Chapter 38 - Screen Vs. Real Boyfriend

2.5K 50 0
                                    

Chapter 38 - Screen Vs. Real Boyfriend

(Ariana's POV)

Mabilis natapos ang mga models sa pagbalandra ng gawa ni Luna, ang huling rarampa ay kaming dalawa ni Gray, suot niya ang White suit ni Luna samantalang ako, ay ang black long gown na super revealing, at the same time nakaka-takot suotin -.-

Kinabahan ako kanina ng makita kong galit ang reaksyon ni Vincent, kaya naman kahit alam kong bawal ibato yung damit sa audience ay ginawa ko pa rin, binato ko yun kay Vincent na pati ang mga kaibigan ko ay naghiyawan, at least di na siya galit ... well di ko lang alam pagkatapos nito!

Suot ko na ang long gown, naayusan na rin ako ng ilang stylist na kasama ni Luna, pinusod nila ang buhok ko para makita ng husto ang damit na suot ko. Pakiramdam ko dumoble ang kaba ko dahil sa damit na to!

"I'm so great, sabi ko na nga ba at babagay ang damit sayo" tuwang-tuwa siya, "Binigyan mo ng hustisya ang damit ko!" Pumapalakpak na sabi ni Luna!

Tss mukha ngang anytime huhulihin ako ng pulis dahil sa suot ko eh!

"Ang ganda mo talaga Ms. Ariana" puri ng isa sa mga stylist.

Ngiti na lang ang sinagot ko sa kanila, nakatuon lang kasi sa repleksyon ko sa salamin ang mata ko. Kita sa suot kong damit ang korte ng katawan ko at nahiya naman ako sa pagkaka-lantad ng gitnang dibdib ko papunta sa pusod. Maging ang haba ng slit sa legs ko, buti na lang at nilagyan ako ng skin tone stockings, at least feel safe ang down there ko! Di kaya mapulmonya ako dahil sa bukas na bukas kong likod?

Tss kebata-bata kasing designer puro pang-revealing naman ang designs niya :v kung sana siya ang magsusuot =_=_=

"Here comes your Prince Charming" napalingon ako at nakita ko si Gray suot ang white suit niya. Di talaga makakaila ang kagwapuhan ng lalaking ito. Tss-Tss Sayang lang at hindi basta lang namimili ang puso ko ng gwapo lang. Yeah mahal ko pa din si Gray, pero di ko na alam kung pag-ibig pa ba yun o simpleng kaibigan na lang.

Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay niya, "Let's go? We need to ramp now gorgeous"

Narinig ko ang tilian dito pa lang sa loob ng dressing room, inabot ko ang kamay niya at ngumiti. Umamba na kami sa likod ng tela, "You look so stunning" bulong saken ni Gray, ngumiti naman ako sa kanya at pinuri siya.

"Same as you Mr. Yamsuan" napansin ko na napalitan ang emosyon ng mukha niya sa sinabi ko, "Gray, I want you to know na masaya ako at nakasama ulit kita sa pag-rampa, utang ko sayo kung paano ako nakapunta sa pwesto ko ngay--"

"Don't talked as if you're going to bid goodbye to me Ariana ... kahit anong mangyare di kita pakakawalan ... like what I told you before Mahal kita ... I love you so much that I can't give your freedom ... and I'll do everything to win you back again" he said. Kinabahan ako sa sinabi ni Gray, pakiramdam ko may gagawin siyang di maganda. "Keep that in mind Ariana"

"Gra--"

[The Final Ware Of Luna's Designs]

Naputol ang dapat kong sabihin ng marinig namin ang in-announce ng host, kaya naman agad na kaming lumabas. Si Gray sa kanan na bahagi ng runway, ako naman sa kaliwa.

Sana matapos ito ng walang nagiging problema!

***

(3rd Person's POV)

[The Final Ware Of Luna's Designs]

Umusbong na naman ang hiyawan at sigawan ng mga tao sa event hall ng sabay na rumampa sila Gray at Ariana ... suot ang kanilang formal but seducing ware ... sila ang pang finale ni Luna Sy sa kanyang mga designs.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon