Chapter 24 - Bad News!

2.9K 46 0
                                    

Chapter 24 - Bad News!

(3rd Person's POV)

"Ilang araw na rin ako sa New York ng makilala ko si Gray, siya ang unang taong kumausap saken" napatawa si Ariana ng maalala niya ang mga panahon na nagka-kilala sila ni Gray, "Alam mo bang nung nakita ko siya, nakatakip ng mask ang mukha niya, akala ko weird lang talaga siya .. yun pala sikat na model siya sa New York kaya siya ganun ... tinulungan niya akong isigaw sa mundo ang mga problema ko."

Di maiwasang malungkot ni Vincent sa mga naririnig niya kay Ariana, maririnig sa boses ng dalaga ang saya sa pagkukwento ng tungkol sa lalaking karibal niya. Di niya maiwasang magselos at mangamba.


"That time I thought he's a pure english man .. di nakakaintindi ng tagalog, pero di pala .. lahat ng sinigaw ko nung time na yun naintindihan niya .. tinawanan niya pa nga ako eh" patuloy ni Ariana, "At dun siya umamin sakin na half pinoy siya, simula nun lagi na kaming pinagtatagpo ... nagagalit siya sa akin tuwing nadadatnan niya kong umiiyak .. natatawa na lang ako sa kanya tuwing nagrereklamo siya sa mga kadramah---"

"Mahal mo ba siya?" Di napigilan ni Vincent ang magtanong, kahit masakit gusto niya lang marinig mismo yun kay Ariana .. lalaki siya at alam niya kung mahal ng isang babae ang isang lalaki.

Umalis si Ariana sa bisig ni Vincent at humarap dito, nakikita ng dalaga kung paano nasasaktan si Vincent ng mga oras na yun .. seryoso man ang reaksyong pinapakita nito, iba naman ang sinasabi ng mata ni Vincent.

Ngumiti ng malungkot si Ariana, "Mahal kita Vincent ... p-pero bakit ganun M-mahal ko rin siya"

Napayuko na lang si Vincent sa narinig, gusto niyang sapukin ang sarili .. siya ang nagtanong pero ito siya ngayon at nasasaktan .. masakit pa rin palang marinig mismo sa boses ng taong minamahal niya ang mga salitang hiniling niya na sana hindi. Sana siya lang ang mahal ni Ariana.

Agad na pinunasan ni Ariana ang kumawalang luha mula sa mata niya, nakikita niya sa kanyang harapan na malungkot na naman ang lalaking pinaka-mamahal niya at dahil na naman ito sa kanya.

Hanggang kelan ko ba siya masasaktan? Tanong niya sa isip.

Umangat ang ulo ni Vincent at ngumiti ng malungkot kay Ariana, hinawakan nito ang kamay ng dalaga. Sobrang higpit na para bang ayaw na siyang pakawalan. "Please Aya .. nangako ako sayo diba? Nangako ako na di kita sasaktan .. pero please wag mo akong iwan .. baka di ko na kayanin please mahal ko"

Di na nagsalita si Ariana at niyakap na lamang si Vincent, "I'll talk to Gray, to clarify things about us ... don't worry di kita iiwan mahal ko"

Kumalas sa pagkakayakap si Vincent at kinintilan ng halik ang noo ni Ariana pababa sa tungki ng ilong nito, sa magkabilang pisngi at huminto iyon sa harap ng labi ng dalaga, "5 years is enough Aya, di ko na hahayaang mawala ka pa ulit saken .. mahal na mahal kita mahal ko" at masuyong inangkin ni Vincent ang nakaawang na labi ng babaeng mahal niya.

Mahal man ni Ariana si Gray, pero alam niya na mas matimbang ang nararamdaman niya para kay Vincent .. sana nga lang ay maintindihan iyon ni Gray.

***

(Ariana's POV)

Ilang araw na rin ang nakalipas nang bumalik ang dating relasyon namin ni Vincent, natapos din ang 4 scenes ng MV nila at na extend ng dalawang araw ang stay namin dito sa Bohol.

Pumayag kasi si Boss Key at Violet na magbakasyon muna kami kahit dalawang araw lang, i-enjoy daw namin ang pag stay namin sa Bohol tutal ay puro trabaho ang inatupag namin ng mga nakaraang araw. We need time to unwind!

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now