Chapter 3 - Welcome Home

5.5K 91 1
                                    

Chapter 3  (Welcome Home)

  (Vincent's POV)

Limang taon na akong umaasa na makikita ko pa ulit siya, sinubukan ko siyang hanapin, ginawa ko ang lahat para mahanap siya pero wala, mahirap humanap ng taong ayaw magpakita.

  *Flashback*

   (5 Years Ago)

Umalis ako sa harap ni Aya pagkatapos kong sabihin lahat ng dapat kong sabihin.

  Nung araw na hinihintay ko siya sa Park malapit sa kanila, bawat minutong dumadaan kumakabog ng malakas ang puso ko. Iniisip ko ang mga dapat kong sabihin at dapat kong gawin buong akala ko di na siya darating nung araw na yun pero dumating siya.

Tinawag niya ako sa pangalan ko nun, nung tignan ko siya ' marami akong napansin na iba sa kanya, pumayat siya ' mukha rin siyang laging puyat, parang nakukulangan na siya sa pagkain pati na rin sa pagtulog.

  Nung nakita ko siya sobra ang pagpipigil ko sa sarili ko na wag siyang yakapin, ayokong ipakita na Mahal ko siya na Mahal na Mahal ko siya, kasi alam ko sa dulo ako rin ang masasaktan kaya imbis na masaktan niya ako ' ako na lang ang mananakit sa kanya, para hindi ako maging kawawa kung matuloy nga ang naudlot nilang love story ni Johann.

   Bawat salitang bini-bitawan ko sa kanya, nasasaktan din ako pero di ko na yun inisip, basta lahat ng masakit na salita sinabi ko na sa kanya ... nakita kong nagbago ang reaksiyon niya sa lahat ng sinabi ko, nakita ko rin na nagtutubig na ang mga mata niya.

  "Bakit parang nasasaktan ka?" gusto ko yun sabihin pero hindi ko ginawa kasi naisip ko na baka nasaktan lang siya dahil di lang pala siya ang kayang manakit ng iba nasaktan siya kasi naloko ko rin siya.

  Nagsimula na akong tumalikod sa kanya pagkatapos kong sabihin ang lahat pero napahinto ako ng magsalita siya.

  "K-Kahit ba ... gusto? h-hindi mo ba ako ginusto" nagulat ako sa tanong niya pero napansin ko din ang pagka-krak ng boses niya, ngayong nakatalikod ako sa direksyon niya iisipin ko na iiyak siya anytime pero binawi ko agad sa utak ko na umiiyak siya, imposibleng iyakan niya ako. Nakita kong nagkita sila ni Johann ibig sabihin naayos na nila ang lahat ng meron sila.

Kailangan kong sagutin ang tanong niya, kaya di na ako humarap sa kanya at sinagot na lang ang tanong niya. "Sinubukan ko, pero mahirap kang mahalin ' magustuhan pa kaya! kahit katiting HINDI KITA NAGUSTUHAN!" pinagpatuloy ko na ang paglalakad palayo sa lugar na iyon palayo sa kanya.

  Pero di pa ako nakalalayo, bigla namang bumuhos ang malakas na ulan ' Una naisip kong balikan siya sa Park kasi baka mabasa siya ng ulan pero binawi ko na naman ang iniisip ko, dahil sigurado ako pagkatapos ng paghihiwalay namin tatakbo siya kay Johann at sasabihin ang magandang balita.

  Ako naman nagpaka-basa na lang sa ulan, hinayaan ko lang umagos ang mga patak ng ulan sa mukha ko kasabay ng luha ko ' dahil simula ng araw na ito wala ng Aya Santos sa buhay ko.

-----

    Madaling lumipas ang linggo, sa loob ng dalawang linggo matapos ang pakikipag-hiwalay ko kay Aya, di ako nakipag-usap sa kahit sinong kaibigan ko, pati na rin kay Vlad at Johann. Sinabi ko kay Lola Virginia ang nangyaring paghihiwalay namin ni Aya, noong una nanghinayang siya pero di na siya nagtanong kung bakit.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now