Chapter 12 - Familiar

4.1K 70 1
                                    

Chapter 12

(Ariana’s POV)

“Wag mo nga akong sandalan” di niya ako pinansin at patuloy pa rin sa paghilig ng ulo niya sa balikat ko, “Ano ba ang bigat ng ulo mo” bawat tulak ko sa ulo niya, panay rin ang balik nito sa balikat ko.

Bwisit talaga ang Vincent Buenavista na ito, buong akala ko sa Bohol ko pa mararamdaman ang presence ng mga ito, lalo na ang lalaking nasa tabi ko. Di ko naman akalain na sa Airport pa lang maging dito sa eroplano ay kukulitin niya na ako!

Kung tinatanong niyo kung bakit siya ang katabi ko imbis na si Violet o kaya naman isa sa mga babaeng kasama namin ay pakana ng lalaking to. Katabi ko si Violet ng magsimulang lumipad ang sinasakyan namin, pero bigla na lang lumapit ang kumag na ito at tinawag si Violet, ewan ko kung anong binulong niya pero tumayo naman itong bitch kong manager at doon na umepal si Vincent.

“Inaantok ako, pasandal lang” naka-pikit niyang sabi. Di ko alam kung bakit pero hinayaan ko na siya at di na tinulak ang ulo niya palayo.

Binaba ko ang binabasa kong libro at di na pigilang silipin siya. Kung titignan mo siya mukha ngang inaantok siya, siguro napuyat ito. Kanina di ko alam kung bakit niya ako hinatak ang sabi niya lang, “Lumayo ka kay Kieth babaero yun!” at iniwan niya na ako.

Inismiran ko lang siya sa sinabi niya. Aaminin ko sa nakalipas na limang taon mas gumanda ang pisikal na anyo niya, di siya payatot dati pero di rin naman malaki ang katawan. Pero ngayon may abs na siya, siguro lang naman ha’ malay ko ba! Mas gumanda rin yung mukha niya kaya siguro ang dali niyang maka-attract ng fans niya. Kung alam lang ng mga fans niya na kung anong kinagandang lalaki nitong katabi ko ay ganun naman kasama ang ugali sa mga babae.

Pa-fall pero lolokohin ka lang, pagpupus—

“Hindi lahat ng akala mo totoo” napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakatingin na siya sa akin. Agad ko siyang tinulak, ano ba yun? Marunong na ba siyang magbasa ng isip ng ibang tao?!

“Wag ka ng dumi—”

“Aya san mo balak mamasyal pagdating natin sa Bohol? Gusto mo bang sumama sa amin?” napahinto ako ng biglang kausapin ako ng nasa likod namin which is Yassi katabi niya si Sky.

Ang seating arrangement namin sa eroplano ay nasa kaliwa kami ni Vincent, sa likod namin sila Sky at Yassi at sa harap naman namin si Kieth. Sa kanan naman sila Kiel & Ryza, front nila sila Boss Key at Violet sa likod naman sila Kyle at Brenda.

Kanina pa nga nagrereklamo iyong malanding lalaki sa harap namin na si Kieth, bakit daw forever alone siya. Kung di naman ako tinabihan ng lalaki na ito edi sana pareho kaming loner sa upuan!

“Work” maikling sagot ko.

Napatingin naman sila sa akin except sa mga manager namin, di naman kasi nagkakalayo ang mga upuan namin kaya maririnig mo ang bawat usapan. Dipende na lang ang bulungan.

“Agad?” gulat na tanong ni Ryza.

“Work is my first priority there” sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana, ramdam ko na nakatitig sa akin si Vincent kaya naman di ako lumilingon.

“Ang hirap siguro maging model” –Brenda

“Di ka ba muna magpa-pahinga paglapag natin?” narinig ko ng tanong ng nasa tabi ko.

“30 minutes rest then after that pictorial” I said. Minsan naman nahihirapan din ako lalo na pag maganda ang lugar na pupuntahan, pero kaya nga ako pupunta doon dahil para sa trabaho at di magliwaliw, siguro makakapamasyal lang ako pag tapos ko na lahat ng trabaho ko.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon