Chapter 9 - Walang Iba

4K 56 0
                                    

Chapter 9 (Walang Iba)

(Kyle's POV)

"BITAWAN MO KO SABI!"

"DI NGA PWEDE, MYLOVES MAKISAMA KA NAMAN ' BAKA MAY MAKAKITA SA AKIN DITO AT MAS MAGKA-STAMPEDE PA!!!"

"EDI MAS MAGANDA PARA KUYUGIN KA NG MGA MALALANDI MONG FANS!!!"

Hayy ang kulit niya talaga, kanina pa kami dito sa parking lot ng Fisher Mall ' kaka-alis lang ng mga kotse nila Sky, Kieth at Kiel ' pero kami di pa rin nakaka-alis dahil dito kay myloves, galit pa rin kasi siya dahil dun sa jenny, jesa o jeca hay ewan ' yung babae na humalik sa akin kanina at tinawag pa siyang P.A ko.

"Halika na kasi myloves" mahinahong sabi ko habang hinahatak siya sa braso niya.

"BITAWAN MO SABI AKO. MAY KOTSE AKO AT DI KITA KAILANGAN!!!" sigaw na naman niya.

Buti na lang at naka-shades at sumbrero ako kahit pinagtitinginan kami di naman napapansin na ako ito ang napaka-gwapong si KYLE SANDOVAL.

"Buti nga sinundo pa kita dito eh"

Tumaas yung kaliwang kilay niya sa sinabi ko "SO SINUSUMBATAN MO KO SANDOVAL? BWISET KA TALAGANG PLAYER KA!!!" nabwi niya sa akin ang braso niya at hinampas na naman ako ng bag niya.

"Di kita sinusumbatan my-- Aray myloves tama-- Aray" sunod-sunod na kasi ang paghampas niya sa akin. tae ano ba laman ng bag nito at bakit ang sakit ng hampas niya.

"MANIGAS KA DYAN HALIPAROT!!!" nagsimula na siyang maglakad papunta sa kotse niya, iika-ika siya maglakad ... mukhang nasaktan siya sa pagpigil sa mga lumalapit kay Aya kanina ' Kaya naman sinundan ko siya pero "WAG KANG MAKASUNOD-SUNOD SALVADOR!!! SINASABI KO SAYO HA" sigaw niya.

Kaya no choice akong sumakay sa kotse ko at hinintay ko muna siyang maka-alis at sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa bahay nila. Nung safe makita ko na safe siya umalis na rin ako pabalik sa studio.

Nag park na ako at sumakay na agad sa elevator, pagkabukas ko ng pinto ' nandoon silang lahat Si Kiel, Ryza, Kieth, Sky at Yassi.

"Oh nasaan si Brenda?" bungad na tanong ni Ryza ' meron siyang sugat sa braso kaya ginagamot iyon ni Kiel.

"Umuwi na" walang gana kong sagot, panigurado masakit ang paa nun ' pag may masakit pa naman sa babaeng iyon sa akin agad iya lumalapit.

"Aray Hon" reklamo ni Ryza. "Galit kasi yun sayo" - Ryza

"Alam ko"

"Yun naman pala eh, di mo manlang sinusuyo?" - Yassi

"Paano ko susuyuin, hawakan ko nga lang nagagalit na binubugbog na ako" totoo naman eh, ang sakit kaya ng paghampas niya sa akin ng bag niya.

"WAHAHA ... Patay ka Kyle maghihiwalay na kayo ni myloves mo hahaha" pang-aasar ni Kieth.

"Tado" sabay bato ng sapatos ko sa kanya ayun nga lang naka-ilag.

"Di ka kasi marunong sumuyo" sabi naman ni Kiel nang hindi tumitingin sa akin.

Kala mo naman marunong siya nun, mas babae pa nga siya sa relasyon nila ni Ryza eh -___-

"Oo nga Kyle, gumamit ka ng gimik pare" suhestiyon ni Kieth

"Gimik?"

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon