Chapter 33 - Zeus

2.6K 47 0
                                    

Chapter 33 - Zeus

(3rd Person's POV)

Di na muli pang kinulit ni Ariana si Vincent sa tanong kung saan siya dadalhin nito, napangiti naman ng palihim ang binata ng tumahik na din ang kanyang nobya.

Mahaba-haba rin ang kanilang byinahe, ngunit ilang minuto lang ay narating na rin nila ang lugar na pupuntahan nila. Nang ihinto ni Vincent ang kanyang sasakyan ay nakita niya ang mga kotse ng kaniyang mga kabanda, naunahan nga sila ng mga ito.

"We're here" anunsyo ni Vincent sa dalaga.

Di na siya sinagot ni Ariana, habang binabaklas nito ang kanyang seatbelt ay di niya maiwasang mapatingin sa labas ng bintana, nakita niya ang kotse ng mga kaibigan nila.

San naman kaya to? Tanong ng isang bahagi ng isip niya.

Di man niya alam kung nasan sila, ay para sa kanya pamilyar ang lugar na yun ... di pa kasi malinaw kung nasan sila bukod sa nasa parking lot sila ng isang saradong restobar, ay wala na syang ideya kung nasan pa sila. Ilang taon din siyang nawala sa Pilipinas at kung may natatandaan man siyang lugar di ito kasali doon.

Narinig niya ang pagsarado ng pinto sa bahagi ng driver seat, sumunod na siya agad sa nobyo, pagkababa pa lamang niya ay inilibot niya na ang kanyang paningin. Walang katao-tao sa parking lot at mistulang mga sasakyan lamang nila ang omu-okyupa dito.

"Let's go Mahal ko" aya ni Vincent sa nobya, nilahad pa nito ang kanang kamay. Di naman na nagdalawang isip pa si Ariana at inabot na ang kamay ng nobyo.

"Ano bang lugar to? Kakain lang naman tayo kung san-san pa tayo napunta" maktol ni Ariana habang tinatahak nila ang palabas sa parking na iyon.

Napatawa naman si Vincent sa tinuran ng dalaga, para kasi itong bata na nagmamaktol dahil nagugutom na. "Nasa loob na sila Mahal ko, bilisan na natin" sagot na lamang niya.

Nang makarating sila Ariana sa mismong tapat ng Restobar na iyon ay laking gulat niya ng mabasa ang nasabing kainan, nahigit niya pa si Vincent, "Zeus?!" gulat na bulalas niya, "Ito yung--"

"Yup ito nga yung restobar na pinupuntahan natin dati at dito rin kami noon tumutugtog" putol ni Vincent sa sasabihin ni Ariana.

Marami na naman ang pumasok sa isipan ni Ariana sa mga naaalala niya sa lugar na iyon, ito ang restobar na pagmamay-ari ng tiyahin ni Ryza, kung saan nagpart time sila Vincent sa pagtugtog, naging tambayan din ito ng kanilang magbabarkada.

Akmang maglalakad na si Vincent ng higitin ulit siya ni Ariana, "Why?" Aniya.

"It's closed, we can't go there?" nakita niya kasi na patay ang signage ng pangalan mismo ng restobar na iyon at halatang sarado ito dahil may nakalagay na closed bukod pa sa wala rin ilaw sa loob.

"It's okay akong bahala" natatawang sabi nito sa nobya.

Ngumuso naman si Ariana, "Tss ikaw bahala, idadamay niyo pa ako sa kawawa ... can't you see it's closed, pag pumasok tayo dyan baka makasuhan pa tayo ng tresspassing" asik niya sa nobyo.

tss dadamay pa nila ako sa kalokohan nila, kala ko pa naman grumaduate na ang mga to sa paggawa ng mga kalokohan! - Ariana

Mas lalo naman natawa si Vincent, "Haha masyado kang kabado Mahal ko, sarado talaga yan ngayon dahil pina-reserved namin ang buong resto ngayong gabi ... halika na nga" di na naka-apela pa si Ariana nang hatakin na siya papasok ni Vincent.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now