Chapter 11 - Bohol

3.8K 64 1
                                    

Chapter 11

(3rd Person’s POV)

Tamad na bumangon si Ariana sa kanyang higaan, 7:30AM pa lang ng umaga ay tinawagan na siya ng kanyang manager na si Violet para gisingin dahil 9am ang flight nila papuntang Bohol, nakapikit siyang dumiretso sa kanyang banyo at naligo, di niya ininda ang malamig na tubig na dumadaloy sa kanyang katawan dahil naisip niya na kailangang magising ang diwa niya gawa ng malamig na tubig.

Pasado alas tres ng madaling araw na kasi siya nakatulog dahil sa pakikipag diskusyon sa manager niyang si Violet, pinagtalunan nila ang pagpunta rin ng banda nila Vincent sa nasabing lugar, kahit galit na galit ay wala namang nagawa ang dalaga dahil kung pasaway siya matigas naman ang bungo ng manager niya.

Gising na gising na ang diwa ni Ariana ng makalabas siya sa banyo, mabilis niyang sinuot ang maong pants na may sira-sira sa harapan bilang design at ang fitted pink shirt niya na di naman lalampas sa pusod ang haba. Makikitaan mo talaga sa kanya na isa siyang modelo sa way ng pananamit niya. Tinirintas niya patagilid ang buhok niya at naglagay lang ng konting kolorete sa mukha, nang makuntento sa ayos ay agad nitong sinuot ang white valentino shoes niya na regalo pa ng isa sa mga kaibigan niya sa New York.

Sakto naman na nakatanggap siya ng text galing kay Violet na sinasabing hinahantay na siya nito sa lobby ng condo niya. Sinuot niya ang sunnies sabay hinili niya na ang maliit na maleta at ikinawit naman sa braso ang pink shoulder bag niya.

8:45am Nang makarating sila sa Airport sunod-sunod na flash ng camera ang tumambad sa kanila at halos wala ng madaanan sa entrance ng airport sa sobrang daming tao na nakaharang, yung iba may mga dala pang banner ng iniidolo … nagmukha tuloy concert place ang airport, dala na rin siguro na ang kasama niya sa eroplano ay ang mga kilalang miyembro ng bandang The Time. Lumabas siya ng sasakyan at parang nasa isang live na fashion show siya kung maglakad. Di alintana ang mga flash ng camera at pagtawag sa pangalan niya at mga bulungan patungkol sa dalagang modelo.

“She’s so perf.”

“The way she dress My god She’s so fab”

“Mataray daw yan eh!”

“Maganda nga masama naman ang ugali”

“Swerte niya maka-kasama niya ang The Time”

“Bagay sila ni Vincent!”

“May boyfriend na yan eh”

“Si GRAAAAAAY!”

Wala sa oras na napairap si Ariana sa mga narinig niya, buti na lamang at suot niya ang kanyang salamin sa mata at walang nakapansin ng katarayan ng dalaga. Mas lalo namang tumaas ang kilay niya ng makita sa di kalayuan ang mga bwisit sa buhay niya.

“Sira na ang araw ko” bulong niya sa sarili.

“Problem?” nagtatakang tanong sa kanya ni Violet. Umiling lang siya bilang sagot at nagpatuloy na sa paglalakad.

***

(Vincent’s POV)

8:15AM nang makarating kami dito sa Airport, Eroplano ang gagamitin namin papuntang Bohol bukod sa di hassle, eh mabilis lang dahil 1 hour lang ang bubunuin para makarating sa aming destinasyon. Buo kaming banda kasama ang mga girlfriends nila.

Kasama din namin si Boss Key at ang Director na kinuha namin para sa MV. Oo kami din ang kumuha ng magdi-direct, ayaw kasi ni Boss Key na galing pa mismo sa agency namin baka daw ang kalabasan ng Video ay di maganda at ayaw niya kasi na uutos-utusan pati siya. Angas diba!

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now