vincent and Aya, haayy ewan ko dun sa dalawa, kanina sa costume shop sobrang gulo nila ... kung anong mapili ni Aya binabagayan ni Vincent kaya nakailang palit si Aya, sa huli ang pinipi niya ay si Elsa ng frozen kasi diba walang partner si Elsa pero nagawan ng paraan ni Vincent nakakita siya ng costume na babagay kay Elsa at pinangalanan niya ng Ice King daw -___- wala namang ganun diba? Hay ewan trip nila yun eh!

  Si Kieth ayun di sumunod sa theme, sabi fairy tales lang diba? Ang kinuha ba naman ay si Superman! Pinabayaan na lang ni Kiel kasi kahit siya walang magawa ... umangal pa nga itong boyfriend ko dapat daw nag batman na lang siya pwede naman daw pala yun -_____-

   "Papwestuhin mo na sila Kiel baka magwala si Ryza" alalang sabi ni Yassi.

   Kinausap ni Kiel sa cellphone na hawak niya yung nga choreo, sila yung 10 tao na haharang kay Ryza.

  Ewan ko lang kung mapraning pa si Ryza sa gagawin ni Kiel!

***

  (3rd Person's POV)

   Kahit naguguluhan sa nangyayare ay di pa rin maiwasan ni Ryza na mapabilib, yung sampung tao kasi na humarang sa daraanan niya ay nagsimulang sumayaw ... tila sila ang naging hudyat para sumabay yung iba pang tao sa paligid niya.

Hi ?

Girl you just caught my eye

Thought I should give it a try

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon